RED
"Good morning Ms. Montavilla."
Nagulat ako sa kung sino ang bumati sakin. Bakit ngayon pang wala ang secretary ko?
"K-kiel." Banggit ko sa pangalan niya. Ang tapang ko noong unang pagkikita namin, dahil alam kong darating si Jacob para iligtas ako. Pero ngayon, nararamdaman ko yung takot na di ko naramdaman noon nung kaharap ko siya.
Sana sundan ako ni Jacob sa kabila ng mga nasabi ko sa kanya..
"Long time no see. Have a sit." He said. Dahil doon ay nabawasan ng konti ang takot ko. Mukhang mabait naman siya, masama lang talaga kay Jacob.
"So what's this meeting all about, Mr. Mendeja?" Tanong ko habang pinipilit na itago ang kaba ko.
"As you can see, wala si Papa. Pinamana na niya sakin ang Mendeja Co. I just want to merge with you." He said.
He looks like a business man now for real. Ngumiti ako sa kanya tanda na may tiwala na akong di siya kikilos ng masama.
"Paanong merging ba? Via wedding or contract?" I asked, kasi di naman niya ako pwedeng pakasalan kasi asawa ko na si Verdell. Mukhang ngayon pa lang mangyayari ang The Legal Husband at si Kiel na naman ang pasimuno. Psh.
"Both." He chuckled. "Of course if we marry we'll have a marriage contract." He added.
Napasimangot ako. Pilosopo din pala tong si Kiel, siguro kaya mas lalong nagalit sa kanya noon si Jacob ay dahil hindi na na-take ng utak ni Jacob ang pag-iisip ni Kiel.
"I have a husband, already." I said.
"But I thought, you and Yuno were----"
"Not Jacob Blynt. My husband is Mr. Verdell Tan." Pagpuputol ko sa kanya. Pinapamukha talaga nila saking di na ako Mrs. Blynt ah? Nakakainis.
"Ibig sabihin totoo pala ang rumors about Darline and Yuno." He said at hinawakan pa ang baba niya na para bang nag-iisip. Para namang nag-iisip siya.
"Rumors? Di ka sure? E pare-pareho naman tayong sa Blyntonn nag-aral." Sabi ko. Naalala ko kasi noon nung bumalik ako ulit sa Bylntonn makalipas ang ilang buwan mula nung inoperahan ako para puntahan si Jacob. At parang sampal sakin noon na makita ang poster nila sa kada pinto.
Para namang tatalino ang mga taga-Blyntonn kung may ganon sa pinto nila.
"Remember the day he saved you from me at sinapak mo ako? Siya na ang principal noon."
"Alam ko." Sagot ko sa kanya. Paano namang di ko malalaman e ginugulo niya kami noon ni Darwin tapos sasabihin niya tawag ako ng principal, e siya din naman yun, pwede namang sa bahay namin diba? Pero dati yun, nung may crush pa ako kay Darwin at nung may itinuturing pa kaming bahay namin ni Jacob.
Iba na nga kasi ngayon.
"He kicked me out after that. Wala din akong ibang napasukang school dahil sa kanya, so I was forced to home study to have my diploma." He said. "Kaya nga di na lang ako ulit nanggulo kahit na gustong gusto kitang agawin mula sa kanya." I added.
"Pero inaaya mo na naman ako ngayon. At akala mo si Jacob ang asawa ko." Nagtataka kong tanong.
He laughed.
"That's because di na ako mapapatigil ni Yuno. First, tapos na akong mag-aral. Second, nasa akin na ang company namin, and last, bumabagsak na ata ang company ni Yuno dahil may lumulugi doon."
Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib ko and at the same time, guilt. Alam ko naman kasi sa sarili kong nilulugi ko ang kumpanya ni Jacob. Yung pagmamahal at sakit na nararamdaman ko nung iwan niya ako ay madalas na nagiging galit.
Kaya tuwing badtrip ako, madalas binibili ko sa ibang kumpanya ang shares ng mga Blynt. Hanggang sa naging hobby ko ng bilhin ang shares nila sa iba para malugi na siya.
Ang sama kong tao.
"Hmmm.. ganon ba?" Sagot ko na lang. "I have a husband already, Kiel. Sorry." Sabi ko na lang. I want to be calm this time.
"Wala talaga akong pag-asa sayo." Bulong niya, kitang kita ko ang lungkot sa mga mata niya. "Alam mo bang ako ang katulong ni Darwin noon sa pang-istalk sayo? And I can't help but to fall inlove sa mga nalaman namin sayo, kaya nga dinukot kita noong malaman kong pinaubaya ka ni Yuno kay Darwin pero ayaw na ni Darwin." Pagkukwento niya.
Napaangat ako ng kilay. Buti at may kilay ako kundi wala akong itataas.
"Stalker ko si Darwin? At pinaubaya ako ni Jacob? E diba nung di niya pa daw ako kilala nun?" Nagtatakang tanong ko.
"Yea." He answered. "Alam mo bang may rule kami sa barkada? Kung anong akin, akin lang yun." He said.
"Anong connect?" Irita kong tanong. "Linawin mo naman. Psh." I added.
"Technically, si Darwin ang nauna sayo kaya dapat sa kanya ka. Nangako si Pareng Yuno noon na kung ikaw ang mapapakasalan niya ay magpapaubaya siya kay Darwin. Pero ang gag*, hindi tumupad sa usapan, inangkin ka pa." May galit niyang sabi.
"E bakit ka nakikisali sa gulo na dapat kila Jacob at Darwin lang?" Tanong ko.
May rule naman pala. Alam niya ding dapat si Darwin pero si Jacob lumabag. Tapos nakisali pa siya? Ang gulo na nga nila nanggulo pa siya? AB normal pala tong si Kiel at Jacob e. Psh. Magbati-bati na sila, wala naman ni isa sa kanila ang nakakuha sakin ngayon.
Ang haba na nga ng buhok ko papahabain pa nila. Baka naman mag-feeling na ako niyan.
"Sinukuan ka ni Darwin, it's my chance, right? Nagsabi din si Yuno na di ka niya mahal, dapat tumupad siya sa mga sinasabi niya. You must be mine the very moment na sinukuan ka ni Darwin." He said.
"Why yours?" I asked.
"Di naman kasi ako katulad ni Yuno na bibitawan ka tapos kakapit din sayo. Diba masakit yung ganon?" Sabi niya sakin.
Parang biniyak ang puso ko sa katotohanang sinabi ni Kiel. Pero iba ang nagawa ni Jacob, kumapit siya sa akin nung una pero binitawan niya ako bandang huli. Di naman sa hinihiling kong maging byudo siya dahil namatay na ako at hindi na talaga siya maghahanap ng asawa.
Pero kasi, ilang buwan pa lang noon. Ganon ba kadaling mag-move on sakin? Knowing that we made love, ni hindi niya alam na may bunga iyon. He didn't asked, di siya nagtaka sa edad ni baby Jaicell, iniisip niyang anak ko yun kay Verdell.
How could I trust the man who doesn't trusts me?
Napangiti ako ng mapait.
"Maybe we are not just meant to be. Maybe a marriage contract is not meant for us." Mapapait kong sabi.
***
BINABASA MO ANG
Red's Secret
General FictionBook II of Nerd's Secret. Nasira sa book I, magkaayos kaya sa book II? O wala talagang chance ang marriage contract nila sa sarili nilang istorya? Highest Rank: #191 in General Fiction Ranking by now: #806 in General Fiction