Ang bango naman ng unan ko. Ang sarap yakapin. Mas lalo ko pang hinigpitan yung pagkayakap ko sa unan ko. Ang galing naman ng unan na 'to ng yayakap pabalik.
Magpapabili pa ako ng ganto ng marami kay mommy.
Aba?! Huh?! Yung unan ko gumagalaw? Dahan dahan kong minulat yung mata ko. What theeee?!
Anong ginagawa dito ng lalakeng to?!
"AAAAAAAHHHHHHHHHHHH?! Anong ginagawa mo rito?! Bakit ka nasa kama ko?! May May balak kang masama saken ano? Rapist!! Rapist!"
"Oy lane magtigil ka nga dyan baka akala nila tita inano kita. Goodmorning. Wag kang mag-alala wala akong ginawa sayo nakitulog lang ako di na muna ako umuwi kagabi dahil gusto kong isurprise sila mom and dad "
"Siguro naman hindi papayag sila mommy na dito ka matulog mismo dito sa kama ko?! Anong ginagawa mo rito?!""Si Ace, ayaw akong papasukin sa kwarto niya may sikretong malupit daw don. Kaya dito ako pinatulog ni tita, yun ngalang sa sofa di ako sanay don kaya lumipat ako sa kama mo naglagay naman ako ng harang na unan kanina dyan tinanggal mo lang ako yung nikayap mo psh"
"Pero deep inside gusto mo rin naman niyayakap kita pabebe."
"Wow ha?! Ako pa talaga? Baka ikaw! Ikaw tong unang yumakap saken!"
"Eh sa natutulog ako hindi ko alam! Atsaka bakit alam mong ako unang yumakap? Siguro pinapanuod mo ako habang natutulog?! Tapos tapos waaaah!"
"Magtigil ka lane wala akong ginawang masama sayo tss!"
Lumabas nako bago pa kami magpatayan dito. Padabog kong sinara yung pintuan ng kwarto ko para feel na feel niya yung pagkaumay ko sakanya.
Weekend na weekend sira na agad umaga ko.
Ni ayaw ko nga siyang makita kagabi tapos yun pala siya yung katabi kong natulog buong gabi?! Diretso akong naglakad sa kusina kinuha ko yung favorite kong cereals & milk.
Ano kayang magandang gawin ngayong sabado.
Bukas nalang ako magrereview para sa exam. Magrerelax muna ako ngayon saan ba pwedeng pumunta?
Tawagan ko nalang sila Krish at Alli
" Krish? Pwede ka ba ngayon? Labas tayo "
( Magdedate kami ngayon ni Isaac e i'm sorry lane sa ibang araw nalang. Babawi ako sa susunod promise )
"Sige okay lang subukan kong yayain si Alli. Enjoy your date"
Calling Allison
( Hello Lane ? )
"Alli! Tara labas tayo? Don't tell me busy ka rin? "
( Wrong timing ka may family outing kami. Si Krishna ba ? )
"May date sila ni Isaac! As usual!"
( Sanay ka namang mag-isa hindi ba? Bye na mwaps )
Call ended.
"Mukhang walang gustong sumama sayo ah kawawa naman. Gusto mo samahan kita?" sabi ng lalaking sumira ng araw ko.
"So? Hinihingi ko ba opinyon mo?"
Umalis ako daladala ko yung cereals ko sinindi ko yung tv nilagay ko yung fav ko CD na Lights Out para mawala sa paningin ko yung lalaking yon.