C70: Picture✔

944 26 2
                                    

RED

Binato na din ni baby Jaicell ng harina si Jacob. Di ko tuloy mapigilang hindi matawa. Napuno ng tawanan ang kusina namin.

Huminto ang mag-ama nang mapagod na silang pareho. Akala ko uubusin namin ang maghapon nang nagbabatuhan lang ng harina. Feeling naman ata nila snow balls ang binabato nila, nasa Pilipinas kaya kami.

"Ano bang lulutuin bakit may harina?" Tanong ni Jacob na nasa tabi ko at kumapit na naman sa bewang ko. Yung isang kamay naman niya ay nakapatong sa balikat ni baby Jaicell.

Napairap ako sa tanong ni Jacob.

"Pancakes." I said. "Dapat." I added. "Kaso manyak ka at naubos ang harina. Psh." Pagtatapos ko.

May pa-starving starving pa daw kasing nalalaman. Psh. Nasayang tuloy ang harina.

"Bacon na lang lutuin mo Wife. Namimiss ko na yun e." Nakangusong sabi ni Jacob, napangiti na lang ako.

"Yung sunog o maayos?" I asked na natatawa. Sabi niya kasi nami-miss niya na yung sunog na version.

"Mommy, may sunog po bang bacon?" Singit nung anak namin.

"Yes baby." Si Jacob ang sumagot. "Luto ni Mommy mo." He added.

Di na ako natutuwa, nilalait na nila yung luto ko. Psh. Dapat di ko na sinakyan e. Nakakainis talaga tong lalaking to.

"Just sit there, ipapagluto ko na kayo." Sabi ko na lang at nagsimula na akong magluto. Nagkasatan lang ulit yung dalawa.

Di ko naman masisisi si Jacob kung bakit lagi niya na lang kinakasat at kinakalaro si Jaicell. Ngayon niya lang halos nakasama ang anak niya. Kahit na maayos na kami ay nakokonsensya pa rin akong di ko man lang hinayaan na mahawakan noon ni Jacob ang anak niya. At isa pa, isip bata kasi si Jacob kaya mahilig siya sa kasatan.

"Nasusunog na yung niluluto mo Lady." Nagulat ako ng may magsalita. Si Fermine pala.

"Bakit ka ba Lady ng Lady? Sabing ayoko ng ganyang tawag e. Psh." Sabi ko sa kanya at nilagay na sa plato yung muntikan ng masunog na bacon at naglagay ng ipi-prito pa.

"Nagpunta ako dito para bantayan ka." She said. "Trabaho ko ngayon. On duty ako." She added.

"Bakit ako, Ferms? Si Dad ang nagpapa-sweldo sayo, hindi ako." I said.

Ngumiti naman siya sakin.

"Kasi kapatid ang turing ko sayo, hindi lang basta amo." She answered.

"Then why are you calling me Lady? Kapatid naman pala ang turing mo sakin. Ganyan ba ang tawagan ng magkapatid?" Nagtaray ako.

Si Darline nga na hindi ko close noon, 'sister' ang tawag sakin e. Magkapatid kasi kami.

"Kasi trip ko lang. Halata naman kasing naiinis ka. Hahahaha!" Tumawa siya.

"Ginagalit mo ko Ferms. Psh." I just said.

Tinulungan na din ako ni Fermine na magluto. Pagkayari ay kumain na din kami ng almusal.

.

.

.

Red's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon