RED
"Daddy! Let's play with Mommy!" Nagising ang diwa ko nang marinig ko ang boses ng anak ko. Di pa din ako dumidilat at pilit silang pinapakiramdaman.
"But Mommy is still sleeping." Sumagot naman si Jacob na para bang natataranta. Takot sigurong magising ako.
Nararamdaman ko na din ang mainit na sinag ng araw, siguro tanghali na. May tanghalian na kaya? Tsaka paano naman kaya ako napunta dito? Pakiramdam ko nakapag-teleport ako, parang katulad lang dati noong mahimatay ako pagkagaling namin sa Bar at inuwi ako ni Jacob.
"I wanna play with Mommy!" Pagpupumilit ng anak ko.
Biglang tumahimik ang paligid. Nasan na yung mga yun? Iniwan ba nila ako? Ugh. Baka naman tinakas na siya ni Jacob? Hindi. Hindi naman magagawa ni Jacob yun, bati na kami e.
"Mommy!"
Napadilat ako ng makita kong nakadagan sakin si baby Jaicell. Nakangiti ang anak ko tapos paglingon ko sa tabi ko ay nasa tabi ko si Jacob. Tapos yinakap niya ako sa bewang.
Ang saya.
"Wake up na si Mommy!" Masayang tili ng anak ko.
"Hindi pa kaya." Sabi ko habang nakangiti na pumikit.
"Gisingin mo ulit si Mommy, baby." Sabi naman ni Jacob na nakayakap pa din sakin. Dinukdok niya ang mukha niya sa leeg ko, medyo nakakakiliti kasi sinasadya niyang huminga doon.
Impit akong napapatawa dahil doon. Samantalang si baby Jaicell naman ay kinikiliti ako sa tiyan.
"S-stop.." Nahihirapan kong sabi habang tumatawa.
"Wake up Mommy!" Tili na naman ng anak ko.
Napadilat ako. "S-sto--- hahahaha.. stop.." Sabi ko pa.
"Food's ready!" Bumukas ang pinto at iyon ang sinabi ni Fermine. Naka-apron pa siya at may hawak na sandok. Napatingin din sa kanya ang mag-ama at natigil sa pangingiliti sakin.
Para kaming happy family tapos si Fermine ang yaya, muchacha lang. Syempre joke lang yun.
"Kain na tayo Mommy!" Tili na naman ng anak ko at medyo tumalon talon pa habang nakaupo sa tiyan ko.
"Bakit hinayaan niyong si Tita Ferms ang magluto? Dapat ginising niyo na lang ako, bisita natin siya e." Sabi ko sa mag-ama. Nagkibit balikat sila Jacob at baby Jaicell tapos nagtinginan at ngumiti ng sila lang ang nagkakaintindihan.
Inuna ata nilang dalawa ang paglalaro. Psh. Mag-amang mag-ama talaga. Manang mana sa pinagmanahan.
"I volunteer." Saad ni Fermine at pumasok na sa kwarto namin tapos umupo sa may paanan ng kama. Napaupo din ako kaya kandong kandong ko na si baby Jaicell. Si Jacob naman ay napaupo rin.
"E? Dapat ako na pinagluto niyo." Nakanguso kong sabi. Napatingin ako kay Jacob nang tumawa siya. "Anong nakakatawa ha?" Tinarayan ko siya.
"Cute." He said.
Agad na namula ang mukha ko. I hate compliments. Pero sa totoo lang namiss ko ang mga araw na ganito kami ni Jacob. I feel home again, I'm really back.
BINABASA MO ANG
Red's Secret
General FictionBook II of Nerd's Secret. Nasira sa book I, magkaayos kaya sa book II? O wala talagang chance ang marriage contract nila sa sarili nilang istorya? Highest Rank: #191 in General Fiction Ranking by now: #806 in General Fiction