Naglalakad na kami ngayon ni Lane. Kakatapos lang namin pumunta sa BM may naggustuhan siya teddy bear, human size pero di niya nabili.
Galing na rin kami kanina sa Quantum para kaming bumalik sa pagkabata, halatang nag-enjoy siya. Hindi namin mapagdesisyonan kung saan kami kakain. Nung maadaan namin yung Fortune Restaurant doon na nalang kami.
Habang nag-oorder, nakatingin siya sa menu. Di ko maiwasan na titigan siya.
"Yang mga titig mo ha kadiri katitig kang manyak"
"Alam mo bang nakakalusaw ng puso tong titig ko? Baki hindi ka naapektuhan? Restroom lang ako saglit ha? Ikaw na bahalang mag-order nung akin"
"Oo na madapa ka sana"
Naglakad na ko ng nakangiti dahil sa sinabi ni Lane hanggang ngayon inis pa rin siya saken. Pumasok na 'ko sa BM para tignan kung andun pa ba yung gusto niyang teddybear. Buti nalang wala pang nagbalak na bilhin to. Kung hindi mahihirapan akong maghanap neto.
"Sir 1,699 po"
Binalot na nila yung teddybear para akong tangang naglalakad neto sa laki ng teddybear na 'to. Inabot ko na yung bayad.
Tsaka umalis na. Dumaan muna ako sa may Flower Shop para makabili ng yellow roses.
Nagtingin ako ng mga yellow rises biglang lumapit yung saleslady
"Yellow roses po ba sir? Maganda ho ito lalo na when you trying to apologize for a misstep."
Para paghumingi ako ng sorry sakanya, effort na effort. Sana magustuhan niya. Dinala ko muna sa kotse ko yung mga binili ko. Tsaka dali daling pumunta sa Fortune.
"Hoy bat ang tagal mo sa manila kaba nagrestroom?"
"Namiss mo lang niyan ako. Andaming naka pila kaya natagalan ako"
Hindi na siya sumagot, kumain na kami ang sarap ng inorder niya favorite din neto ng kapatid ko 'to dati madalas na dito rin kami kumain. Namiss ko tuloy siya naisipan ko ng umuwi mamaya para maisurprise si mom at dad.
Agad na 'kong na tapos na kumain. Si lane ang bagal parin niyang kumain, parang nung nasa Korea pa kami ang kupad kupad niyang kumain.
Nung nasa Korea lagi kaming sabay mag lunch at recess. Speaking of Korea namimiss ko na din doon, kung di lang dahil sakanya di ako uuwi rito.
Sa dami na ng sinabi ko sa isip ko hanggang ngayon di parin tapos kumain si lane. Ang cute niya, naisipan kong pasimple siyang picturan. Kunwaring may ka text ako pero tinadtad ko siya ng pictures.
"Hoy pinipicturan mo ba ako?"
"Hindi! ha"
Nagpatuloy na siya sa pagkain niya. Binuksan ko yung gallery ng cellphone ko nandito pa rin lahat ng pictures namin ni lane nung nasa Korea.
Hay kung pwede pa sana ulitin yung nakaraan, pwede naman pala nakaraan nakaraan nakaraan nakaraan.
At finally ariel happen to me---- este finally after 9 years natapos ng kumain si lane.
Binayaran ko na yung bill namin.
"Wala ka na bang gustong puntahan? " tanong ko sakanya. Tumango naman siya.
"Yup. Dumaan muna tayo saglit sa Penshoppe may bibilin lang ako sandali don"
"Sige ikaw bahala"
Habang nakaupo lang ako tapos si lane lakad doon lakad dito di niya alam kung anong pipiliin niya.
"Joash? Anong mas maganda eto? O eto?"