C77: Choose✔

841 25 2
                                    

JACOB

Susugod na ako nang pinaputok ni Verdell Tan ang baril niya na tinutok ng mabilis sa direksyon ko. Di naman ako tinamaan. Napangisi tuloy ako, pero nagtaka ako kung bakit nakangisi din siya.

"M-mom.." Nanghihinang bumulong ang asawa ko. Dahan dahan akong napaharap sa likod ko. Tumakbo ako papalapit doon.

"Madam!" Sigaw ko.

"Redverne.." Tumatangis na wika ni Don Jarred.

"M-mahal kita.. J-jarred.." Bulong ni Madam Redverne.

Nagsusuka na siya ng dugo at nakahawak lang sa pisngi ni Don Jarred. Nakahiga siya sa binti ng Don. Magkatinginan sila at parehong umiiyak.

"K-kasalanan ko to!" Sigaw ni Don Jarred. "Nandito ka lang sa tabi ko pero inisip ko pa rin si Amanda." Wika pa ng Don, hinawakan niya ang nagdudugong dibdib ni Madam Redverne. Hirap na hirap na siya at parang mamamatay na ano mang oras. "D-di 'to dapat nangyari.." Bulong niya habang humahagulgol.

"O-okay lang.. m-masaya ako na n-nakasama kita.." Iyon ang huling sinabi ni Madam Redverne bago siya mawalan ng malay.

Napatingin sa kisame si Don Jarred at nagsimula siyang umiyak. Siguro ay sinalo ni Madam Redverne ang bala na dapat ay tatama kay Don Jarred, si Don Jarred kasi ang nasa likod ko kanina. Alam kong masamang isisisi sa Don ang lahat, pero di naman na dapat siya nangialam sa pagkamatay ng Amanda na yun dahil nandyan na si Madam Redverne. Masaya na silang dalawa at dapat nakuntento na lang.

"Lahat ng nasa paligid mo mawawala." Tumatawang sabi ni Tan.

Galit na tumayo si Don Jarred at dahan dahang inihiga si Madam Redverne. Pasimple akong bumulong sa device.

"Plan B, call a police and kill all Tan's men. We will save the Montavilla's. Wait for my command." Wika ko at umayos ng tayo.

Nagtutukan ulit ng baril sila Don Jarred at Tan. Napalingon naman ako kay Cloud Accordion. Alam kong hindi siya tauhan ng mga Montavilla, dahil kung oo, bakit na lang siya basta papayag na ipapapatay ng Don ang anak niya sa labas? Sigurado akong tauhan siya ng mga Tan, hindi basta basta makakapasok sa buhay nila Red ang mga Tan kung walang magsasabi.

.. at si Accordion lang ang may kakayahang magawa iyon.

RED

Gusto kong magalit kay Dad. If things didn't happen on the first place, baka buhay pa si Mom. Gusto kong itakwil siya bilang ama. But if things didn't happen, di ko malalamang may iba pa akong kapatid, di ko babalikan si Jacob. Di ako magtitiwala sa kanya ulit.

Kung di nangyari ang mga natapos na di ako naging masaya ulit.

Tsaka nagpunta sila Jacob dito para makipag-ayos kila Dad, hindi para makipag-away.

"Bitches always stays alive." Bulong ko kay Verdell, I make sure na siya lang ang nakakarinig. Tinutok niya pa lalo ang baril sa sintido ko. Ramdam kong tiningnan niya ako.

Lihim akong napangisi, mas magandang nasa akin ang atensyon niya dahil nakita ko kanina si Jacob na papalapit kay Cloud. Nasabi sa akin noon ni Fermine na tauhan siya nila Verdell. Sino naman kasing tauhan ang pinalayas na nga babalik pa? Shunga mo naman non.

"And you're hoping to stand still?" Mapang-asar niyang tanong.

"Not that." I answered. "Masasamang damo ang mga bitch you know that?" Sabi ko sa kanya. "Kaya kahit na patayin mo ako, I'll really stand still." I added na para bang iyon ang pinaka-obvious na bagay na di niya alam.

Red's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon