RED
Nakauwi din naman kami pagkatapos naming maligo at kumain doon sa dagat. Actually, that was a beach resort. Ang galante naman ng dead boyfriend ni Fermine.
Napapikit ako at nag-unat unat.
"I'm so tired." I said pagkapasok namin sa kwarto. "Ang sakit pa ng pagitan ko." I added.
"What happened po ba Mommy?" Tanong ni baby Jaicell.
Agad akong napadilat. Stupid Red. Nandito pa ang anak mo. Ugh. Di ko na talaga sasabayang maligo si Jacob. Kaso di na ako makakapaglaro ng bula at wala ng magbibihis sakin. Aish. Napanguso na lang ako habang iniisip ko iyon.
Parang di ko na tuloy kayang maligo mag-isa. Yung kamanyakan kasi ni Jacob e. Psh.
"Ah... eh... ihh.. ohh.. hehe?" Di ko malaman ang isasagot ko.
Kinarga naman ni Jacob si Jaicell at pinahiga sa kama, nakabihis naman na kasi kami ng pangtulog e.
"Sleep now baby." Sabi ni Jacob. "Mommy's not feeling well." He added.
Wala naman akong lagnat. Masakit kako yung nasa pagitan ko. Aish. Sabagay, ano namang ibang bagay ang pwedeng idahilan ni Jacob bukod dun?
"May sakit si Mommy?" Pagtatanong ng anak ko. Manang mana sa ama niyang unlimited din magtanong. Tanging katarayan lang ata sa ibang tao ang namana ni baby Jaicell sakin at ang pagiging matalino. Kaso ang katalinuhang iyon ay sinasakop ng ka-shunga-han ng ama niyang dragon.
Syempre joke lang. Ang harsh ko namang asawa nun diba?
"Yes." Sagot ni Jacob. "Pero aalagaan siya ni Daddy, okay? Kaya matulog ka na baby para maalagaan ko na si Mommy." Jacob added.
Di ata maganda kutob ko dun. Kailangan talaga tulog si baby Jaicell? Di niya ba ako maalagaan kapag gising ang anak namin? Pakiramdam ko may mangyayaring round two, pero wala namang lugar.
Aish! Why am I even thinking about that?
"Okay Daddy." Sagot nung anak namin. "Good night Mommy and Daddy." She said before she sleep.
Nakatulog din siya dahil nasa tabi niya si Jacob. Nakikita naman din niya akong nakaupo lang sa upuan.
Napabuntong hininga na lang ako. Di kami tunay na annul ni Jacob, and it means na asawa niya ako. Pero kasal din ako kay Verdell. Speaking of him, di na siya ulit tumawag. Di ko naman din siya namimiss. Tuwing nandito talaga si Jacob siya lang ang taong iniisip ko. My attention is diverted into him, wala siyang ginagawa doon dahil kusang ginagawa iyon ng sistema ko.
Sino kaya ang The Legal Husband sa kanilang dalawa? Mukhang ngayon na nagsisimula yung naudlot na movie ni Kiel. Psh.
"Wife." Nagulat ako ng nasa harapan ko na pala si Jacob. Nakasandong itim siya at puting jogging pants. Hot.
"Of course I am hot." He said.
Nagulat ako. Did he read my mind? Or did I say it loud? Nakakahiya! Ugh. Binabalak ko pa namang magpakipot kay Jacob. Sweet kasi siya kapag pakipot ako. Ugh.
"Shut up." I just said. "Bakit di pa tayo sumabay nang tulog kay baby Jaicell? Pare-pareho naman tayong pagod." I added.
"Gagamutin ko yung nasa pagitan mo." He said smirking. "I just have to kiss it para mawala ang sakit." He added.
BINABASA MO ANG
Red's Secret
Ficción GeneralBook II of Nerd's Secret. Nasira sa book I, magkaayos kaya sa book II? O wala talagang chance ang marriage contract nila sa sarili nilang istorya? Highest Rank: #191 in General Fiction Ranking by now: #806 in General Fiction