Chapter 23

54 42 20
                                    

Wasak

Nagising ako ng dahil sa mga naririnig kong tawa ng isang panget. Yung tawang pigil na pigil pero naririnig mo pa ren.

Binuksan ko ang mga mata ko. Naaninag ko si kuya na todo pigil ng tawa habang hawak hawak at tinitignan yung cellphone nya.

Dali dali kong pinunas yung bakas ng tulo ng laway ko. Tinignan ko yung bintana nasa tapat na pala kami ng bahay. Inayos ko na yung damit ko na nalukot sa pagkatulog ko.

"Lane, look..." At hinarap niya yung cellphone niya saken. Nakaview doon yung picture kong tulog mantika ako.

Kitang kita mo sa mga mata niya na tuwang tuwa siya sa ginawa niyang kalokohan sakin. Sinamaan ko nalang siya ng tingin. Wala ako sa mood makipagbiruan.

"Lane! Look oh heto pa! Hahahaha!" Sabay browse niya sa mga pictures.

At dahil pikon ako kinuha ko yung cellphone niya tinignan ko muna saglit yung mga litrato. Saka ko tinignan si kuya na halos mawalan ng hininga sa kakatawa.

"It's funny right?! Hahahahah!" Sabi niya habang tumatawa nawawala yung mga singkit niyang mata may pahawak hawak pa siya sa tyan niya.

"Yeah it is! Ha! Ha! Ha!" Peke kong tawa. Tsaka ko siya nginisian. Binuksan ko yung pintuan ng kotse saka tumingin sakanya.

"Look kuya this is more funnier!" Sabi ko sakaniya kaya napatigil siya sa pagtawa.

Hinagis ko yung cellphone niya sa labas kitang kita ng dalawa niya mata. Yung kaninang naniningkit na mata dahil sa kakatawa napalitan ng naglalakihang mata dahil sa gulat.

Wasak!

"WHAT THE!! LANE COMBE BACK HERE!!" Galit na galit niyang sabi. Para siyang bulkan na anytime sasabog na sa galit.

Naglakad na ako papasok sa bahay habang si kuya sasabog na sa galit ng makita niya yung cellphone niya na wasak.

Dumiretso ako sa kusina. Sinadya ko talagang hintayin na dumaan si kuya. Binuksan ko yung ref saka kumuha ng tubig. Nakita naman ng pretty eyes ko yung chocolate cake kinuha ko saka ko inilapag sa mesa.

Nang dumating siya nginitian ko siya ng nakakaloko. Lalong sumama ang mukha niya sa ginawa ko.

"You! You just fucking broke my phone lane it's not fucking funny"

Tugon niya ng madaanan niya ako sa dining habang kumakain ng chocolate cake na nakita ko sa ref.

"You just fucking broke my anyenye " pangagaya ko sa boses niya ng sinabi niya sakin 'yon.

Perfectly, Imperfect (#YourChoice2017)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon