C54: Closure✔

1.1K 29 8
                                    

A/N: Please play: Hanggang Dito na Lang cover by: TJ Monterde, kapag nakarating na sila sa parke. Ulitin na lang ang tugtog dahil maikli lang iyon. Thanks. That's for better reading, it's your choice.

JACOB

Ang tagal ni Red. Ugh! Di ko na dapat sinabi yung mga nasabi ko. Di ko na naisip na kaya niya ako sinama dahil isang Mendeja ang kakausapin niya. Dapat hinabol ko na siya agad.

Nagtatakbo akong pumunta sa opisina ni Kiel, nabalitaan ko na kasi na ipinalit na siya ng ama niya. Paano na lang kung may gawin siya kay Red?

Napahinto ako sa pagtakbo nung mag-ring ang cellphone ko. Inis ko yung sinagot.

"Anong kailangan mo?" Galit kong tanong.

["Y-yuno n-naman----"]

"Huwag mo na kong tawagan Darline. If you want this marriage last manahimik ka diyan! Kasi ako, sawang sawa na ako sa mukha mo at sa boses mo!" Nanggagalaiti kong sigaw.

Tinago ko na ulit ang cellphone ko at tumakbo na ulit. Pero napahinto ako nang makita kong naglalakad palapit sakin sila Kiel at Red habang nagtatawanan.

Nag-init ang ulo ko.

"Get off of her!" Galit kong sigaw kay Kiel at hinatak na agad si Red.

"Ano ba Jacob! Nasasaktan ako!" Sabi sakin ni Red habang hatak hatak ko siya palabas ng building. Di ko na muna siya pinansin. Sa tabi ko siya pinaupo tapos mabilis akong naglakad papunta sa driver's seat.

"Ano bang problema mo?!" Galit na tanong sakin ni Red, pagkaupo niya.

Tiningnan ko lang siya. Nasasaktan ako. Naaalala ko pa noon di naman siya nagagalit sakin ng ganito, she's patience though nakikita ko ang pagka-irita sa mukha niya. She used to make me happy, hindi katulad ngayon na nasasaktan ako dahil..

.. dahil sa sarili kong pagkakamali na nagawa ko sa kanya.

Sana naging malakas ako.

"R-red.." Nanghihina kong tawag sa kanya.

Lumambot ang ekspresyon niya pero naging malamig din. Gustong gusto kong sabihin na mahal ko siya tapos katulad ng dati sasagot siya nang nakangiti.

"Why did you do that?" Malamig niya saking tanong.

'Please.. bumalik ka na sa dati, hindi ikaw to Red..'

"I'm jealous." Sagot ko habang nakatingin sa manibela, na para bang iiyak iyon para sa akin.

"Wala kang karapatang magselos, Jacob. If there's someone who have the right to, it's Verdell." She coldly said. "Drive to Blyntonn University, kakausapin ko ang adviser ni Jaicell." She commanded.

Pero di ako sumunod. Dumukdok lang ako sa manibela. Inaasahan kong sigawan niya ako, mas mabuti pang sigawan niya na lang ako dahil mas may emosyon siya kapag ganon. Di katulad kapag kalmado siya, ang lamig niyang makipag-usap.

Parang di niya ako minsang minahal, parang di niya ako naging asawa.

"Bakit ka ba kasi nagha-hire ng mga iresponsableng teacher?" Bakas ang pagkainis sa boses niya. Nagagalit siguro dahil may umaway sa anak nila ng Berde na yun at di man lang ata dumating ang adviser ni Jaicell.

Red's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon