RED
"Red! Alam kong nandyan kayo! Labas!" Galit ang boses ni Verdell na nagtatawag sa labas ng library. Paano ba siya nakapasok? Gusto ba niyang ihambalos ko sa mukha niya ang gate namin ni Jacob para malaman niyang hindi welcome ang mga Tan? Wala nga si Jacob, nandito naman si Verdell at tinatawag ako.
"Tatawag ulit ako kila Pareng Kiel." Nagsalita naman si Deuce.
Tingnan mo to, nagkakagulo na nga uunahin pang tawagan si Kiel. Kabaklaan nila, sinasabi na nga ba at may relasyon sila, kanina pa kaya yan tumatawag kay Kiel. Psh. Buti na lang at di ako nakuha noon ni Kiel, bakla naman pala sila.
"Mommy.." Umiiyak na ang anak ko kaya lalong akong nainis dito kay Deuce na inuuna ang kalandian niya. Ugh.
"Huwag ka nang tumawag! Bantayan mo si Jaicell kung ayaw mong ako ang manakit sayo!" Galit kong utos sa kanya. Kung binigyan kasi sana ako ng role ni Jacob dun sa adventure nila edi sana di ako badtrip ngayon dito. Kanina pa ko naghihintay, alam naman nilang moody ako tapos ginagalit pa ako.
Natataranta namang tumakbo si Deuce papalapit kay Jaicell.
"Pero Red, kayo daw ang bantayan ko." Sabi niya sakin.
"Labas!" Sabat naman ni Verdell na nasa labas.
Sumeryoso ang mukha ko. Hindi galit o naiinis. Tiningnan ko ng maigi si Deuce.
"Basta bantayan mo si Jaicell." I said. "Natataranta ka sa takot, alam mo ba yun? Di iyan ang nakilala kong Deuce. Basta ako galit ako ngayon kaya ako ng bahala." I added.
Psh. Bakit naman kasi ngayon sinumpong ng kabaklaan tong si Deuce? Paano na lang si Jacob kung sinusumpong na din ng kabaklaan si Kiel ngayon?
Teka, sino bang nagsabing bakla sila? Imbento din ako e.
Kumuha agad ako ng upuan na nabuhat ko naman. Na-realize ko lang na buntis ako at malakas ako tuwing buntis ako. See? I'm fearless.
Inabangan ko sa may pinto si Verdell. Kinakalampag niya iyon dahil naka-lock. Ilang pinto kaya ang nasira niya? Papapalitan ko sa kanya lahat yun kapag nainis na talaga ako sa kanya.
"Honey!" Galit niyang sigaw sakin.
"Honey mo mukha mo! Ipapalamon kita sa bubuyog!" Inis kong sigaw sa kanya kahit na may pinto sa pagitan namin. Naka-amba pa din ang upuang hawak ko.
"Mommy.." Umiyak ang anak ko.
"Close her eyes Deuce." Utos ko. Sakto namang nabuksan ni Verdell ang pinto, hinampas ko agad sa mukha niya ang upuan.
Taob. Psh. Mahina naman pala. Door breaker lang siya, e ako? Head breaker ako.
"Tara na, sundan natin sila Husband." Sabi ko habang papalapit kina Deuce kinuha ko si Jaicell at hinawakan siya sa kamay. Di ko siya makakarga dahil buntis ako.
"Pero----"
"Sira na ang mga pinto! Di na safe dito. Kayo talaga, tropang utak bungo din kayo ano?" Inis kong sabi. "Guard us." Utos ko pa.
Napalitan ng tapang yung mukha niya. Napangisi ako, iyan ang kilala kong Deuce. Marunong sa ganito.
Tumakbo kami dahan dahan palabas sa library, buntis problems, kung kailan nasa action kami. Psh. Kasalanan to ng kamanyakan ni Jacob e. Nauuna si Deuce habang nakatutok ang baril niya, chini-check niya kung may kalaban pa. Nasa likod naman kami, pilit din akong nakikiramdam sa paligid.
"Sakay na!" Utos samin ni Deuce nang makalabas na kami. Psh. Bandang huli kami pa ang nautusan. Pinaandar niya naman agad ang kotse.
JACOB
"Alam mong mamamatay ka." Bungad sa akin ni Don Jarred.
"Walang kasalanan sila Mama dito. Itigil mo na to, hayaan mo na kami ng anak mo Don Jarred. Tapos na ang gulo ng mga Blynt at ng dati mong----"
"Tumahimik ka Yuno." Madiing utos ni Don Jarred.
"Nakikiusap ako Don, si Red lang ang gusto kong makasama. Pinapaalagaan mo siya sakin dati----"
"Magaling na ang anak ko. Di katulad dati na anumang oras ay mamamatay na siya. Di na kita kailangan." Madidiin ang sagot ng Don, kung hindi ko lang pinaglalaban ang taong mahal ko ay baka natakot ako sa sitwasyong ito.
Di ko magawang makipag-basag ulo kay Don Jarred dahil siya ang ama ni Red. Mahal na mahal ko si Red na kahit saktan ako ngayon ng ama niya ay di ako lalaban pabalik.
"Lumayo ka na lang kay Lady, Blynt. Kasal na sila ni Tan." Sumingit naman si Cloud Accordion na tila kanang kamay ni Don Jarred. Para akong isang kawal na nakaluhod ngayong nakikipag-usap sa isang hari.
Para akong kawal na nagmamakaawa para makasama ang prinsesa niya. Pero ang daming panggulo mula sa ibang palasyo.
"Di pa kami annulled. Peke ang napirmahan ko noon." Giit ko.
"Peke o totoo man ang napirmahan mo ay di mababagong galit ako sa pamilya mo. Pinatay niyo si Amanda." Galit na wika ni Don Jarred.
"Alam mo ba ang dahilan kung bakit iyon nagawa ni Papa? Hindi." Matigas kong sabi. "Bakit ba kayo nagagalit para sa pagkamatay ng Amanda na iyon? Di niyo siya asawa, si Madam Redverne na ang asawa niyo ngayon. Isipin niyo naman sila ni Red." Dagdag ko pa at di ko na mapigilang maluha.
"Namatay noon si Red.. mabuti na lang at nabuhay siya." Umiiyak ko pang sabi.
"Dahil sinaktan mo siya! Huwag mo saking isumbat ang bagay na yan para makipag-ayos ako!" Giit ni Don Jarred.
"Hindi." Sabi ko. "Nilayo niyo ako sa kanya. Pinaglayo niyo kami. She supposed to survive kung di niyo siya kinuha sa bahay namin noon! At the first place hindi iyon mangyayari kung nasa tabi ko siya. Kung hindi kayo nakialam magkakaayos kami. Dahil kilala ko ang asawa ko, alam kong pakikinggan niya ako. Alam kong may tiwala siya sakin!" Napasigaw ako.
"Tumahimik ka kung gusto mo pang mabuhay Blynt." Galit na sabi ni Don Jarred at agad na tinutok sakin ang baril na kanina niya hawak.
"Walang kasalanan si Papa doon.." Nanghihina kong sabi.
"Papa mo ang pumatay kay Amanda." Wika ni Don Jarred.
"Dahil pinatay ng Amanda na iyon ang Auntie ko!" Sigaw ko. "Wala kaming ginagawa! Ang dati mong girlfriend ang may gawa noon!" Sumbat ko pa.
"Iyon ang sinabi sakin ng mga Tan." Wika nito. "At nagtitiwala ako sa mga Tan." Dagdag niya.
"Alam mong gusto kaming malugi ng mga Tan." Sabi ko. "Gagawin talaga nila iyon Don Jarred, lalo na at masama ang pakay nila." Dagdag ko pa.
"Bring down your firearms! O mamamatay si Red Montavilla!"
Nagulat kaming lahat at napaharap sa may pinto kung saan nakikita ko ang anino ng isang lalaki na may hawak na babae. Pagkasara ng pinto ay may pumasok pang dalawang lalaki.
Hawak ni Verdell Tan ang asawa ko habang nakatutok ang baril sa kanya. May isa pang may hawak sa anak ko, at may isa namang may hawak kay Deuce.
Bumagsak ang mga luha ko.
"W-wife.."
***
BINABASA MO ANG
Red's Secret
General FictionBook II of Nerd's Secret. Nasira sa book I, magkaayos kaya sa book II? O wala talagang chance ang marriage contract nila sa sarili nilang istorya? Highest Rank: #191 in General Fiction Ranking by now: #806 in General Fiction