Chapter 17

60 44 29
                                    

School

"Decisiveness announcement, pinapatawag lahat ng student sa cover court." tugon ng aming minamahal na  president claire.

' yes! buti nalang '

' di papasok yung AP parteeeh '

' ano bayan tinatamad akong maglakad '

' wala tayong AP!!! '

Iilan lamang yan sa mga narinig kong pagrereklamo ng mga kaklase ko. Anong meron bakit biglaan naman yata yang announcement na yan.

Inaayos ko lang saglit yung mga gamit ko at lumabas. Hinahagip ng mga mata ko sila Alli at Krishna pero di ko sila makita! Ano ba yan!

Nakita ko nasa labas na yung mga classmate nila pero bakit wala sila. Saan na nanaman ba nagpupunta yung dalawang yon. May kutob ako na magkasama yang mga hinayupak na yan.

No choice ako. Kaya pinuntahan ko nalang yung mga classmate kong papunta sa cover court.

" Ano ba?! Tumingin ka nga sa dinadaan mo!" Sigaw ko sa studyante na natamaan ako!

"So..sorry" paghingi niya ng paumanhin at halatang takot na takot.

Ewan ko ba! Kanina pa maiinit ang ulo ko simula lumabas ako sa bahay nila krishna atsaka dumiretso sa school.

Nauulul na ba ako?

Wag naman sana

Mayamaya nag-umpisa na yung president ng ssg na magsalita sa harap alanganaman sa likod.

" Goodmorning Justinians we'll having a tour in Baguio and it will be on November 10, 2016 jsvcnksgs slzb"

Nagpatuloy lang sa pagsasalita yung ssg president sa harap. Habang ako hindi nakikinig dahil parang di ako komportable! Parang may basa! Don't tell me na?! Psh! Wag ngayon. Please lang

Wala akong dalang napkin. Kahapon pa masakit puson ko. Baka may tagos na?!

Dark naman tong color ng palda namin di naman siguro mahahalata kung meron. Pero nakakahiya

"Pst ashley meron ba?" sabay talikod ko sakaniya. Hinintay ko namang sagutin niya yung tanong ko.

"Paktay na loislane! Meron ka!" Sabi niya na ikinagulat ko! Ay hindi! Ikinataranta ko!

"Hala ashley! Wala akong dala!" Natatarantang sabi ko sakaniya

"Joke lang! Wala naman!" Nakangisi niyang sabi sakin. Na kinainis ko ng sobra kaya hinampas ko siya sa braso!

Hindi na ako nag-abalang makinig sa nagsasalita sa harap. Naglakad nako ng mabilisan papunta sa canteen.

Ang daming tao nakakahiya naman kung bibili ako ng napkin, pero baka matagusan ako huhu help, bahala na si spiderman wala akong pake kung makita nilang bibili ako.

Wag nalang kaya? Hintayin ko nalang sila Alli. Ano ba yan! Nakatayo parin ako dito di ko alam kung anong gagawin ko.

Don't panic it's organic.

To Allison

Alli? Where are you? Kita tayo sa canteen.

"Lane! Here!" sabay abot niyasakin ng paper bag na hawak niya.

Kinuha ko naman yung iniabot niyang paper bag. Ano to? Next week palang birtday ko ang advance naman magbigay ng regalo neto!

"Huh? Ano 'to? Para saan 'to?" Takang tanong ko pero hindi man niya ako sinagot. Hinubad niya yung jacket na suot niya.

"Isuot mo yan" sabi pa niya kaya lalo akong nalito sa mga ikinikilos niya.

"Huh? Bakit? Hindi naman ako nialalamig! Sira ka ba Jade?" Di na niya ako sinagot at umalis nalang bigla. Sinuot ko nalang yung jacket niya.

Napag desisyonan ko naman na pumunta muna sa restroom para makita ko kung meron ba talaga o wala. Lintek

Pagkapasok ko sa isang cubicle. Tinignan ko kung anong laman nung paper bag.

May laman na tig iisang balot na whisper, charmee, moddess At palda?
W

hat the food?!  Bakit alam niya?

Hala stalker ko ba si crush?

Hinubad ko yung jacket na suot ko. Tumalikod ako ng konti sa salamin at tinignan ko kung meron ba.

Holy shampoo! Meron akong tagos! Nakita kaya ni jade?! Kaya binilhan niya ako ng napkin?! Hala nakakahiya!.


Dali-dali akong nagpalit. Ginawa ko kung anong dapat gawin ng babaeng may tagos!

Pagkalabas ko ng banyo sakto naman na nagring ang phone ko tumatawag si Alli.

Hello? Lane? Nasan ka wala ka naman sa canteen? Leche ka

Nasa cr ako nagkaroon kasi ako nakakaasar bwiset hintayin niyo nalang ako sa garden malapit sa parking area.

Call ended.

Bago ko puntahan sila Alli pumunta muna ako sa silid nila Jade. Siya ba talaga bumili ng napkin para saken?

Kinikilig ako! Pero nahihiya parin ako dahil nakita niyang may tagos ako!

"Uhm.... Jade? Eto pala yung jacket mo. Ano, thankyou pala nakakahiya tuloy" nakayuko kong sabi habang inaabot yung jacket kaya tinanggap naman niya.

"Sa totoo lang si Krishna yung nagpapabigay nung nakapaper bag, nakita ka daw niyang dumaan sa room nila nakita niya yung ano uhm yung stain sa palda mo tatawagin ka daw sana niya kaso ang malayo ka na raw"

To be honest mga beh nalungkot ako sa sinabi niyang yon akala ko pa naman nagkusa siyang bilhan ako dahil concern siya sakin

Umasa nanaman ako hay. Pero atleast di niya nakita!

"Magkakilala kayo?" Taka kong tanong kasi diba, hindi naman sila ganon kaclose para utusan ni krishna si jade para ibigay sakin 'yon.

"Actually magpinsan kami" sagot niya sa akin! Na ikinalaki ng mga beautiful kong mga mata!

"Really?" Nakakapagtaka lang dahil alam ni krish na gusto ko si jade pero hindi man lang niya sinabi na magkamag-anak pala sila.

"Oo di niya ba sinabi sayo?"

"Hindi wala siyang nababanggit saken sige una na ako, pupuntahan ko pa si alli sa agri"

"Samahan na kita"

"Sigurado ka?"

Ngumiti naman siya at naglakad na kami papunta sa agri yung garden na malapit sa parking area.

Perfectly, Imperfect (#YourChoice2017)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon