Chapter 12

83 46 32
                                    

Loislane POV

"Saan ba tayo pupunta?" Takang tanong ko habang abala siyang nagmamaneho.

"McDo!" Masiglang sabi ni Jade sakin. Nang hindi man lang ako nililingon at nakafocus lamang sa kalsada ang tingin.

Gusto kong sampalin ng malakas ang sarili ko kung totoo ba tong lahat ng 'to? Baka naman nananaginip nanaman ako.

Speaking of panaginip kahawig na kahawig ni Jade noon yung lalaking napanaginipan ko before ang weird!

Hindi ba sabi nila kapag nanaginip ka daw? Kabaligtaran ang mangyayari sa totoong buhay?

Nang makarating kami. Pinark na ni jade ang sasakyan kung saan dapat ito ipark.

"Jade kaano-ano mo si Joash? Kavier din kasi siya e. Baka related ka sakaniya?"

"Uhm wait, tatanggalin ko muna yang seatbelt mo"

Atsaka lumapit sakin at inabot yung lock nung seatbelt dahilan para magmukhang nakayakap siya sakin.

Nang matapos niyang gawin yon. Bumalik siya sa pagkaupo niya.

"Wait pwede bang kiligin sandali?!" Bulong ko habang nakatingin sa bintana habang nagpipigil ng kilig.

"Huh? Lane are you saying something?"

Umiling naman ako at hindi na siya tuluyan na nagtanong. Pinagbuksan na niya ako ng pinto saka sabay kaming naglakad papasok sa loob.

Speaking of tanong hindi noya sinagot yung tanong ko kanina amp..

Umupo na ako nag-order na siya. Hinintay ko lang siya ng ilang minuto. Pagkabalik niya. May daladala siyang sandamakmak na fries

YEHEY!

"My fav!" Napakasigla kong sabi.

"Natanong ko kasi kay Ace kung hilig mong kainin. Kaya ayan" Sabi niya ng makaupo siya sa harap ko.

Kaya kitang kita ko ang napakagwapo niya mukha hihi.

"Wow! Effort ha."

"Syempre naman" ngiti niya saken. Ang cute nung ngiti niya. Kapag ngumingiti siya ng litaw ang ngipin nagkukurbang rectangle yung bibig niya.

"Mahilig ka rin ba nito?" Tanong ko sakanya katapos kong isubo ang limang pirasong fries na itiniltil ko sa sundae.

"Hindi ganon kahilig. Nagtataka nga ako sainyong mga babae ang hilig niyo sa fries ng mcdo ano bang meron dyan?" Tanong niya habang nakakunot ang noo niya.

"Nakakaadik e" Sagot ko sakanya habang ngumunguya.

"Patay! Hindi mo sinabe. Adik pala tong nasama ko dalhin na kita sa rehab?"

"Alam mo para kang si Kuya Ace ang hilig niyo mang-asar saming mga magaganda"

Sabi ko sa kanya habang umiinom ng McFloat. Natawa naman ako nung pagkasabi ko sakanya non bigla nalang siyang nabulunan.

"Karma is so fast." Sabi ko habang tatawa tawa pa.

Di ako makapaniwala na kasama ko siya ngayon dati sinusulyapsulyap ko lang siya sa malayo.

Ngayon dinedate na niya ako hehe

"Next joke please." Aba! Pasalamat ka crush kita! Kung hindi kanina pa kita nabatukan.

" Maganda naman talaga ako ha? Bwisit na to buting di na 'ko sumama aasarin mo lang pala ako" Pagmamaktol ko kunwari

"Oo na oo na maganda na hay" Habang sinasabi niya 'yon para bang labas sa ilong.

Perfectly, Imperfect (#YourChoice2017)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon