Palabas na sana kami ng gate ng biglang
"Anong year kayo? Bawal pa lumabas"
"Chief grade 10 hindi pa po ba pwede? 2:30 na ilang mins nalang naman" Pagdadahilan ni Kuya.
Bakit kasi ang aga magpalabas ng mga teacher namin ngayon, panigurado may meeting nanaman sila.
"Sige na Chief palabasin mo na kami"
Sabay beautiful eyes ni Krish jk"Ako ang malalagot hindi naman kayo, kaya balik! balik don!"
Ang sungit ng guard na 'to dinaig pa ang princepal aba
"Chief pretty pretty please"
"Hindi pwede. Bumalik nalang kayo sa kanikaniya ninyong classroom!"
Wew
Panira ng eksena tong guard na to tanggalin kita sa kwento e
At wala kaming choice kung hindi bumalik sa classroom.
Parking Area
"Nakakabwisit talaga yung guard na yon sarap tusukin ng pigsa niya sa ilong" Sabi ni Joash kababa niya ng sasakyan matapos ipark.
"Tanga di pigsa yon kamatis yon!" Kuya Ace.
Tinutukoy ng mga kumag na 'to yung napakalaking tigyawat sa ilong ni Chief na parang kamatis.
"Hays u guys are wrong! Pigsa yon na tinubuan ng mukha" Pakikisawsaw ni Jade sa usapan ng dalawa.
"Kumukulo dugo ko dun sa guard na yon bwisit na kamatis na yon! nakakainis! Sayang yung libre ni krishna once in a lifetime nalang magkusa yan naudlot pa!"
"Tignan mo ang gagang Allison kung makangiti abot hanggang noo. Nakaligtas sa panlilibre"
"Siguro kinausap mo yung guard kanina para di tayo palabasin no? Ikaw a style mo panez"
"As if naman na gagawin ko yun Krishna! nauulul ka na ba?"
"Kainis, kung kailan kumpleto tayo sabagay may next time pa naman para magkabonding tayo" Inis na sabi ni Jade.