Loislane POV
"Okay class dismiss! Pakipasa na yung plate ninyo, itutuloy niyo nalang next meeting. Yung mga kulang pa ng plates dyan! Ano balak niyo sa mga buhay niyo?! See you next school year! Magpasa kayo tatanggapin ko naman yun ngalang may deduction na. You may go!"
Pinasa ko na yung akin kahit hindi pa tapos ganun rin si Joash.
Bago ako tumayo inayos ko muna yung gamit ko.
"Lane una na ako."
Habang nagmamadaling paalam niya sakin.
"O...okay"
Saan ba pupunta yon?
Psh! ano bang pake ko?
Pumunta muna ako sa canteen ng mga grade 11. Nandito kasi yung favorite kong Frappe na shop hehe. Mabilisan akong nagorder.
"Here, keep the change"
Pagkatapos kong magorder umupo na ako sa bakanteng upuan. Kokonti lang naman yung nandito uwian na kasi malamang e nagsiuwi na yung mga yon. At mga ilang minuto lang ang lumipas.
"Here's your order ma'am enjoy."
Pagkakuha ko ng order ko lumabas na ako para dumiretso sa parking area para hintayin ang magaling kong Kuya.
Tinext ko na si Kuya Ace para hintayin ako sa parking area nang biglang nahagip ng mga mata ko sina Jade at Joash na magkasama O TO THE M TO THE G! OMG! magkamukha talaga sila. WHUT HAPPEN? CLOSE OPEN!
Magkamaganak ba tong dalawang to?
Parang biniyak na inodoro e.
"Magkakilala kayo?" Agad na bungad kong tanong sa kanila
"Ofcourse not di ko nga kilala yang pangit na yan" sagot ni Joash
"Kung panget ako pangit ka rin. Nakalimutan mo na ba magkapatid tayo? utot"
DON'T TELL ME NA?! KIYAAAAH!!!
"HAHAHA peace bro"
"So? Magkapatid kayo?"
"Oo kapatid ko siya di ba halata? Ang panget kasi neto"
MAGKAPATID NGA SILAAAAAAAA
MAGKAPATID SILAAAAAA!
KAPATID!
KAPAT!
KAP!
K
"Bakit di mo pa matanggap na mas gwapo ako sayo Jade"
"Whateva"
Ang tanga ko naman bakit di ko agad naisip na magkapatid tong dalawang to? Ang tsnga lane.
"U never told me about ur brother joash sa tagal nating nagkasama sa korea ni minsan di mo siya nabanggit"
"Eh di ka naman nagtatanong e"
"Sabagay"
Bigla namang sumulpot kung saan sila Kuya Ace, Kishna at Alli. Acenastic naba tong dalawang 'to? Idol na rin nila si Kuya Ace na sumusulpot kahit saan.
"MS. LOISLANE GONZALES nandito ka lang pala kanina ka pa namin hinahanap."
"Nagtext ako sayo Kuya Ace na nandito ako sa parking area muntanga."
"Jade , Joash nililigawan nyo ba ang kapatid ko?" Tanong ni Kuya Ace na ikinagulat ko! Oo ikinagulat ko!
"KUYAAAA!!"
"Pffft hahahaha di ko alam na lumelevel up ang pagka OA mo Ace " sabat ni Joash
Wew ang init ng ulo neto pag ako nainis papapalit ko pangalan neto ng Fire hindi Ace.
"Joassssh?" Taas kilay kong tawag sakanya.
"Eh hehe akala ko alam mo e"
Grabe ano pa ba ang hindi ko alam tell me tell me.
"E bakit di mo sinabe?"
"E di ka naman nagtatanong atsaka madalang lang pumunta sa bahay noon pumunta sa bahay si Joash di mo lang naagilap"
namoka
"Uuwi na ba kayo?"
"Ay hindi papasok palang kami. Uuwi na kami ihahatid ko na si Lane, punta nalang ako sa bahay niyo." Pambabara ni Kuya kay Jade
"Teka, Ace bakit di nalang natin sila isama? Maaga pa naman." Biglang sabat ni Joash
"Sainyo?!" -Kuya Ace
"Labas tayo tange!" -Joash
"Game ako dyan! Ano okay lang ba sainyo Alli?" Sabay ngiting nakakalaglag panty ni Jade.
"Sure"
"Baka kasi di ako payagan atsaka may gagawin pa ako sa AP next time nalang siguro." Napakakj talaga kahit kailan netong si krishna
"Wag ng kj krishna nagtext yung teacher niyo sa AP sakin wala naman daw siyang pinapagawa sa bahay. Enebe sapak u want? Tara treat ko. Fortune Restaurant"
"Aba himala! Nakakain kaba ng panis na kanin?" Pangaasar pa ni Krish kay Alli kaya natawa ang kambal sa sinabi niya.
"Pshh.. i change ma mind wag nalang k bye."
"Tekatekatekakaka joke lang! Ikaw naman pwede naman natin pag-usapan ng maayos to. Ganda mo ngayon alli idol pa fs." Dagdag pa ni krish
" Treat pala ni Alli e, tara na? Lane sa kotse ko kana sumabay " ngiting pangalien ni Jade.
"No, lane sakin ka sasabay" Pagpoprotesta ni Joash.
OMG totoo ba to pakisampal nga ako
"Ayy lane sakin ka na lang sumabay ako lang naman sa kotse ko"
Totoo ba to mga be? pinag aagawan ako ng naggugwapong nilalang
Enebe
IKENNAT
"Ummm...si---"
Hindi ko pa natatapos ang sinasabi ko ng biglang sumabat ang panget kong kuya ..oo sya si kuya ace hays.
"HINDI, SAKIN SASABAY SI LANE!! MAGTIGIL KAYONG DALAWA DYAN"-sabat ni kuya ace
"KUYAA!!"
"LOISLANE" may otoridad na sabi ni kuya hays ayan na naman siya.
"Kdot fine" sabay sakay sa kotse ni Kuya Ace saamin narin sumabay si Krish.
"Oy Krisha? Asan si Allison?"
"ALLI!! ano pang ginagawa mo dyan sumakay ka na dito" sambit ni krish
"Sasabay na lang ako kila jad--- ay este eto na nga oh sasakay na " sagot naman nya.
"Hoy Alli mag-ayos kanga masyado kang halata"
"Dito ka nalang Alli baka di kana kasya kila Ace"
>_______________<
"Okay lang ba sayo Allison?" sabat ni ace
"No way!"
"Sungit neto halika na nga dito" sabi ni jade
"Ays!"
"Arte neto bahala ka dyan lakarin mo nalang, Joash tara na"
"Fine."
Pabebe pa sasama rin naman kasi.