♥EPILOGUE ♥

94 1 0
                                    












SKY POV










Nandito ako ngayon sa kuwarto ko sa Kingdom namin , alam na ng lahat na ako ang nawawalang prinsesa at Masaya ako dahil tanggap nila ako .... Nagkaron den kami ng bonding nila mommy at daddy nung nabawi kona ang lakas ko ..



Sobrang Saya kung mga panahon nayon dahil naranasan ko ulit ang mahalin ng isang ina at ama , Super close na kaming tatlo dahil lahat ng gusto ko gusto den nila kaya alam Kong silang dalawa ang pinagmanahan ko


Nakatanaw ako ngayon dito sa bintana ng kuwarto ko at napabusangot nanaman ako ng maalala ko kung bakit ako badtrip , Hmp..Si ash kase eh sabi niya pupuntahan niga ako dito Pero hanggang ngayon wala paden siya , sabi niya Papunta daw kami sa Enchanted forest kung nasaan yung tamabayan namin  eh hapon na wala pa siya ..


Bahala siya sa buhay niya hindi ko siya papansinin ,nagtatampo ako sa kaniya ...



Oonga pala tatlong buwan na ang lumipas simula nang magising ako , Ewan ko may narinig kase akong kumakanta kaya pinilit ko ang sarili ko na gumising at ayun nga Si ash yung nakita ko ...Nung makabawe na ako ng lakas ko minsan nalang kami magkasama kase laging magulang ko yung kasama ko tuwing sa school naman lagi siyang busy , Hmp.. Mas importante ata yung ginagawa niya kesa saaken.. Tapos ngayon nangalang ulit kami magkakaron ng time sa isat isa Saka naman siya wala ...ughh!! Nakakainis talaga!





*tok*




*tok*




*tok*








Napatingin ako sa pinto ng makarinig ako ng katok

Bumukas Iyon at inuluwa doon  Si mommy na malawak ang ngiti habang may hawak na box?


"Mom? May problems poba?" Tanong sa kaniya


"Wala naman Anak.. Nandito lang ako sa ibigay to Sayo " sabi ni mommy at Saka iniabot saken ang white box ... Kinuha ko naman iyon at Saka binuksan




Isa ito white dress above the knee , ang ganda , simple lang siya Pero maganda

"Isuot moyan ngayon huh? Babalikan kita dito para ayusan ka" nagtatakang tinignan ko naman Si mommy

"May pupuntahan tayo Anak , kaya magbihis kana Ok?" Tumango nalang ako kahit nalilito , hinalikan niya muna ako sa pisnge bago lumabas sa kuwarto ko


At gaya ng sabi ni mommy sinuot ko nayung  damit , pumasok naman Si mommy at Saka ako inayusan ng buhok ,


Ng matapos na Si mommy ay tinignan ko ang itsura ko sa salamin ...


Naka braid yung buhok ko na nakapuwesto sa kanang balikat ko at may light makeup den..


"Perfect!" Tinignan ko naman Si mommy , Nagtaka naman ako dahil nakita Kong nagpupunas siya ang Luha

"Mom? Ok lang poba kayo?" Tanong ko Kay mommy


"Tears of joy lang , haha Tara na anak at sigurado akong hinihintay na tayo ng daddy mo sa baba"



Bumaba na kami ni mom at nakita ko sa dad na nakangiti habang Nakatingin saken at katulad ni mommy ay naluluha den siya ... Ano bang meron?


"Dalaga na talaga ang Anak ko" sambit ni dad ng makalapit na kami sa kaniya ni mom ...

Niyakap ko nalang Si dad kahit wala akong ediya kung Ano ba talagang nangyayare ...

Sky & Ash  (SILVERWING ACADEMY) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon