Wasak
"Mamili kana kung anong gusto mo may kukunin lang ako don" Paalam ni kuya ace sakin. Habang may hand gesture pa na turo kung saan siya pupunta. Tumango naman ako saka siya sinagot.
"Yep" Masaya kong sabi sakaniya. Kaya nagsimula na siya lumayas sa napakadyosang ako.
At dahil saturday ngayon mamimili kami ni Kuya ng mga snacks na dadalhin namin sa tour.
Wala akong pinaligtas ni isa sa mga paborito kong snacks. Kasalukuyan akong nasa stall ng mga chichirya. Dinampot ko yung tortillos, pic a, piattos and etc na makitang kong gusto ko.
Aba nakakabored kaya magbyahe.Pag kain ang sagot sa pagkainip. Like duh
Nang matapos na akong mamili. Pinuntahan ko na si kuya kung saan niya tinuro kanina na pupuntahan niya. Hindi naman ako nabigo sa paghahanap nakita ko agad siya. Busy sa pamimili ng mga drinks.
"What the? Lane are u sure yan lang yung gusto mo? YAN LANG?" Tumango naman ako atsaka lumapit sakaniya. Para mamili na rin ng maiinom.
Madiin na madiin pang binigkas ni kuya yung word na YAN LANG.
"Para ka ng magtatayo ng sari-sari store sa dami nyan!" Sabi niya habang turoturo niya yung big cart ko.
"Mind ur own bussiness, wag ka nga ano kuya! problemahin mo 'yang sayo" Inis kong sabi saka nalang nagpatuloy sa pamimili ng drinks.
"Oo mind ur own talaga, paanong di ko poproblemahin yan e ako magbabayad?" Stressful na sabi ni kuya. Oo nga pala siya ang magbabayad hay.
"Kdot."
"Psh brat"
"Ang konti lang neto e, kulang pa nga" Pagpoprotesta ko habang tulak tulak ni Kuya yung cart ko.
"Parang papakainin mo yung buong bus ninyo sa dami neto e" sabi niya habang pailing iling siya. Problema ba niya?!
"Psh shut up Kuya." Nanahimik nalang siya saka nagpatuloy sa pagtuklak ng cart.
Nang makarating kami sa cashier. Siya nalang yung pumila para magbayad kaya, heto ako naghihintay nanaman.
[A/N: Makahugot ka dyan! Kala mo melovelife! Amp!]
Huwag ninyong intindihin 'yang si author! Epal talaga yan simula nung isinilang siya.
Limipas ang taon natapos na si kuya. Kaya niyaya na niya akong lumabas.
MALL
"Kuya daan tayo sa Adidas. Wala na akong sapatos" Sabi ko habang nakangiti ng pagkaganda ganda sa harap noya.
"Anong wala? Last time i check yung binili mo last month e pang 46th pair mo na yon!" Sigaw niya sa mukha ko! Oo mismong sa mukha ko! NapakaOA talaga!
"Tss e bakit ba? Masama? Masama?" Pagpoprotesta ko sakaniya.
"Ano bang pinanggagawa mo sa mga binibili mo nakakain mo ba yan?" Sabi naman niya habang nagpatuloy na kami sa paglakad.
"Stfu e ikaw anong pinggagawa mo sa stuff toy mo sa bahay na pang bata? Nakakain mo ba yan?" Sagot ko naman sakaniya. Kaasar talaga 'tong kasama kahit kailan!
"Psh."
Hindi ko na siya sinagot. Nang makarating na kami sa harap ng shop (Adidas) Pumasok na kami saka na ako dumiretso sa loob.
Tinanong ko yung saleslady na sunod ng sunod sakin kung anong latest ng adidas. Lumayas naman siya saka kumuha non. Naghintay lang ako ng ilang saglit dumating na siya dala dala ang babies ko!
"Here ma'am latest model adidas NMD boost woment sports sneakers" Binigyan niya ako ng dalawang magkaibang kulay.
Pinuntahan ko naman si kuya para tanungin kung anong maganda sa dalawa. Nakita ko siya inip na inip na nakaupo. Walang choice si Kuya kundi maghintay habang ako hindi alam kung ano bang pipiliin ko sa dalawang hawak ko.
"Kuya which is the best?"
"This one" turo niya sa sapatos na hawak ko sa kanang kamay ko.
"I don't like it."
"Nagtanong kapa kung di mo rin naman pipiliin"
"Wala lang memasabi lang"
"Takas mental talaga tong babaeng to"
Pumunta na ako sa cashier at nagbayad. Todo silip naman nung babaeng cashier sa likod. Nilingon ko kung sino. Si kuya lang pala!
"Thankyou mam"
Ngumiti nalang ako bilang sagot. Lumabas na kami hinila ko na si kuya palabas para dumiretso sa parking lot.
Kapagod gusto kong magpahinga.
Pinagbuksan ako ng pinto ni Kuya Ace. Hinayaan kong makatulog ako.