RED
"Wala akong oras makipag-chikahan sayo Darline. Di ko trip ang mga biro mo." Irita kong sabi at tumayo na tapos lumabas.
I drive my car going to my office in Tan Co., kailangan kong dumalaw doon lalo na at wala si Verdell.
Psh. Anong mali sa ginagawa namin ni Jacob? Is it good? We had a closure, nagkabati kami, nagkalayo, then we moved on at nagalit kami sa isa't-isa realizing how stupid are we to still love each other before kahit na may mali talaga.
Well, di ko lang alam kung galit na rin si Jacob.
Di ko din alam ang nangyari kay Darline sa lumipas na limang taon. Ngayon ko na lang ulit nakita ang babaeng iyon. Di na ako takot sa kanya katulad ng dati. Naglayo na din kami ni Jacob para wala na silang mapatay kaya wala siyang pwedeng gawing mali if ever.
Hininto ko na ang kotse ko at bumaba na. Nagulat ako nang ma-realize ko kung saan ako napadpad.
It has been five years ago at nandito ako ulit sa bahay kung saan kami tumira dati ni Jacob. Tiningnan ko ang bahay mula sa labas. Medyo kinakalawang na ang gate dahil mukhang wala namang naglilinis dito, pero maayos pa rin ang itsura ng regalia namin.
I coldly look at it. Wala akong maramdaman sa bahay na ito kundi ang masasakit na alaala. Well, that memories made me stronger. Thanks to this.
Pero di mawawala sakin ang galit. Minsan lang ako magagalit at hindi ko malilimutang galit ako kung galit nga ako.
"Di ka makakapasok kung tititigan mo ang gate."
Dahan dahan kong nilingon ang nagsalita. At hindi ako nagkamali, kasing lamig ng boses niya noon ang boses niya ngayon. Si Jacob nga ang nagsalita. Naalala ko tuloy noong nakatitig din ako noon sa gate na 'to nung unang punta ko dito at sinabi niya ang mga iyon.
Pero tiningnan ko lang siya ng malamig.
"Ano pang tinitingin tingin mo diyan?" Masunget niyang tanong. "Pumasok ka na." Utos nito.
Para lang akong bumabalik sa nakaraan. Parang naging time machine ang kotse ko at binalik ako sa panahong ito, dahil iyon din ang mga sinabi noon sakin ni Jacob. Parang back to the future lang.
"Bakit naman ako papasok diyan?" Tinarayan ko siya. Naglakad na ako pabalik sa kotse ko at di na nagpaalam sa kanya.
"Kamusta naman ang panglulugi sa nanahimik kong kumpanya, Red?" Bigla siyang nagsalita nung sasakay na sana ako.
Nilingon ko siya. Inaamin kong nakakatakot masyado ang boses niya na malamig tapos tinawag niya pa ako sa pangalan ko. Nakakatakot isipin na minsan akong nagmahal ng isang yelo na nabibili lang sa tindahan sa halagang tres.
Pero mas nangingibabaw ang galit ko sa kanya para matakot sa boses niya. If he's building an ice barrier then I will melt it by my warm revenge. That's how I am.
"Masaya." I smiled coldly. "You deserve to lose everything, because at the first place you don't deserve anything." I added.
"You are ruining the peace, Lady." He coldly said. "Lumalabas tuloy ang galit ko sa pagkakaroon mo ng anak sa bagong asawa mo." He added.
"Wala akong pakialam sa nararamdaman mo, naiintindihan mo ba?" Sabi ko sa kanya.
He smirked. "So you know that you must be careful. Di lang ikaw ang galit Red." He said.
"Is that so?" Nakangisi kong sabi. "Di ako natatakot sayo kahit magalit ka sakin ng higit sa nararamdaman ko." I added at tuluyan ng sumakay ng kotse ko at pinaandar ang kotse.
Matapos ang medyo mahabang byahe dahil sa traffic ay nakarating din ako sa Tan Co. I sighed. Ito, ito ang totoong Tan Company at hindi iyong lumang bahay na iyon na naging lungga ng isang dragon dati.
Nakangiti akong binati ng mga empleyado namin ni Verdell. Bago pa ako makapasok sa opisina ay sumalubong sa akin si Deuce na nanggaling sa bakasyon. Lumuwas siya galing sa Paris. Bakasyon daw, iyon ang kwento ni Verdell sakin.
"Good morning Mrs. Tan." Bati niya sakin.
"Any appointment today?" I asked.
"May naghihintay po sa inyo sa loob Mrs. Tan."
"Okay." Sabi ko na lang at pumasok na sa loob.
I smiled sarcastically nang makita kung sino ang naghihintay daw sa akin. Ngayon ko na lang siya ulit nakita.
"Darwin Tyrone." Banggit ko sa pangalan niya. Bakit itong kapatid ni Darline ay malusog?
Psh. Ano bang plano nilang magkapatid? Sila lang ba ang makikita ko buong araw? Kanina si Darline ngayon si Darwin.
"Red." Seryosong tawag nito.
"Why? Are you going to give some shares?" I asked talking about business.
"This is not about business."
"Then what?" I asked.
He sighed. Baka tatawagin niya din akong sister? Nakakadiri naman, nagkagusto siya sakin at ganon din ako sa kanya. Tapos bandang huli 'sister' niya ako? Psh.
Ano bang tawag sa dramang ganito? Ang sarap bigyan ng title, nakakainis kasi.
"Family history."
Nado-double hit na ako ng family na yan ah. Kanina pa. Ano naman kayang istorya ngayon ni Darwin?
"Can you please just go straight to the point?" Irita kong tanong. Parang hindi siya yung dating Darwin na nakilala ko.
"Half sister mo si Tyress. Kapatid mo siya sa Papa mo." He said.
Nahawaan na ba si Darwin ng kapatid niyang mukhang dying cancer patient?
Napangisi ako at sarkastikong tinawanan si Darwin na nakatingin lang sakin.
"Mahal ni Dad si Mom. Paano siya magkakaanak sa iba?" I asked not believing them.
"Alam mong galing sa arranged marriage ang mga magulang mo. Parang kayo lang ni Yuno----"
"Huwag mo kaming ikumpara sa istorya nila Mom. Di naman sila naghiwalay noon ni Dad. Di naman niloko ni Dad si Mom." Makahulugan kong sabi. Sa halip na pansinin niya ang sinabi ko ay tumuloy siya.
"Di naman sila ganyan noon."
"Yea I know. They even thought na hindi magwo-work ang relation nila." Bored kong sabi. "Anong connect nun sa sinasabi mo?" Tanong ko pa.
"May nangyari sa Papa mo at kay Mama bago sila ikasal ng Mom mo." He said.
Tumawa ako ulit. Ano bang tingin nila sakin? Katulad ako ng dati na mahina at maniniwala basta makarinig ako ng malungkot na kwento? Ano bang tingin nila sa kwento nila? Pasado para sa MMK?
"Don't you fool me like I am gonna believe you." Malamig kong sabi. "Mas matanda ka kay Darline, saan ka galing, sa Dad ko rin?" Nanghahamak kong tanong.
"Di mo ba napansin na magkamukha kami ni Tyress? We are twins." He said.
There's no wonder, they really look a like with each other. Ano pa bang hindi ko alam?
***
BINABASA MO ANG
Red's Secret
General FictionBook II of Nerd's Secret. Nasira sa book I, magkaayos kaya sa book II? O wala talagang chance ang marriage contract nila sa sarili nilang istorya? Highest Rank: #191 in General Fiction Ranking by now: #806 in General Fiction