Ace's POV
"Oh lane andyan kana pala lane meet jade. Jade say hi to my lil sis"
"I know her. Ikaw yung nabangga ko nung nakaraang araw hindi ba?"
"Ohhh nice what a small world"
May kakaiba kay pikachu. Si Jade siguro yung tinutukoy niyang bagong crush niya. Gotcha lil sis.
"Kuya ace di kami magkakilala I just know his name nabangga niya kasi ako nung isang araw"
"Is that so?"
"Y..yeah"
Sumakay na kaming tatlo sa kotse.
Kaya kami magkausap kanina ni Jade nakiusap siya saken na makisabay pauwi nasira raw kasi yung kotse niya pumayag naman ako. Di naman siya ibang tao saken.
"Nung palang nabangga kita I'm really sorry di ko naman yon sinasadya"
"Oh i..it's okay tapos na yon. Kalimutan nalang natin. Atsaka di naman ako napilayan hahah wag mo ng isipin yon"
"No it's not okay kailangan kong bumawi sayo lalo na kapatid ka pala ni Ace"
"No. n..no you don't have to"
"Ehem! Jade nandito na tayo"
Natigilan sila sa pag-uusap nung nagsalita ako. Nasa bahay na kami ngayon ni Jade.
Sinandya kong putulin yung pag-uusap nila baka mamaya magkadevelopan tong dalawang 'to mahirap na dadaan muna sa butas ng karayom tong si Jade.
"Ace thankyou sa pagsabay!"
Tumango lang ako.
"Hey Loislane bye! See you tommorrooww"
"Huh ? O..okay bye"
"Hahaha you're so cute"
Oo cute si lane mukha siya aso. Nagdrive nako pauwi sa bahay. Tamihik lang si Lane pero nahuhuli ko siyang ngumingiti hala sinapian nanaman ng yokai tong si Lane.
"Hoy! Lane anong nginingiti mo dyan? Mukha kang tanga. Kinikilig ka ba kay Jade? May gusto ka sakanya? Nako lane sinasabi ko sayo di ka pa pwedeng magboyfriend"
"Kuya Ace! Hindi ko siya gusto! Pinagsasabe mo dyan?!"
"O anong ningingiti mo dyan?"
"W...wala!"
"Akala ko bang walang magsisikreto sa isa't isa?"
"Line ko yan psh!"
"Bakit kasi di kapa----"
"Kuyaaaa!!shut up!"
Loislane's POV
Tahimik lang ako hanggang sa makarating kami sa bahay ni Kuya. Buti nalang galit galitan ako baka madulas pa tong dila ko kay Kuya Ace baka masabi ko sakanya na itatanan ko na si Jade
Pero hindi pa rin ako makapaniwala na nakasama ko siya. Para akong wala sa sarili kapag kausap ko siya
Gusto ko siyang ibalot atsaka iuwi sa bahay pero hindi ko magawa. Nauutal pa ako! Anong nangyayare sa akin!
"Hi mom!"
"Hello baby, diba wala kang pasok bukas? Samahan mokong magshopping bukas ah?"
"Sure mom, how many times do i have to remind you mom na I'm not baby anymore"
"Okay fine fine. Sabagay malapit na yung debut mo... I'm so excited to see you anak in that day. My baby girl going to be a fine lady... Baka iwan mo na ako nyan" naiiyak pang sabi ni mommy hays.