Chapter 6

65 51 25
                                    

Pumasok nako para malaman ko kung sino kesa naguguluhan ako dito sa labas ang tanga mo rin minsan Lane. Kinakabahan ako.

Sino ba kasi to?

"Mom! I'm home!"

Woah ang tahimik sa sala where's eberibadi?

Tinanong ko yung isa sa mga maids namin sinabi niya na nasa kusina daw sila mommy. Dumiretso nako don. Bawat hakbang ko papunta don bumibilis yung tibok ng puso ko.

'Oy heart easy kalang baka mamaya sumabog ka dyan leche ka mapahamak pako. Ayokong mahospital'

Puso : Anong gusto mo? Tumigil ako sa pagtibok edi namatay ka siraulo

'Ang oa mo tumibok e saksakin kita sumasagotsagot kapa'

Puso : K DOT

Pagkaaninag ko palang sa likod niya bumilis agad yung tibok ng puso ko.

Bakit siya nandito?

Naalala ko nanaman yung ginawa ko dati. Gusto kong tumakbo para yakapin siya pero may pumipigil sakin na gawin yon.

Kahit papaano may pinagsamahan kami neto.

"Lane! Baby! Nandyan ka na pala. Dito kumain kana. Nandito nga pala yung bestfriend ng kuya mo" bungad sa akin ni daddy.

Huh? Bestfriend?

Humarap siya. Mapapakanta ka na lang talaga ng

When I see your face
My middle finger start to raise

Mas lalong bumilis tibok ng puso ko. Ano ba. Nagtama yung mga mata namin. May pang-aasar akong nakikita sa mga titig niyang yon. Agad naman akong nag-iwas ng tingin.

"Meet Joash, close friend ng kuya mo"
sabi ni mama. Ngiti lang ginanti ko bilang sagot.

"Hoy kuya kong panget! Baket mo ako iniwan?" Pag-iiba ko ng topic. Kunwarin di ko siya nakikita.

"Sinundo ko kasi siya sa Airport ang tagal mong dumating kaya iniwan na kita atsaka nasundo ka naman ni Kuya Edgar diba?" Sagot ni Kuya Ace.

"Hi loislane, I missed you" sabi niya habang may ngiting nakakainsulto.

"Ako di kita namiss asa ka bente"

" Hahahahaha grabe ka naman saken hanggang ngayon ba galit ka?"

"Ehem! Magkakilala na pala kayo" sabat ng napakagaling kong Kuya.

"Oo" sabay naming sagot

"Ginagaya mo ba ako?" sabagay naming sagot

"Nakilala ko po siya sa Korea di ko alam na kapatid mo siya Ace. Actually she's a close friend of mine. Small world "

"Oh is that true? Baby kain kana umupo kana dito" sabi ni mom.

"No mom, mamaya na lang po akong kakain kapag wala ng buwisetang este bisitang nandyan. Akyat na po ako"

Umakyat nako sa kwarto para makapagpalit ng damit na pangbahay. Ayoko bumaba makikita ko nanaman siya.

Nang-aasar ba talaga siya? Di ako papaapekto sakanya psh! Matagal ko ng binaon sa limot yung nagawa kong yon. Parang panaginip nalang yon saken, napakasamang panaginip.

Kung ganon bakit tumitibok parin ng napaka oa tong puso ko? Wala na yon wala wala na dapat. Kung sanang may delete botton tong puso ko. Para makasiguro ako na wala na talaga.

Pero alam ko sa sarili ko na wala na. Pag talaga naaalala ko yung ginawa ko di ko mapigilan ang sarili ko na mapakanta ng Napakasakit kuya edddiiiieee.

Hindi naman sa galit ako sakanya, naiinis lang ako sa sarili ko dahil naiinis ako sa sarili ko dahil dyan hindi ko muna siya kakausapin.

Ano ba kasing ginagawa niya rito? Kailan niya pa naging bestfriend si Kuya? Ugh!

Sa kakaisip di ko namalayan na nakatulog na pala ako

Perfectly, Imperfect (#YourChoice2017)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon