Chapter 28

47 37 13
                                    

Tour (Part 2)

Habang busy sila Alli kakapicture habang nakasakay sa kabayo. Umupo muna ako saglit matapos ko maglakadlakad tinignan yung mga tindahan souvenirs.

Habang nakaupo pinapanood ko sila Jade at Alli na inaasar si Krishna na mukhang natatae ang mukha, habang nakasakay. Si kuya ace nakita kong busy sa kausap niya sa phone.

"Oh bakit nandyan ka?" Tanong ni Joash.

"Bakit? Bawal ba umupo dito?"

"Ang tino mo talagang kausap Lane." Sabi ni Joash habang naka poker face.

Mayamaya natapos na sila Alli sa pagtatake ng picture. Papalapit na sila sa direksiyon namin ni Joash.

"Lane 10:10 na hindi ka pa ba babalik sa bus ninyo?" Bungad sa akin ni Kuya Ace matapos tignan relo niya.

"Guys nakita ko na si Ate Charl na naghihintay don sa entrance habang bitbit yung bus number natin" sabi ni krishna

Habang si Alli busy kakatingin ng pictures nila.

"Bili na muna tayo ng souviner before we go." Sabat ni Jade

Pumunta na kami sa bilihan ng souviner.

Nagkanikaniya na silang pili

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Nagkanikaniya na silang pili. Sa sobrang daming pwedeng pagpiliian. I can't decide kung ano bibilhin ko.

"Ineng bili ka na ng keychain 10 piraso isang daan. "

Nagtingin muna ako ng magagandang design. Pumili ako ng 10 pcs. na natipuhan ko.

"Eto po" sabay abot kay ate sa nga napili ko. Pinlastik na niya saka binigay saakin.

"Lane! Here!" Tawag ni Alli kalabas ko sa mini shop na pinagbilhan ko ng keychain. Pagkalapit ko sakanya

"Ang gaganda ng design ng mga tshirts nila" sabay taas niya sa tshirts
na napili niya.

Nakipili na rin ako bibilhan ko din sila mommy. Maloloka ka dahil napakaraming mong pagpipilian.

Matapos ang ilang minuto kong pamimili finally ariel happen to me.

"Ano nakapili kana? Amina sabay ko na saken" sabi ni Alli sabay abot sakanya nung apat na shirts na napili ko 2white/2black.

Paglabas namin nakaabang ang kampon saamin este sila Kuya Ace, kasama sila Krish, Joash, Jade.

Hinatid na muna nila ako sa tour guide ko. Tsaka na sila umalis. Magkabus sila Krishna, Kuya Ace, Jade and Joash. Habang kami ni Alli. Seperate bus kami hay.

"Bus2 kumpleto na ba lahat? Proceed na tayo sa bus. Yung line ninyo parang binagyo"

Nang makarating na sa bus.

"Gusto niyo ba ng Logic?" Tanong ni kuya rod. Na nakatayo sa harap habang gumagana ang bus.

Kapag nasubsob ka niyan kuya hay.

Nagsisang-ayon naman sila kay Kalbo.

"Bago ang lahat pumili muna kayo ng category easy, medium, hard?"

'Kuya yung easy!"

"We'll prepare the easy one kuya"

"Easy!"

"Okay unahin muna natin yung easy. Alam niyo ba nung nagsurvey kami halos elementary student lang ang nakakuha ng tamang sagot?"

"Wew kuya ang hirap ata niyan!"

"Masasagot namin yan sows"

"Kuya yung easy lang!"

"Kuya sabihin mo na yung logic!"

"Donut. Alam niyo ba yung donut? Sino ng nakakain ng donut?"

Nagsitaas naman sila ng kamay.

"Yung donut na may butas sa gitna?"

"Yes kuya alam namin yon!"

"So yung donut na may butas sa gitna kinain ko saan napunta yung butas?"

To be continue...

[A/N: SAAN NGA BA? XD HI GOYS! SORRY MAIKSI UD NGAYON MIANHAE :< UPDATE AKO SOON AS POSSIBLE PAG MEDYO HINDI NA BUSY :> MARAMING PANG MAGAGANAP!! LOOK FORWARD TO IT :> SARANGHAE!" ]

Perfectly, Imperfect (#YourChoice2017)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon