C58: Laugh✔

942 27 0
                                    

RED

"Kanina pa tayo nag-iikot at kumakain para makapagpahinga sa iba't ibang restaurant." Inis kong bulong kay Jacob na hawak hawak sa kamay niya si Jaicell. "Pero hanggang ngayon di ko pa nakikita yung stall na bilihan ng candy na sinasabi mo." Maririin ko pang bulong para di kami marinig ni Jaicell.

"Nalimutan ko kung nasan. Psh." Walang emosyon niyang sagot na bumubulong rin.

Kailan pa naligaw si Jacob at di nakatanda ng lugar? Napairap ako at bumulong ulit.

"Ang alam ko mahina lang utak mo, pero di ko alam na mahina ka sa directions."

"Don't you underestimate me, Red? Baka magulat ka kapag nalaman mo ang mga naiisip ko." He said and it feels like there's something on his words.

"Wala akong pakialam sa mga naiisip mo." Asar kong bulong. "Can you please just bring us on the right place?" Irita kong pakiusap.

Tiningnan niya ako na para bang ibang nilalang ako. Yung tipong parang galing ako sa Mars at nagtataka siya kung bakit ako nanggugulo dito sa mundo. Dahil sa mga naiisip ko'y tiningnan ko siya ng masama. May mga taga-mundo na kayang nasa Mars. Psh. Di ko pinapanindigang galing nga akong Mars, naiinis lang talaga ako kay Jacob.

"Ganyan ka ba kasamang ina?" Tanong niya. Di na siya nag-effort bumulong, pero ginagawa niyang sakto lang ang boses niya. Pandak naman kasi si Jaicell, I mean, maliit pa siya kaya di niya kami maririnig. Kahit ba sabihing kapag si Jacob ang kaharap ko ay kulang talaga ako sa height. Psh.

"Ginagawa ko lahat para sa anak ko. Ano bang masama sakin doon?" Halos sumigaw na ako habang kinakausap ko siya. Wala talagang kupas ang kupas na utak ni Jacob. Lagi niya akong iniinis at ginagalit. Buti na lang di ko na siya asawa, kaya dapat lang din na malugi siya at maghirap. Psh.

"Look. at. her." Madiin niyang utos at tiningnan ko nga ang anak ko. Di dahil sa sinusunod ko siya at uto uto naman akong ginawa nga ang utos niya. Marunong lang talaga ako makinig kahit sa mga taong katulad ni Jacob.

Tiningnan ko ang anak ko.

Nakangiti siya habang nakatingin samin, nakatingin pala, napansin niya kayang nag-aaway kami? Pero nakangiti siya. Kitang kita ko sa mga mata niya yung tuwa at saya. Kahit na kailan di ko nakita sa mga mata ni Jaicell yung ganyang ngiti noong si Verdell ang kasama namin.

Napatulala ako sa mukha ng anak ko.

But my daughter was the one who declared Verdell as her 'Papa'. Pero yung saya sa mata niya ngayon, ayokong mawala iyon. Madalas maglambing si Jaicell, pero madalang siyang maging masaya. No, ngayon ko lang nakita sa mga mata ng anak ko iyan.

"S-she's happy.." Wala sa sarili kong sabi habang tulala sa mukha ng anak ko na nakangiti samin. "Really happy.." I added.

"Buti naman napansin mo." He said. "Kanina pa natin nadaanan ang stall. I just don't wanna ruin the moment for her." He added.

"Psh. Fine. Huwag mong i-kwento sakin na parang concern ka sa anak namin." Sagot ko ng bumalik ako sa dati kong wisyo. Yung galit sa kanya at naiinis sa kanya.

"Fierce nerd." Bulong niya na akala niya di ko narinig. Kanina pa kami nagbubulungan, sa tingin ba niya ko pa siya maririnig?

Red's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon