Tour (Part 3)
"Kuya napunta sa tyan mo"
"Err siret na ano bang sagot?"
"Mali! Mamaya ko na sasabihin yung sagot isipin niyo muna ng maigi. Mamaya na muna natin pag-usapan yan." Sagot naman ni Kuya Rod sakanila.
"Pabitin epek"
"Kaazar ka kuya rod"
Wala ako sa mood na makisali sa kanila. Bitter pa din ako dahil hindi ko kabus sila Krishna.
"As I said a while ago. Our second destination is Burnham Park. Siguro naman familliar sainyo iyon, dahil isa yon sa mga top attractions dito sa Baguio. Ang Burnham park is an urban park located at the heart of the city of baguio"
Nagpatuloy sa pagsasalita si Kuya Rod. Habang ako hindi na nakinig. Bitter pa rin nga ako dahil hindi ko ka bus sila Krish.
Ace's POV
"You sure you're alright? ayaw mo samahan kita?" Tanong ni Krishna habang puno ng pag-aalala mga mata niya.
"Yap it's okay. I'll be fine"
"Are you sure?. Don't forget to text me karating mo araso?!"
"Ne!" Sabay ngiti sakanya.
Lane's POV
"Juice ko. Para akong may hawak na elementary sainyo!"
Hala konti nalang magtatransform na ng Hulk si Kuya Rod sa sobrang inis.
"Bus2! Bakit kayo humihiwalay?! Bumalik kayo dito!"
Sigaw niya sa classmate namin na nauna sa paglalakad at hindi man lang nag-abalang hintayin kami.
"Yung line ninyo para nanaman binagyo"
Ang hagard na ni Kalbo
Burnham Park
Nang malapit na kami sa entrance tulad ng kanina. Nagbilin nanaman si kuya rod.
"So chineck ko kanina yung schedule ng tour natin. Medyo mahaba haba yung oras niyo dito. Hindi tulad sa MinesView na bitin yung oras ninyo, enjoy! 11:39 kailangan nandito na kayo."
Naglakad na ako papasok. Habang kasama si Dianne na ubod ng tahimik. Kung anong ingay ni Krishna siyang kinatahimik neto nakakapanibago lang, nasanay ako masyado sa kaingayan ni Krish.
"Lane!!"
Para maalis ang konting inip ko. Sinalpak ko nalang sa tenga headset ko.
"Lane!"
"Loislane!!" Dinig kong may tumatawag sa napakaganda kong pangalan huminto ako sa paglalakad ganon din si Dianne.
Alangan naman magpatuloy sa paglalakad kabastusan yon. Very wrong.
"Lane!!"
"Grabe kanina pa ako sigaw ng sigaw don! Di mo ba ako naririnig ha? Para akong tanga dun gurl!! Magli---" sigaw pa rin ni krishna kahit na ang lapit nalang niya saken.
Parang armalite bunganga neto.
"Ha ano? Hindi kita marinig ang hina ng boses mo."
"Hindi ba? *lumapit siya saakin sabay bulong sa tenga ko ng* kanina pa kita tinatawag don napagkakamalan na nila akong baliw di ka pa rin lumilingon" bulong niya sa pinaka mahina niyang boses.