Chapter 14 (I miss you brie)

74 0 0
                                    

(Another pic. Of sky . isipin niyo nalang po maroon yung color ng hair niya :>)

••••••••





SKY POV



"Raawwrrr!!!"


"Kkyaaahh!!" Agad akong napabangon ng marinig Kong umungol Si Red.. Kaya ang resulta nahulog ako mula sa Likod ni red ...

"A-aray " ayy leche! Ang saken ng likod ko

"Bakit ba kase bigla bigla ka nalang  mag ra-rawwr diyan yan tuloy nahulog ako " panenermon ko Kay red . Bumalik naden siya sa dati niyang size at doon kolang napansin na  magdidilim na pala .Kinuha ko ang mapa ko at tinignan kung nasaang lupalop naba kami ...

Hmm ayon dito sa mapa ay medyo malapit na kami sa Fairy land .. Binuhat ko nalang Si red dahil alam Kong pagod na siyang maglakad .Nag-umpisa na ulit akong maglakad papunta sa Fairyland .....

Halos isat kalahating oras na den akong naglalakad ng may matanaw ako na medyo di  kalayuan sa kinatatayuan ko. Kumpol ito ng mga liwanag na nalipad pinagpatuloy ko ang aking paglalakad ng at makalapit na ako ay doon  kolang nalaman na Hindi pala ito liwanag kundi mga fairy!

*_*


Ang ganda! Nakita ko naman na may papalapit sakeng fairy

"Hi" rinig Kong sabi niya .Ang cute ng boses niya

"Hello!" Masayang bati ko dito


"Anong mapaglilingkod namen Sayo binibini?" Magalang na tanong nito

"Galing akong Silverwing academy at may pinabibigay ang namumuno sa paaralan na iyon sa inyong pinaka pinuno .." Sagot ko naman dito


"Sundan niyo po ako "

gaya ng sabi niya ay sinundan ko siya . Ang
ganda nilang pag masdan lalo na at gabi pa ...

"Nandito na po tayo "

napatingin ako sa aking unahan  at nakita ko doon ang gold ang dahon   na puno at may fairy na nakaupo duon na sa tingin ko ay ang kanilang reyna ...

"Anong kaylangan mo magandang binibini?" Tanong nito saakin


Kinuha ko naman sa bag ko ang box na binigay saken ni HM

"Pinabibigay po ito ni HM Harold " sabi ko Sabay lapag sa harapan niya ang box .


"Buti naman at dumating na ito" nakangiti niyang tugon


"Salamat iha ...Ako nga pala Si thana ang namumuno sa fairyland " sabi ni queen thana

"Ako naman po Si sky!" Naka ngiting tugon ko

"Napaka gandang pangalan " queen thana

"Salamat po" ako

"Sky iha kung gusto mo  pwede kang magpalipas ng gabi dito " queen thana

"Talaga po?! Salamat po!" Ang bait talaga ni queen thana

Pag katapos Kong ibigay sa reyna ang box ay nakipaglaro muna ako sa ibang fairy habang Si red naman ay natutulog na sa ugat ng puno ..at gaya den ng sabi ng reyna ay dito  na ako nagpalipas ng gabi ... Pero bago matulog ay pumasok sa isip ko Si ash ...

"Kamusta na kaya siya? Na mi miss niya kaya ako? Kase ako na mimiss ko na siya" sabi ko sa aking sarili...

"Hihihi"


Sky & Ash  (SILVERWING ACADEMY) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon