C46: Revenge✔

1.2K 29 3
                                    

RED

"Mr. Blynt hinihintay na po kayo ng mga freshmen sa gym." Napatigil kami ni Verdell sa paglalakad nang marinig namin ang boses ng lalaki na nagsalita. Mr. Blynt? Nasa likod namin siya?

"Di niya ako pwedeng makita." Bulong ko.

"He will not." Verdell assured kaya napahinga ako ng maluwag.

"Okay. I'll be there in a minute." Sagot niya.

Masyadong seryoso ang boses niya, di katulad dati. He is like a broken man now, cold, wala na ang dating siya na makasat kausap kahit na medyo bugnutin. Sabi na nga ba e, di bagay na maging mag-asawa ang parehog dragon. Psh.

"Okay Sir." Sagot nung tauhan siguro dito sa University at umalis na rin, dumaan pa nga sa harap namin e. Janitor ata sa Blyntonn.

Lumiko kami ni Verdell sa may tapat ng kotse namin para sumakay na at hindi na makita pa si Jacob.

"Hey." Lalo akong nanigas ng tawagin niya kami. Hinarap naman siya ni Verdell. "Are you a student here?" He asked strictly.

Psh. Parang di siya sumusuway dati sa rules kung makabawal ngayon. Iniisip niya bang estudyante kami at nagka-cutting kami? Siya i-cut ko e. Iniinis ako.

Sabagay, sa edad ko dapat nag-aaral pa lang ako ngayon. Pero wala e, maaga akong nag-asawa at nag-anak kaya maaga rin akong nagkatrabaho.

"No. We are a parent." Seryosong sagot ni Verdell.

"You sure? E yung babaeng kasama mo, bakit ayaw humarap? Baka estudyante dito yan, di pwedeng mag-cutting dito." Ganti naman ni Jacob. Ayaw niya talaga magpatalo sa ganito. Parang bata lang, ang kulet. Pakielamero pa, bakla talaga.

"She's not a student here." Sagot naman ni Verdell at tinago ako sa likod niya. Nakatalikod lang ako at di ko alam ang gagawin ko. Napapahagulgol na din ako at si Verdell lang ang nakakarinig.

His voice is tearing my heart. Pakiramdam ko kasalanan ko kung bakit naging ganyan si Jacob, pakiramdam ko pabaya akong asawa at hinayaan ko siya na maging yelo. Pero di ko na iyon kapabayaan, di na niya ako asawa. Di na pwede pa.

Because I'm dead.. for him..

"Make sure of that Mister. Kapag nalaman kong cutting ang babaeng iyan, iki-kick out ko siya dito at wala na siyang ibang eskwelahan na mapapasukan." Banta ni Jacob.

"She's my Wife, for sure." He said. "Right my Red?" Sabi ni Verdell at inikot ako para mayakap niya ako, nakaharap ako sa dibdib niya, dumukdok ako doon.

"Don't cry, please." Bulong niya sa akin, napatango ako sa sleeves niya ipinunas ko doon ang mga luha ko.

"R-red?" Pag-uulit ni Jacob. "I mean, f-fine." He added at alam ko ngayon na umalis na siya kaya naman umiyak na talaga ako sa dibdib ni Verdell.

Gago talaga siya, kelan pa naging 'fine' ang 'red'? I mean fine daw e ang layo nun sa red. Nakakainis talaga minsan yung pagiging utak bungo ni Jacob. Kaya ang sarap kana-kanain nung isang yun e. Galing kasi magpagalit.

"Stop crying, Red.." Bulong sakin ni Verdell at hinalikan ako sa tuktok ng ulo ko, ang liit ko kasi kaya niya abot, nakakainis.

Tumigil na din ako sa pag-iyak, nagsuot ako ng shades na nasa kotse ni Verdell, ayokong namumugto ulit yung mata ko, mukha kayang kinagat ng ipis minsan, nakasakay na ako sa shotgun seat at sasakay na rin sana si Verdell nang dumating si Jacob, naiwan tuloy bukas ang pinto sa driver's seat kaya maririnig ko sila kung mag-uusap sila.

Red's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon