Joash POV
( Hello JM? Ano? Napatawag ka ? )
" Ace can you pick me up in Airport? "
( Sure kailan ba ? )
" Ngayon na sana "
( What?! Really? Seryoso? )
" Hindi, nagjojoke lang ako, tawa ka na "
( Gago. Anong oras ba ? As in ngayon na? May hinihintay pa 'ko.)
" Mamaya mo na unahin yang chix mo leche ka di alam nila mommy na umuwi ako ayokong magtaxi. "
( Sira! Hindi chix to. Sige na on the way na 'ko pasakubong ko )
" Ikaw pa ba? Mabangga ka sana. "
Matagal ko ng bestfriend si Ace. Kapatid na turingan namin. Ganyan talaga ang mga gwapo, matagal nagkakasundo. Actually, kanina pa ako nakauwi nagstay muna ako dito sa malapit na SB. Umuwi ako galing Korea dahil nga gusto ko siyang sundan dito sa Pilipinas.
Sa Korea ako naghighschool. Pero yung family ko dito nakatira. Kasama ko naman sa Korea sila Grandma. Di alam nila mommy na umuwi nako gusto ko silang isurprise, mas gusto nilang dito ako kaya matutuwa sila kapag nalaman nila.
Ako lang naman yung nagpumilit na mag-aral sa Korea. Kung sila mommy ang tatanungin di naman sila papayag kung di ko gusto na mag-aral don.
Mga ilang minuto na ang lumipas pagkatapos kong tawagan si Ace. Pagkatapos ng isang oras nakarating na siya.
[A/N: Heto si Joash while waiting at the airport.]"Hey bro! I missed you naks amoy imported ka." Bungad ni ace.
"Ikaw amoy mandirigma ka."
"Wala parin nagbago sayo ang pangit mo pa rin, wala ng lunas yan"
"Psh. Bakit di mo pa kase matamggap na mas gwapo ako sayo"
"Mangarap ka" sabay batok saken.
Problema neto? Bakit kasi ayaw pa tanggapin na mas cute charming at gwapo ako sakanya habang maaga pa para di na siya nasasaktan.
Nagkwentuhan lang kami buong byahe ni Ace. Namiss ko rin tong pangit na 'to kahit papaano. Sa lahat ng problema ko siya yung karamay ko. Siya yung nasasandalan ko.
Siya yung nandyan lagi, di ka niya iiwan sa ere. Kapag problema ko problema din niya. Kapag malungkot ako malungkot din siya. Kamatayan ko , kamatay--- solohin ko daw wag ko daw siyang idamay langya.
"Bakit pala napauwi ka Joash? Anong meron? Akala ko ba dun ka maggagraduate?"
"Dahil sakanya"
"Punyeta ang corny mo"
"G@go!"
After ng mahigit na isang oras na byahe sinabi ko kay Ace na sakanila muna ako tutuloy dahil gusto king isurprise sila mommy. Kilala naman ako ni tita kaya walang problema sakanya yon.
Pumasok na kami sa loob ng bahay nila Ace. Nagkwentuhan muna kami sa sala biglang nagyaya si Tita na kumain muna kami bago ako magpahinga, medyo napagod rin ako sa byahe.
"Joash alam mo panigurado magkakasundo kayo ng anak ko babae" di ko alamna may kapatid palang babae si Ace.
"Gusto ko munang isayaw si Lane sa debut niya bago ko malaman na magboboyfriend siya" sagot ng daddy ni Ace para naman namamanhikan ako sa lagay ko neto ewan ko ba kay tita.
Lane? Oh kapangalan niya pa si Lois ha.
"Mommy books before boys yon bago niya pag interesan si JM aatupagin niya muna yung mga libro niya"
"Oh lane nandyan kana pala saktong saktong nandito yung bestfriend ng Kuya mo"
"Kuya!? Bakit moko iniwan?!"
"Sinundo ko kasi siya sa Airport ang tagal mong dumating kaya iniwan na kita atsaka nasundo ka naman ni Kuya Edgar diba?" Sagot ni Ace
Laging gulat ko ng makita ko yung sinasabi nilang lane. Aba small world!
"Hi Loislane, I missed you"
"Ako di kita namiss asa kapa."
"Hahahahaha hanggang ngayon ba galit ka sakin?"
"Magkakilala na pala kayo"
"Oo" sabay naming sagot
"Ginagaya mo ba ako?" sabagay naming sagot
"Nakilala ko siya sa Korea di ko alam na kapatid mo siya Ace. Actually she's a close friend of mine. Small world "
"Oh is that true? Baby kain kana umupo kana dito" sabi ni mom.
"No mom, mamaya na lang po akong kakain kapag wala ng buwisetang este bisitang nandyan. Akyat na po ako"
Grabe naman pagwewelcome sa akin niya saakin. Ang harsh
Simula paggising ni Lane inasar ko lang siya ng inasar namiss ko siya ng sobra e. Hanggang sa naka isip ako ng paraan para makasama ko siya at nagtagumpay naman ako. Galit na galit siya saken nung bago siya umuwi dito sa Pinas.
Naging magbestfriend kami ni Lane. Komportable kami sa isa't-isa.
Grabe ang tagal niya magbihis! Inubos niya ba yung tubig sa banyo? E baka naman kinain na siya ng inodoro?
Nakita kong lumabas si Lane sa kwarto niya. Ang simple lang ng suot niya pero ang ganda niya pa rin.
"Lets go?" tanong ko sakanya tumango naman siya.