RED
Tiningnan ko ang oras pagkasabi noon ni Darwin. Di ko namalayang uwian na pala ni baby Jaicell.
"We'll talk some other time, Darwin. Susunduin ko lang si Jaicell." I said, tumango siya.
"Tomorrow. I'll be here." He said. "Don't tell others about this. Mapapahamak ka." He added at lumabas na. Maybe I should listen to him and do not tell others.
I stayed on Verdell's office for a moment. Parang hindi sila nagkikita ni Darline base sa pagkakapansin ko. Pero pareho sila ng sinasabi, na half sister ko si Darline.
Napangiwi ako ng maisip kong half brother ko si Darwin. Nagkagusto ako sa kalahating kapatid ko. That was incest. Totoo kaya ang mga sinabi nila?
Kung matitiis ko lang si Jaicell ay aalamin ko ang lahat mula kay Darwin ngayong araw na to. Pero wala akong tiwala sa Blyntonn ngayon dahil nandito na ulit si Jacob at galit siya sakin ng times two.
Nagmamadali akong bumaba ng office matapos kong tumunganga sandali para i-process lahat. Di ko na din pinansin si Deuce na nakatingin lang sakin. Nakaramdam tuloy ako ng duda kay Deuce, he's a loyal friend of Jacob.
Letting go all the thoughts ay mabilis kong pinaandar ang kotse ko papuntang Blyntonn. Kung bakit ba kasi wala akong makitang eskwelahan na pwedeng malipatan ni Jaicell.
Pagkarating sa school ay bumaba na ako at pumunta sa room ni Jaicell. Nakaramdam ako ng takot nang makita ko si Jacob na nakikipagtawanan sa anak ko. Galit siya. Di ko pwedeng hayaan na mapalapit si Jacob kay Jaicell, baka mamaya malaman ko na lang na nilason na siya ni Jacob.
Di naman kasi niya alam na dugo niya rin ang dumadaloy kay baby Jaicell.
"Jaicell." Ma-otoridad kong tawag sa anak ko.
"Mommy!" Malambing niya akong tinawag at mabilis na lumambitin sa leeg ko para yakapin ko siya. Pilit ko na lang siyang binuhat at yinakap kahit na sobrang bigat na ni Jaicell para buhatin pa.
"How are you baby?" Mahinahon kong tanong na puno ng paglalambing.
Tinuro niya si Jacob at ngumiti. "Nakilala ko si Tito Yuno, Mommy! He gave candies." Magiliw na sabi ng anak ko at kinuha sa bulsa niya ang kendi na bigay daw sa kanya.
Napatulala ako sa candy na iyon, magkakatotoo ba ang iniisip kong baka may lason iyon? Pero style ng mga kulto iyon. Di naman kulto si Jacob dahil sosyal siya masyado para gumamit ng gasgas na paraan. Kaya niyang ipadukot si Jaicell.
Pero huwag naman sana.
"She likes sweets." Komento ni Jacob na para bang isang ama na nakatingin kay Jaicell. Kinakabahan ako, paano kung malaman niyang anak niya si Jaicell? Galit siya sakin at baka magulat na lang ako na binabawi na niya sakin ang anak ko.
"Anong sabi ni Mommy sayo?" Tanong ko.
"Don't talk to strangers?" Hindi siguradong tanong ng anak ko. Madami na din kasi akong nasabi sa kanya.
"What have you done now, baby?" Mahinahon ko pa ring tanong.
"Mommy, Tito Yuno will always be a stranger if I don't talk to him." Matalinong sagot ng anak ko. Namula ako. Hindi dahil sa galit kundi sa hiya. May punto naman ang anak ko sa sinabi niya.
"Mr. Yuno, right?" Baling ko kay Jacob na kunwari ay di ko siya kilala. Nawala ang mga emosyon sa mata niya at malamig niya akong tiningnan.
"Why?" Pilit niyang kinakalma ang boses niya habang nakikipag-usap sakin. Psh. Mahal na mahal niya ang kumpanya niya ah? At seryoso siyang galit siya sakin.
BINABASA MO ANG
Red's Secret
Aktuelle LiteraturBook II of Nerd's Secret. Nasira sa book I, magkaayos kaya sa book II? O wala talagang chance ang marriage contract nila sa sarili nilang istorya? Highest Rank: #191 in General Fiction Ranking by now: #806 in General Fiction