We're on our way to Alli's mansion.
Yes mansion bes, oo bes mansion. Mayaman sila Alli pero sa kilos at salita niya di mo maiisip na mayaman sila, dahil napakasimple niya isa yun sa mga nagustuhan ko sakanya kaya nagkasundo kami agad.
Pero ang pinakaayaw ko sakanya kapag bitch mode ang lola niyo nako! parang torotot yang bungaga niyan kapag galit tatalakan ka ng tatalakan di magpapatalo.
"Nandito na tayo!" Masayang sabi ni krishna pagkababa niya sa sasakyan kaya sumunod naman ako.
Naexcite naman ako ng konti, slight lang beh.
At bumaba na kami para makapasok sa loob. Pinark naman ni Alli yung kotse niya dun sa parking area ng bahay nila yes oo meron parking area tong bahay nila Alli. Para nga resort tong bahay nila. Kulang salitang perfect paidescribe..
Naglakad kami ng di kalayuan at nakarating na kami sa pinakapintuan ng mansion. Napakalaking pintuan. Halatang pangmayaman napaka elegante ng desenyo.
Kulang nalang talbugin nila Alli yung laki ng Malacañang Palace sa laki ng bahay nila.
Nagbow naman yung mga nadadaan naming iilang mga maids nila. Panigurado tulog na parents ni Alli, magtu12 na rin.
Ewan ko ba sakanila di man lang nagsasabi na magssleepover kami kila Alli. Anong trip ng mga 'to.
Kahit ilang beses na 'kong nakapunta dito sa bahay nila Alli di parin mawala yung pagkamangha ko sa laki ng bahay nila.
Mapapanganga ka nalang talaga. Literal na nganga sa ganda. Ang laki ng sala nila. Tumginala ako para tignan yung Chandilier na naka sabit sa taas. Yung TV nila na 1/4 ng blackboard.
Wala kang makikitang kahit anong kalat. Halatang alangang alaga 'to ng mga katulong na naninilbihan dito.
Naglakad na kami papunta sa kwarto ni Alli, malamang alangan naman sa kwarto ng tatay niya.
Sa unang tingin hindi mo malalaman na pangbabae 'tong kwarto dahil napakalinis at nakaayos lahat ng gamit niya.
"Movie marathon tayo" Sabi ni Alli habang may kinakalkal na kung ano sa isang cabinet.
Si krishna naman nakahiga na sa kama.
"Kumain muna tayo gutom na ako" may lungkot sa boses ni krishna habang sinasabi 'yon.
" SERIOUSLY KRISHNA?! MAY ANACONDA KA BA SA TYAN MO? KAKAIN LANG NATIN KANINA BAGO NATIN SUNDUIN SI LANE!" Pagtatakang tanong ni Alli. Agad namang dumipensa si krishna
" E sa nagugutom ulit ako e sige na tara kain tayo. Lane ikaw? di ka ba gutom? "
" Hindi, hindi lang gutom. Gutom na gutom! Di pa ako nagdinner! "
" O kita mo na Allison. Gutom na kami, ang lakas ng loob mong magyaya ng sleep over di mo naman kami papakainin " Pagdepensa nanaman niya kay Alli. Si Alli naman napapailing nalang sa sinasabi ni Krishna.
"Buting di na ako sumama" Pangononsensiya ko kay Alli. Na kinanoot ng noo niya
"Mga hinayupak na 'to konsensyahin ba naman ako. Oo na! Kakain na tayo "
May tinawagan sandali si Alli. At lumao ng kaunti saamin. Kaya nagtaka kami. Gutom na ako uunahin niya pa ba yung kacall mate niya?!
" Oy Alli mamaya na ya gutom na kami uunahin mo pa yang kausap mo u don't do dat to me "
" Nag order ako sa greenwich leche ka di kita pakainin dyan e "
Aba buti nakabukas pa yan! 24 hrs ba yung greenwich?
Mayamaya may dumating na katulong nila Alli. Daladala yung limang box ng pizza at yung isang malaking plastic na naglalaman ng happiness este pagkain.
Food is hart.
" Wow ha ang bilis! Infairness naman sayo Alli!" Sabi ko habang tinatapik tapik pa ang balikat ni Allison.
"Napabilib mo ako don Allison Vouteo!" Sabat ni krishna.
Napailing nalang si Alli. Sabay baba ng hindi man lang nagpaalam kung bakit. Ewan ko kung anong ginawa niya sa baba.
Nagumpisa na kaming kumain ni Krishna gutom na talaga ako. Sinimulan na namin laklakin tong inorder ni Alli.
" Di niyo man lang ako hinintay mga lintek na 'to!" pagrereklamo ni Alli na nakatayo sa harap namin. Di ko namalayan na nakabalik na pala siya.
"Ay! Nandyan ka pala di ka namin napansin! akala ko kasi poste ka lang " Pakikisawsaw ni krishna habang hawak hawak yung isang slice ng pizza.
"Kaya nga magbra ka kasi ng bra na makapal ang foam! Lagyan mo na rin ng tinapay para lumaki! Para naman di ka namin napagkakamalan na poste" Pagsang-ayon ko kay krishna sasagot na sana si alli ng magsalita ulit si krishna.
"Flat chested problem! Tsk tsk!" habang patuloy parin sa pagkain.
"Okay lang ang flat chested Alli atleast di ka magkakabreast cancer!" Pagkumbinsi ko sakaniya. Para naman kahit papaano alam niya yung mga advantage ng flat. Baka isipin niya masiyado na namin siyang binubully.
"Hiyang hiya naman ako sa mga pwet niyong tuwid" sagot niya habang nakacross arms pa ha.
Habang kumakain nagkukwentuhan kami. Namiss ko silang kasama. Buti nalang naisipan nilang gawin to.
Pagkatapos naming kumain pinatapon na ni Alli sa isa sa mga katulong nila yun mga kalat namin sa kwarto.
Nakaupo na kami sa kama habang di parin makapili sa daming CD na nakahalera sa harap namin.
" Eto! Eto nalang!" Sabay taas ni krishna sa cd na hawak niya. Binatukan ko naman siya ng makita ko kung ano yung CD'ng hawak niya.
"Krishna?! Movie marathon tapos barbie?" Napakamot nalang siya sa ulo ng matapos ko siya batukan.
" Oh eto panigurado gusto niyo 'to the gifted hands " pakita ni alli.
" Ilang beses ko ng napanuod yan iba nalang " Sagot ko sakaniya. Kaya binitawan na niya yung hawak niyang CD.
" Insidious " Pagrerekomenda ni Krishna.
" Eto nalang Pee Mak " sabi ko pero walang nakinig.
" Twigllight nalang " sabay tayo ni Alli
Mabilisan nilagay ni Alli yung CD di na niya hinintay yung sagot namin kung gusto ba namin yon adik adik minsan yang si Allison!