RED
"Kamusta siya Doc?" Seryoso kong tanong sa doctor na kalalabas lang ng suit ni Darline.
"Over fatigue lang Mrs. Tan. Kailangan niya lang magpahinga at bumawi ng tulog. Pakainin niyo din siya ng masusustansyang pagkain para maka-recover ang katawan niya ng mabilis. Na-stress din kasi siya." Sagot sakin ng doctor.
"Salamat po." I said.
Pumasok na ako sa suit ni Darline. Nakita ko siyang nakahiga at nakatitig lang sa kisame.
"Di ko akalaing matapang ka." Sabi niya sakin.
Duwag lang pagdating sayo. Sabi ko na lang sa isip ko. Napabuntong hininga ako.
"Alangang matakot ako." Sagot ko na lang. "Wala namang kapala-pala doon." Dagdag ko pa.
"Siguro ayaw mo lang pantayan ang lebel ko kaya di mo ako pinapatulan noon." Sagot niya sakin.
Buti alam mo. Psh. Aish, wala akong oras para makipag-away pa kay Darline. Ugh.
"Past is past, Darline." Sabi ko na lang. "How are you?" Pangangamusta ko.
"Ayos na ako." She answered. "Thank you." Sabi niya pa.
Tiningnan ko siya na para bang ibang tao ang nasa harap ko ngayon. Marunong naman pala siyang magpasalamat. Psh.
"Good that you are safe. Kawawa ka naman kung mapupunta ka sa impyerno." Iwas tingin kong sabi. "Huwag ka ding magte-thank you, di bagay sayo. Para ka nang mamamatay." Dagdag ko pa.
Tumawa siya. Actually, first time kong marinig na tumawa si Darline. Pakiramdam ko kasi sumasaya lang siya sa pananakit ng iba at kinakatuwa niya talaga iyon.
"Concern ka ba sister?" She asked.
"Why would I?" Nagtaray na lang ako. Pero sa totoo lang, nag-aalala ako sa kanya kanina. Kahit sabihin kong wala siyang ginawang mabuti noon ay kapatid ko pa din siya. "Konti na lang ang napupunta sa langit, nakakakonsensya naman kung hahayaan kitang mapunta sa impyerno. Psh." Sabi ko pa.
"Kung alam ko lang na kapatid kita di ko gagawin ang mga nagawa ko sayo. Sana nagpaubaya na lang ako." She said.
"Di ko na mahal ang taong tinutukoy mo. Libreng libre na kayong magpakasal sa kanya at wala na akong pake doon." Sabi ko at umupo na lang sa upuan malapit sa hospital bed na hinihigaan niya.
"No." She said. "Mahal mo siya." She added kaya napataas ako ng kilay.
"Makarunungan ka pa sa feelings ko? Sa pagkakaalam ko puso ni Leine ang binigay sakin, hindi puso mo." Irita kong sabi.
Baka kung naging maganda ang simula namin ni Darline ay yinakap ko siya ngayon at umiyak ako dahil sa wakas meron pala akong kapatid. Kahit ba sabihin kong anak siya sa labas ni Dad. Kaso, di ko maatim isipin yung katotohanang nagkagusto ako kay Darwin. Ugh. That was really, really, incest.
"Di ka maiirita ng ganyan kung wala ka ng feelings para kay Yuno." She said. "Nung maghiwalay pa lang kami nung highschool alam kong di niya ako ganon kamahal. Kaya nga hiningi ko ang atensyon noon ni Von. Di ko naman akalaing makikipaghiwalay siya." Kwento niya pa.
Tiningnan ko lang siya. Sa totoo lang, di naman ako interesado sa kwento ng buhay niya noon kasama si Jacob dahil wala naman akong magagawa doon. Kung ako sa kanya, sinulat ko na lang sa yellow paper ang kwento niya, nilagay sa sobre at ipinadala sa MMK, bukod sa mapapanood ng iba ay may mapapala pa siya.
"Alam mo naman palang di ka mahal, tapos nagpakasal ka noong mag-propose?" Tanong ko na may halong pagkainis.
Ngumiti siya sa naging sagot ko. Natuwa ba siya sa sagot ko? Ano namang nakakatuwa dun? Natutuwa ba siyang narealize niyang wala siyang common sense nung panahong nagpakasal siya sa taong alam niyang di naman siya mahal. Psh. Di ko akalaing half sis ko si Darline, mas matalino pa rin ako sa kanya.
"I was forced to do so." Kibit balikat niyang sagot. "Noong mag-asawa kami, wala akong ibang ginawa kundi maghabol. Magpuyat kakahintay sa kanya. Nalilipasan pa ako ng gutom na tinitiis ko para lang makakain kasabay siya pero lasing lang naman siya." Nagsimula na siyang umiyak.
"But it's still you for him. Alam kong ikaw ang mahal niya. Pero alam ko ring mahal na mahal ko siya. Gusto kong mag-try noon kasi baka mag-work, diba? And we all thought that you are dead. Pero puro rejection lang ang napala ko for four years." She stated.
"Natuwa pa ata ako nung malaman kong nagkaroon kayo ng closure at aalis na siya at makikipag-annul sakin. I'm was too hurt to stop him." Kwento pa ni Darline.
Mata-touch na sana ako kaso na-realize kong dragon si Jacob at natural lang sa kanya ang ganon. Wala naman talagang puso yun. Manloloko pa. Akala niya ba kina-gwapo niya yung pananakit niya samin ni Darline? Hindi. Kina-dragon niya yun. Pinatunayan niyang isa siyang flame thrower.
"Kung alam mo namang di ka mahal.. e bakit mo pinapirmahan sa kanya yung annulment papers nung lasing siya? Kinuwento sakin yun ni Leine, don't you dare to lie." Sabi ko kahit na nasabi lang iyon ni Leine sa sulat.
Kung di lang ako mahina noon dahil sa pagbubuntis at sa sakit ko ay baka nagkausap pa kami at nagkapatawaran. Pero ewan ko ba, it feels like we're living in regrets.
"I'm desperate to have him. Tsaka may nag-utos sakin." She said.
"Sino?"
"Mataas siyang tao para sabihin ko sayo. Hindi sa binabaliktad kita sister. Kating kati na kong sabihin sayo kung sino, pero di ko ma-timing-an." Sabi niya sakin.
Napatango na lang ako. Halata nga, tatlong pamilya na ang ginugulo niya.
"Siya din ang dahilan kung bakit kayo nagkalayo ni Yuno. Siya ang may kasalanan ng lahat. Kung bakit kayo magkagalit." Sabi niya pa.
Napataas ako ng kilay habang nakatitig sa kanya. Pareho sila ng sinasabi ni Darwin. Ang pinagkaiba lang nila, si Darline alam kung sino, si Darwin hindi.
"Di na ba kayo nagkikita ni Darwin?" Tanong ko para makasigurado.
"Tumira kami sa iisang bahay ni Yuno kaya umalis ako noon sa amin. Mag-isa lang din naman ako bandang huli dahil sa dating bahay niyo dati natutulog si Yuno. Di ako makabalik dahil baka mamatay ako ng hindi nakakabawi sayo."
"Paano ka naman babawi sakin?" I asked.
"Tutulungan kitang makilala kung sino ang pasimuno nito at kung paano mo siya mapapaamin."
Sabagay, magaling magpa-amin si Darline ng tao.
"Di ibig sabihin na bumabawi ka ay bati na tayo. Psh. Pinatay mo pa din si Leine." May inis kong sabi.
"Si Cloud Accordion ang may gawa non. Napag-utusan siya."
Ilan pa ba ang napag-utusan ng taong iyon?
***
A/N: Namimiss ko na ang #TeamBlynt.
BINABASA MO ANG
Red's Secret
General FictionBook II of Nerd's Secret. Nasira sa book I, magkaayos kaya sa book II? O wala talagang chance ang marriage contract nila sa sarili nilang istorya? Highest Rank: #191 in General Fiction Ranking by now: #806 in General Fiction