Chapter 11

69 45 40
                                    

[A/N: Ayan si kuya ace XD coarmy kaway!]

Ace POV

"Aniyo" seryosong sabi ko kay Jade.

Baka naman magkadelopan 'tong mga to aba hindi pwede iyon.

"Sandali lang naman" Pagpupumilit na namang sabi niya sakin.

Dinapuan ko ng tingin si lane na napakalapad ng ngiti habang pumipikit pikit pa

Seriously? Kalalaking tao ang kulit!

From Krishna ♡

Ace? Can I talk to you?  Meet me at our favorite resto.

Napangiti naman ako sa natanggap kong text mula kay Krish.

Palagi ko siya pinagmamasdan kahit na kasama niya pa lagi si Isaac. Tinatanaw ko siya  kahit na nasasaktan ako tuwing nakikita ko silang masaya, masaya siya kapag kasama niya si Isaac.

Masaya din naman siya tuwing kasama niya ako, pero hindi katulad nung mga ngiti niya tuwing kasama niya si Isaac.

Madalas kami magbonding noon ni Krishna pero simula nung naging sila, kumbaga sa buo, 1/4 nalang yung chansa na nakakasama ko siya.

Simula first year naging maagan na ang loob ko sakanya. Naalala ko noon nung mga freshmen days wala akong kaibigan  sa mga classmate ko.

Hanggang sa lapitan ako ni krishna at kausapin. Noong una nga sinusungitan ko siya dahil ang daldal niya. Hanggang sa maging komportable na kami sa isa't isa. Lagi ko siyang kasama, ako yung nasasandalan niya tuwing may problema siya sa pamilya niya.

Kulang na nga lang pati utot at kulanganot niya alam ko ang schedule ng paglabas.

Bumalik ako sa realidad ng bigla akong tanungin ni jade.

"Hey ace? Are you listening?" sabi niya pero di ko siya pinansin imbes na sagutin siya nireplyan ko nalang si Krish

To Krishna ♡

Sure , wait for me.

"Ace! Oy! Sino ba yang katext mo ha. Ano payag kana? Ihahatid ko naman si lane I'll promise" pangungulit nanaman ni Jade.

Sht! Wala ba siyang balak tumigil? Sinabi ko ng hindi!

"No!" Pag-uulit ko sakaniya.

"Please" Paki-usap niya.

May tiwala naman ako kay jade. Pero kay lane wala, biro lang.

Baka kasi saan mapunta yang palabas labas nila. Nag-aalala lang naman ang gwapong kuya niya.

"Okay! Ugh! Okay, fine! Lane be sure na nasa bahay ka before 7 aarraassoo?" Sabi ko kay lane. Pagkatapos kong sabihin yon hinarap ko naman si jade.

"Happy?" Pabalang kong tanong sa kaniya.

""Satisfied!" Sabi niya habang nakangiti.

"Thankyou bro!" Sabay tapik sa balikat ko.

Tumango nalang ako bilang sagot. Pumasok na sila sa kotse ni Jade Tinignan ko sila hanggang mawala sila sa paningin ko.

Dali-dali nakong nagdrive papunta sa Resto na madalas namin tambayan ni Krish tuwing umaga bago pumasok.

Nakangiti ako habang nagmamaneho. Siguro dahil na rin sa tagal na naming di nagbobonding ni Krish kaya ang saya ko. Namiss ko na siya ng sobra. Alam ni Isaac na magbestfriend kami pero kapag naikukwento sakin ni Krish di pa din daw maiwasan na pagselosan niya ako tuwing magkasama kami minsan ni Krish.

Kaya ako na ang dumidistansiya tuwing magkasama kami ni Krish, agad akong aalis tuwing kasama ko siya o kaya naman hindi ko siya papansinin. Alam niya yon kaya hindi naman siya nagagalit saken.

Ewan ko ba sa sarili ko. Ang hirap magmahal ng patago. Nasasaktan ka rin ng patago. Gustuhin ko naman na kalimutan siya. Hindi naman ganoon kadali. Gusto ko man sumuko may nagpipigil sakin.

Lalo na sa tagal na netong nararamdaman ko sakanya hindi man lang ako nagkaroon ng lakas ng loob na sabihin sakanya. Gusto ko bago ako bumitaw masabi ko man lang sakanya.

Ayoko ng maulit  pa yung pagkakamali ko dati.

Nang matanaw ko na yung coffee shop. Pinark ko na agad yung kotse ko. Nakita ko naman si Krish na nakaupo habang hinihintay akong makarating sa kinaroroonan niya.

"Krish, so? Anong meron? May problema ba?" bungad ko sakanya. Tinignan naman niya ako ng may halong inis.

"Wala! Porke ba tinawagan ka e may problema na agad? Hindi ba pwedeng  namiss lang kita ganon? I miss my bestfriend." Sabay ngiti niya.

Okay na sana e yung i miss you kaso may bestfriend.

"Totoo ba yan? Baka naman iniechos mo lang ako"

" What? Echos?! Hahahaha sa pagkakaalam ko gay word yan. Don't tell me you turn into a gay?! Omg! I'm shook!" Pang-aasar niya.

"Hey! Lower your voice baka may makarinig abaka akala nila totoo! Di ako bakla halikan kita dyan"

"Iww Ace shut up hahaha"At umasta pa siyang diring-diri talaga.

Tumayo na ako para pumunta sa counter. Nagorder na ako ng favorite namin orderin noon namin. Pagbalik ko sa kinauupuan ko.

"Ace pagba naging cold siya sayo ibig sabihin ba non. She/he doesn't love you aymore?" Biglang tanong niya.

Napangisi naman ako sa sinabi niya. Ibig sabihin malapit na silang magbreak? So makakaeksena na ako?

"Maybe, pero pwede rin na kailangan muna niya ng space. Bakit nag-away ba kayo ni Isaac? Pinaiyak kaba? Magsabi ka sakin Krish"

"Lately kasi, nagiging cold na siya sakin. Pag naman tinatanong ko siya kung may problema ba palaging wala ang isinasagot niya." Paliwanag noya sa akin. Tango tango naman ako habang nakikinig sakanya.

"Baka naman may iba na siya, ang pangit mo kase di na tumalab yung gayumang ginamit mo sakanya" kumunot naman ang noo niya sa sinabi ko.

"Wtf ace! I'm serious" Sasagot na sana ako ng biglang dumating yung waiter. Sabay nilapag yung order namin.

"Thankyou" sabi ni krish sa waiter atsaka na umalis.

"Hayaan mo muna siya. Baka may importante lang na gumugulo sa isip niya o baka naman may problema siya."

"Yeah maybe you're right." Sagot niya at nagpatuloy sa pagkain

Umabot din kami ni Krish ng mga isang oras kakakwento. I miss her damn much. Sa sobra miss namin ang isat' isa di na namin napansin na magseseven na.

Hinatid ko na siya sakanila para naman makapagpahinga siya. Hindi na siya tumutuloy samin dahil nakiusap si Tito na umuwi na siya dahil di nila mapag-uusapan yung family problem nila kung di sila makakapag-usap.

"Thankyou Ace sa uulitin kamsa! Goodnight takecare!"

"Bye! goodnight krish"

Pumasok na siya sa loob. Nagdrive na 'ko pauwi samin. Ang saya ng araw na 'to I wish na maulit pa 'to.

Nakarating na ako sa bahay nadatnan kong nakapark yung kotse ni Joash. Aba masyado niya yata akong namimiss.

"Hey ace!" Bungad niya sakin.

"Ace nandyan kana pala may dalang home made graham si Joash. Ang sarap favorite ko pa naman 'to! Hihihi" sabi  ni mama mula sa kusina.

"Joash napadalaw kang panget ka?" Sabi ko sakanya habang naka ngiti na may halong pang-aasar.

"Wala namiss lang kitang hinayupak ka" seryoso niyang sabi habang nakapoker face.

"Seryoso? Bakit ka nga nandito?"

"Iinvite ko sana kayo ni Lane sa bahay may welcome party para sa 'kin " Paliwanag niya haba nakapadekwatro ng upo sa sofa.

"Oh! yun ba?! Sure! sige pupunta kami. Hihintayin ko lang saglit si lane"

Perfectly, Imperfect (#YourChoice2017)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon