Chapter 5

99 50 41
                                    

Kinabukasan

Nauna nang pumasok si Krishna kasama si Isaac. Sinundo siya dito ng kaniyang minamahal na boyfriend. Kaya namang itong kuya ko hindi maipinta ang kanyang napaka suwangit na mukha.

Buong byahe tahimik lang kaming dalawa. Napaka tahimik nakakabingi. Di ako sanay na ganito si kuya. Alam kong nasasaktan siya sa tuwing nakikita niyang magkasama sila Krishna at Isaac.

Kung pwede lang na utusan ko si kupido na panain tong puso ni Krishna para magustuhan niya si Kuya Ace.

Eto namang si Kuya Ace alam na niyang hindi sila pwede bakit di nalang niya iniwasan si Krishna kesa nasasaktan siya ng ganito.

Sabagay, di naman ganon kadali. Sana makahanap na si Kuya ng para sakanya.

"Kuya okay ka lang?"

"Yap oo bakit naman ako di magiging okay sira ulo ka ba lane?"

"Pshh nagmamagandang loob lang naman ako tapos babarahin moko"

"To be honest. I'm not sanang ako nalang si Isaac. Sana ako yung nagpapasaya kay Krishna ngayon. Sana ako nalang. Sana. Huwag na wag lang masubukan na saktan ni Isaac si Krishna dahil di ako magdadalawang isip na basagin ko yung pagmumukha niya."

"Hanggang sana ka nalang ba talaga kuya? Sabagay kuya walang panama yang charming mo sa pagmamahalan nila. Pero sa tingin ko di naman magagawang saktan ni Isaac si Krish. Mahal na mahal nila ang isa't isa. Napalaking sayang nalang kung magpapasira pa sila sa maliit na bagay"

Hindi na sumagot pa si Kuya Ace. Bumaba na 'ko para makapasok na sa classroom. Di ko parin mawala sa isip ko si Jade. Parang wala ako sa sarili ko habang naglalakad. Nababaliw na ba ako? Leche naman oh.

Dahil sa bagal kong maglakad 5mins na pala akong late. Kasalanan mo to Jade. Hindi kapa napapagod? Palagi kang tumatakbo sa isip ko. Bakit ba kasi ang gwapo mo. Bakit jade?! Bakit?! Nandyan na yung first subject namin. Haysh.

"Mrs Devera sorry i'm late. Can i enter your class?"

"Okay take your seat. Ngayon ka palang na late sa subject ko Ms Gonzales may problema ba?"

"Uhm wala ho. Di na po mauulit"

Baka maapektohan pag-aaral ko sa kakaisip ko kay Jade mabuti pa magfocus na muna ako ngayon. Ayokong matanggal sa Top.

Ayokong biguin sila Mommy at Daddy. Ayokong bumaba ang grades ko. Kupido napakaraming pana naman atang pinana mo saken para mabaliw akong ganito kay Jade. Ang stupid mo cupido

Susunduin kita before recess.
Wait for me.

-JMJ

OMG OMG OMG OMG OMG OMG OMG!! IS'T REAL? IS'T REAL?!? KIYAAAAA! NAKO SINASABI KO NA NGA BA KRAS DIN AKO NETONG SI JADE LIBRENG UMAMIN JADE LIBRE LANG WALANG BAYAD BAKIT KASI DI KAPA UMAMIN NA NAGAGANDAHAN KA SAKEN HEHE.

Lintek naman oh kung kailan di ko dapat siya maisip dun naman siya papasok sa isip ko. Nang-aasar ba siya? Nakita ko yung note na nakadikit sa desk ko.

Tinanggal ko yung tsaka ko nilagay sa bag, first love letter sakin ni jade hehez. Nakinig ako buong subject. Pero di ko parin maiwasang maisip si Jade. Leche naman. Hanggang sa magring na ang bell.

Lumabas nako dumiretso muna ako sa restroom dahil kanina pa 'ko naiihi. Naglagay na rin ako polbo at lip gloss baka mamaya alokin nakong magpakasal ni bossqoh jade bente kwatro.

Perfectly, Imperfect (#YourChoice2017)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon