Tatlong subject na ang lumipas bago kami makarating sa skwelahan. Ibig sabihin TLE na next subject namin ni Krishna.
Nauna na samin si Kuya Ace dahil kanina pa raw siya pinapatawag ng coach niya. Mapapagalitan siya panigurado. Basketball player rin kasi si Kuya Ace ka team niya si Isaac na boyfriend ni Krishna.
Dumiretso na kami sa canteen para magrecess. Ano ba yan siksikan nanaman. Ang daming studyante. Kung sanang kami yung may ari nito school na 'to magpapagawa ako ng sariling kong bilhanan ng canteen bwiset gutom na kami. Sa wakas naka bili na kami ni Krisha parehong pesto ang binili namin.
As usual, palaging sa room kami kumakain. Siksikan sa canteen for sure wala nanaman us makikitang bakanteng upuan doon.
"Babe?! Bakit hindi ka pumasok ng tatlong sunod na subject? Is there any problem?"
Para ring tigyawat tong si Isaac idol niya siguro si Kuya Ace lumilitaw kahit saan.
"No no no. Don't mind me. Kumain kana ba?"
"Hindi pa hinihintay kita nag-aalala ako sayo. Tinatawagan naman kita cannot be reach ka"
"Go ahead lumayas na kayo sa harap ko wag kayong mahiya saken. sanay naman akong mag-isa"
"Osige bye Lane! Mamaya magkita nalang tayo sa bahay niyo" At umalis na sila ni Isaac.
Maghaheart to heart talk siguro sila.
Ano ba yan nag-iisa nanaman ako. Ano bang bago don? Pupuntahan ko sana si Alli pero nagsstart na yung class nila.
Mabuti pa pumasok nako sa Drafting. Habang naglalakad ang dyosa, nakita ko si kras di kalayuan sa kinatatayuan ko, may kausap siyang teacher. Omo ang gwapo talaga niya kiyaaa!!. Okay lane kalma.
Habang naglalakad ako titig na titig parin ako sakanya habang kausap niya yung teacher teacher? teacher namin?! What?! Teacher namin sa drafting.
OMG classmate ko ba siya? Sana sana. Magpapaparty ako mamaya sa bahay kapag nangyari yon. Nung natapos na niyang kausapin yung teacher nagtama yung mga mata namin at ngumiti siya sakin.
WAAAAAHHHH IKENAT !!
Buti nalang masikip tong bra ko kung hindi kanina pa nalaglag. Nakatulala parin ako habang siya umalis na palayo.
Akala ko classmate ko siya at sabay kaming papasok. Ang tindi ng imagination ko e no.
Nagrereplay yung ngiti niya sa utak ko. Crush niya rin siguro ako hehe.
"Ms Gonzales?!"
Munting ng malaglag yun panga ko sa gulat dahil kay ma'am. Hindi ko namalayan nasa tapat parin pala ako ng pintuan ng drafting.
Nakita ko rin na nakaupo na ang lahat sa loob habang nakatingin sa gawi ko. At halatang ako nalang ang hinihintay.
"Uhm hehe. Hi ma'am!" napailing nalang si Mrs. Janine sa inasal ko. Pumasok nako bago pa niya ako makatay ng buhay.
Hala ano bang nangyayare saken. Napapadalas na pagdeday dream ko ha? Lagi nalang ako napapagalitan sa teacher. Masama ito, baka pag-initan ako ng ulo neto't baka bumaba grades ko! Very wrong!
Baka ipaparents needed ako at osumbong kay mom "misis yang anak ninyo laging lutang ang utak nagshashabu ba yan?" Hala baka ganon ang itanong ni miss tunggol kay mom.
Nagstart ng mag discuss si ma'am about sa next plate na gagawin namin. May nagbubulungan sa likod ko kaya di ko maiwasan makinig sa pinag-uusapan nila.
" Nakita ko yung twitter status ni crush! Kiyaaa Babalik na pala dito yung brother ni marco omg "
"Bakit pa kaya siya lilipat dito?"
"Ewan ko bakit sakin mo tinatanong ? Ang tanga mo rin e no bobo mo girl" Di ko kilala kung sino yung pinag-uusapan nila.
Simula Elementary hanggang 2nd quarter ng 4th year dito ako nag-aral sa Hillson Academy pero, nung 3rd quarter na, lumipat kaming Korea ni mama.
Kaya lang naman ako pumunta ng Korea dahil muntik na rin maghiwalay ang parents ko at hindi ko alam ang dahilan. Umuwi kami noon ng Korea sa bahay ng mama niya na lola ko.
Si lola purong koreana pero nakapangasawa siya ng pilipino. Yes oo half korean si mama. After few weeks sumunod si papa samin nakipag ayos kay mama.
Nagsayang lang sila ng pera hindi ba?
Bago kami umuwi dito tinapos ko doon 2nd quarter. Sa kalagitnaan ng 3rd quarter don ako nagtrasfer dito. Kaya naghahabol ako sa mga lessons. Lalo na malapit na yung exam.
Nagfocus nalang ako sa ginagawa kong plate at dahil kulang sa oras hindi namin natapos kaya pinauwi niya nalang para sa bahay namin ituloy.
Mas maganda na yon mas maayos kong matatapos kapag sa bahay ko gagawin ton bagong plate.
Pinuntahan ko si Kuya Ace sa room niya pero wala na daw siya. Aba iiwan ba niya ang napaka dyosa niyang kapatid. Di pa naman ako sanay mag commute.
Baka siguro sa nasa parking lot na siya. Di man lang magsabi kung saan ko siya dapat puntahan ang tanga rin minsan ni Kuya Ace.
Nadatnan ko siya sa parking lot may kausap siyang lalaki di ko makita kung sino e. Kaya lumapit nako. Laking gulat ko nung makita ko kung sino ang kausap niya.