Chapter 25

63 41 18
                                    

Pagkarating namin ni kuya sa school medyo madilim pa. 4:30 AM palang. Kailangan maaga kaming umalis. Medyo malayo din kasi ang baguio. Pero balita ko sa TPLEX kami dadaan so probably mga 3-4 hours lang ang byahe.

By section by bus. Konti lang yung mga sumama. Bawat section na kakaunti lang ang sumama hinihalo nila sa mga section din na konti ang sumama.

Dahil halos maraming sumama sa section namin. Solo namin ang bus. Para sa grade e.

Ganon din ang section nila Alli at Krishna na kabus si Kuya Ace.

May excitement akong nararamdaman pero may halong lungkot dahil hindi ko ka bus sila Alli at Krishna.

"Alli! Krish!" Tawag ko sa kanila ng mahagip sila ng perfectwo kong mga mata.

"Alam mo na ba bus number mo? Sa stage daw natin makikita tara na." Tanong ni Alli. Sabay hikab naman ni Krish. Halatang inaantok pa. Naglakad na kami papasok sa school. Patungong, stage. Nakita naming nakapaskil nga doon ang aming bus number.

"Bus 9 kami! Lois kabus pala namin ang mga Javier ah!" Sabi ni Krish matapos mahanap ang section nila.

"Hue? Tataa?"

"Oo ayan oh!" Sabay hila niya saakin at pinakatuturo yung magkasunod na pangalan ng dalawa.

"Burahin mo nga yung pangalan ni Jade ilipat mo dito sa bus namin"

"Ay desperadang frog. Bus 3 kami kayo Lane?" Sabat ni Alli matapos magtitingin sa sit plan ng bus.

"Bus 2 kami. Gusto kong lumipat sa bus ninyo krishna"

TT

Kukuha na sana akong ng ballpen at ililipat yung pangalan ko sa bus nila Krishna. Bago ko pa magawa yung katangahan ko hinila na nila ako palabas nila Alli at Krish.

No choice ako kung hindi pumunta na sa bus ko. Hay.

"Ms. Cortez 'present'  Mr. Olalia 'Mam!' ....."

Nagcheck muna yung naka assign na teacher na makakasama namin. Hindi kasi sumama adviser namin. So ayun iba ang inassign nila.

Sinalpak ko na yung headset ko sabay pasok ng kamay ko sa bulsa ng jacket ko. Tumingin ako sa bintana medyo madilim pa.

Pipikit na sana ako ng makita kong magdadasal na sila. Pagkatapos non inexplain muna nila ang mga do's ang don't na gagawin namin during the tour.

"Students is that clear? Kailangan may kasama kayo or kasama niyo bestfriend ninyo kung magsicr or may bibilhin at magpapaalam sa naasign na tour guide ninyo which is ako! Tatlong letra lang ang tatandaan niyo R . O . D kuya rod for short. Baligtad diba?" Sabi niya kaya hindi namin mapigilamg hindi matawa. Ang bus namin na mapayapa pinapaingay ni kuya rod.

"Kung maliligaw kayo napaka importanteng kasama ninyo si bestfriend. Dahil ang kapag hindi niyo kasama si bestfriend o kapag wala kang kasama ganito itsura ninyo " 😓" kapag naman kasama si bestfriend " "😊😌" Paliwanag nanaman niya samin. To be honest mukha siyang tanga don sa unang ekspresyon ng mukha niya.

Humalagapak naman sila sa pagtawa. Heto namang kasi si kuya rod hindi ko alam kung tour guide or comedian nakakalito.

"So kaya kailangan kasama si bestfriend kapag naligaw kayo ha?" Paglilinaw niya sa aming kamag-aral. Sumangayon naman kami.

Tungunu

"Osya magpahinga na muna kayo. Papatayin ba namin yung ilaw o wag na?" Tanong niya samin kaya ikinaingay ng mga kaklase ko sa loob ng bus.

"Patayin niyo kuya!"

"Yes kuya rod"

Sigawan nila sa likod sa gitna sa harap. Sigawan everywhere.

"Ay hindi baka may karumaldumal na mangyari kapang pinatay ang ilaw i dim nalang natin."  Sagot niya sa mga nagsisisigaw. Kaya natawa kaming lahat sa sinabi niyang baka may karumaldumal na mangyari lalo na madilim.

Nang medyo dumilim ng konti pero maliwanag pa naman yung ilang sapat lang para makita mo yung katabi mo. Nagsitahimik na ang lahat.

Nanahimik na ang lahat ng simula ng gumana ang bus. Sinalpak ko nalang yung headset ko sabay pikit.

Perfectly, Imperfect (#YourChoice2017)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon