RED
"I'm so excited Mommy." Sabi sakin ng anak ko habang sinusuklay ang sarili niyang buhok, ayaw kasing ipasuklay sakin. Aish. She's being independent in some ways, I think my daughter will be a strong woman someday.
"Good that you are excited. Be good at school, okay?" I said as I pinched her cheeks, ang ganda ng anak ko. She got some of my features and Jacob's, but then, kamukha niya pa rin ako.
"Yes Mommy!" Nakangiti nitong sagot sakin.
"Hurry up, baby, you might get late on your first day if you don't hurry." Nakangiti kong sabi. Natapos na din ang anak ko sa pag-aayos.
Nakalugay lang ang buhok niya. Pakiramdam ko ay may kulang, kaya kinuha ko sa drawer ko ang ribbon na paborito ko, clip siya na may design na ribbon.
Nilagay ko iyon sa buhok ni baby Jaicell. Ngumiti ako dahil mas lalong lumitaw ang kagandahan ng anak ko.
"Better that way." I said. Lumabas na din kami ng kwarto ko, well, kwarto na namin to ng anak ko.
Pagkalabas ay nakita ko si Fermine na pupungas pungas pa tapos humihikab pa, halatang bagong gising. Psh.
"Huwag ka nga magpapakita sa anak ko, Ferms. Pinapakita mo sa kanya ang pagiging iresponsable at tulog mantika." Pabiro kong sabi na may tono ng pagmamataray.
"Eeee, Lady naman e! Magba-bye ako sa pamangkin ko. First day niya ngayon di ko na siya makakasama maghapon!" Parang bata na nagmaktol si Fermine. Ngumawa pa. Psh. Hindi talaga bagay sa kanya. Aish.
"Tita Fermine wants to say goodbye to you baby." I said.
"We'll see each other Tita by the end of the day. So it must be 'see you later'." Sagot ng anak ko.
Napatawa ako sa sinagot ng anak ko, smart.
"Daig." Bulong ko. Sumimangot naman si Fermine, di bagay, lalo na kung may muta ka pa. Psh.
"Give Tita a 'see you later kiss' na lang, baby Jaicell." Sabi naman ni Fermine habang yumuko pa para sa halik ni Jaicell.
"Masisira ang ayos ni Mommy sakin kung iki-kiss kita Tita." Sagot naman ng anak ko. Napatawa ako, my daughter is really innocent yet smart. Sana lang ay di siya tinuruan ni Fermine ng mga makamundong bagay.
"Ayoko na!" Tili ni Fermine habang nagpapadyak na bumalik sa kwarto niya. Tumawa lang kami ni Jaicell, mukha kasing naalimpungatan lang si Fermine kaya di namin siniseryoso.
"Kumain ka muna baby. Then pupunta na tayong school." Sabi ko at naglakad na kami papuntang kusina.
Pagkadating sa kusina ay nakita ko si Verdell na katatapos lang magluto. Why is he here?
"Kanina pa nandito yan. Sabi ko nga ako ng magluluto but he insisted." Sabi ni Mom na nakasandal sa may kitchen sink habang nag-aayos ng lamesa si Verdell. Ganon ba kahalata sa mukha ko ang pagtataka at alam na ni Mom ang isasagot?
"Gusto ko lang ipagluto ang mag-ina ko." Nakangiting sabi ni Verdell.
Tiningnan ko lang siya. Alam niya ang sitwasyon ko, pero bakit ganito siya?
"Are you two engage? Well that's nice." Sabi ni Mom.
"Mom." May banta kong tawag. Nakakahiya kay Verdell.
"Yes Lola Verne! Engage na sila Mommy at Papa!" Tuwang tuwa na nagsalita si Jaicell tapos sumubo ng bacon na niluto ni Verdell.
"Nag-propose ka na sa anak ko?" Tanong ni Mom. Pero mukhang okay lang sa kanya ang sinasabi niya at mukhang natutuwa pa si Mom sa idea na engage kami ni Verdell.
"Not yet Tita." He answered.
Dumating naman din si Dad na bagong gising lang din. Di na sila nagtatrabaho ni Mom sa opisina, ako na kasi ang may hawak ng lahat ng negosyo namin. Pero may karapatan pa rin silang pakialaman ang kumpanya kung gugustuhin nila.
"If that's it, Mom and Dad na din ang itawag mo sa amin." Wika ni Dad sabay upo sa pinaka-sentro ng dining table.
"Okay po, D-dad." Naiilang na sagot ni Verdell. Umupo na lang ako sa tabi ng anak ko at pinanood siyang kumain. Pati pagpapasubo ay ayaw niya, parang ako lang dati, manang-mana talaga sakin.
"Kumain ka na din Red." Sabi ni Verdell. "Lagi kang hindi kumakain ng breakfast." He added.
"Di talaga siya nagbe-breakfast, nung bago lang siya ikasal noon, nag-breakfast siya." Kwento naman ni Dad na kumakain na din.
No Dad, noong kasama ko si Jacob kumakain ako. Sabay kami. Kasi dapat sabay kami sa lahat ng bagay. We share things.. noon.
"Kumain ka dapat Red. Baka magkasakit ka." Sabi ni Verdell at akmang susubuan ako.
"Oo nga naman Mommy, para sabay tayo kumain." Singit ng anak ko. Sabay tayo kumain. Those words, minsan nang sinabi iyon ng totoo niyang ama. Her attitude is a total duplicate of her father.
"Huwag tatanggihan ang grasya." Ngumiti si Mom pagkasabi niya noon.
Mukha naman akong baby na kailangan pang subuan. Napasimangot ako habang nakatingin sa kutsara. Bandang huli ay sinubo ko na lang din iyon.
My tummy missed the days when I am eating breakfast. Nginuya ko yun habang inaalala yung mga panahon ang saya saya kong kumakain ng almusal.
"Don't cry when you are eating." Nagulat ako kay Verdell, siya ang nagsalita. Napahawak ako sa pisngi ko, napaluha na pala ako? Hi-tech pala yung luha ko, kusang lumalabas, baka naman may ibang kulay pa to tsaka remote control.
"Napupuwing kasi ako sayo, Verdell, ang dami mong libag." Sabi ko na lang at umirap tapos ako ang nagsubo para sa sarili ko.
.
.
.
.
"Baby okay na ba talagang dito ka na lang?" Tanong ko sa anak ko.
"Yes Mommy." She answered.
"Take care baby." Sabat naman ni Verdell. Sabatero. Ugh.
"Take care too Papa." Sagot ng anak ko.
Pumasok na siya sa room niya, kaya naman umalis na din kami ni Verdell. Inis ko siyang tiningnan.
"Feel na feel mo naman maging anak yung anak ko, ano?" Pagtataray ko.
"I will marry you someday." He said.
"Alam mong magiging rebound ka lang." I answered.
"I don't care." He said. "Binigyan mo ng chance noon na makasama yung taong nang-iwan sayo. Ako pa kayang di ka iiwan kahit anong mangyari?"
Natahimik ako sa sinabi ni Verdell. He always has a point. Di na ba talaga kami pwede ni Jacob? Tapos na ba talaga ang istorya namin? Wala na bang chance? Wala na ba talaga?
"V-verdell." Iyon lang ang naisagot ko.
Hinarap niya ako sa kanya at hinawakan niya ang magkabila kong braso, he looked directly into my eyes.
"Di kita pinipilit na mahalin mo rin ako. Ang gusto ko lang ay magkaroon ng chance na maging mabuting asawa sayo at ama kay Jaicell." He explained.
"B-but----"
"Give some chance for you to be happy. Let's give this marriage a chance, malay mo mag-work. Besides, masaya si Jaicell na maging ama ako. Kahit para sa kanya lang." He plead.
Napatahimik ako at napaiwas ng tingin. Should I give it a try? Para man lang sa ikakatuwa ng anak ko? Di ko na din naman ipapakilala pa si Jacob sa kanya. Alam kong ang sama ko para ipagkait kay Jacob ang lahat, pero sino bang nang-iwan? Siya din naman.
I sighed.
"Let's give it a try." I said.
***
A/N: Namimiss niyo na ba ang #TeamBlynt? Tiwala lang. Trust your author nga e diba?
BINABASA MO ANG
Red's Secret
General FictionBook II of Nerd's Secret. Nasira sa book I, magkaayos kaya sa book II? O wala talagang chance ang marriage contract nila sa sarili nilang istorya? Highest Rank: #191 in General Fiction Ranking by now: #806 in General Fiction