C63: Kidnapped✔

905 26 0
                                    

RED

Ang tagal naman ni baby Jaicell. Ugh. Nandito lang ako sa bahay namin at naghihintay kay Mang Ernesto na dumating kasama si Jaicell. Nag-aalala na ako at palakad lakad na ako dito sa harap ng bahay namin ni Verdell habang nakatitig sa cellphone ko.

Agad ko iyong sinagot nang makita ko ang numero ni Mang Ernesto na tumatawag.

"Hello po? Nasaan na po kayo? Ang tagal-------"

["Nawawala po si Young Lady, Lady Red. Kanina pa po ako naghihintay pero wala naman pong lumalabas. Pagpasok ko po sabi wala na daw p-----"]

"Damn! Papunta na ako." Taranta kong sabi at mabilis na sumakay sa kotse at pinaandar iyon nang mabilis papuntang Blyntonn.

.

.

.

.

"Wala ba talaga sa room niya Manong?" Tarantang tanong ko.

"Wala po talaga Lady Red." Sagot niya.

"Saan ba madalas na nadadaan si Jaicell?"

"Sa c.r po Lady. Puntahan ko na po pa----"

"No. Ako na ang pupunta. Salamat manong." Putol ko sa sinasabi ni Manong at mabilis na nagpunta sa mga c.r. Pero wala akong makitang anino ng anak ko.

Isang c.r na lang ang di ko napupuntahan.. ang c.r sa gymnasium. Ugh. Ayoko na sana magpunta doon e. Pero no choice, si Jaicell na ang usapan.

"Baby Jaicell?" Patanong kong tawag but I received no response.

Umalis ako sa gym at bagsak ang balikat kong naglalakad. May isang lugar pa akong hindi napupuntahan...

Ang office ni Jacob.

Kung ayaw kong magpunta sa gymnasium mas ayaw ko naman sa office niya. Makita ko pa lang siguro yung pinto ng office niya nasusuka na ako. Psh.

Paano naman mapupunta don si Jaicell kung sakali? Bandang huli ay tumakbo na lang ako papunta roon. Buti na lang at di ako nakapang-alis. Naka-jogging pants lang ako na puti at gray na sando tapos tsinelas kaya di ako masyadong nahihirapan sa kakatakbo ko.

"Jaicell?" Halos umiiyak kong tanong. Pagod na pagod na ako kakatakbo at kakahanap sa anak ko.

Napatigil ako sa pagtakbo at napakapit sa pader. Yumuko ako para ipahinga ang sarili ko.

"Nasan ka na ba kasi, anak ko?" Nanghihina kong tanong. Tumingala ako ulit at nagsimulang maglakad. Ang dilim na ng hallway, wala na atang pondo para sa ilaw si Jacob, nalulugi na ata. Psh.

Ugh, dapat isipin ko si Jaicell bago si Jacob na walang malay.

Paano na lang kung may dumukot sa anak ko? Paano na lang kung wala na pala siya dito? Napaluha na naman ako at unti unting napaupo sa may gilid ng pinto ng office. Lalo akong nanghihina.

"B-baby Jaicell.. nag-aalala na si Mommy sayo." Bulong ko pa habang humahagulgol. I feel so hopeless. Para akong dudurugin. Ni hindi man lang niya nakilala ang tunay niyang ama.

Napatayo ako ng makarinig ako ng kalabog. Nanginginig ang mga kamay ko. Yung buhay ko parang bigla na lang napunta sa Mystery/Thriller na genre tapos may kasama pang Horror.

Napaatras pa ako ng may marinig na naman ako. Nakatapat na ako sa pinto ng office na medyo nakabukas. Hanggang sa makakita ako ng anino na papalapit sakin. Di rin nakatakas sa paningin ko ang hawak niyang kutsilyo na kumikinang pa sa sobrang talim.

No.. aalamin ko pa kung sino ang dahilan ng lahat ng nangyari samin. Aalamin ko pa ang totoo at hahanapin ko pa ang anak ko. No, I'm not ready to die.

Agad akong pumasok sa principal's office bago pa makarating sa pinaroroonan ko yung anino na nakita ko. Agad kong ni-lock ang pinto at sumandal doon.

"Jaicell, please be safe.. be safe.. masamang damo ang ama mo, siguro naman mamamana mo yung pagiging dragon niya.. b-be safe." Mahihina kong bulong habang hinang hina. Damang dama ko ang takot. Hindi katulad noong nasa sinapupunan ko pa si baby Jaicell na malakas ang loob ko dahil parang tinutulungan niya ako.

Ngayon wala sakin ang taong nagpapaalalang dapat akong mabuhay.. dapat akong lumaban.

"Nasan nga ba si Jaicell?" Napatingin ako sa lamesa ng principal at ngayon ko lang napansin na may tao roon. Pero hindi si Jacob ang tao. Di ko pa kilala.

Sinubukan kong buksan ang ilaw pero pundido pala. Naghihirap na ba talaga ang Blyntonn?

Lumapit sakin ang taong iyon pero naglakad ako palayo. Bandang huli na corner niya rin ako. Nag-ikutan kasi kami, nasa corner ako kung saan halos katabi ko na ang bintana na katapat ng principal's table.

"A-anong kailangan mo? S-sino ka?" Puno ng takot kong tanong.

Lumapit siya sakin hanggang sa makita ko ang mukha niya dahil sa liwanag ng buwan na nanggaling sa bintana.

"Bakit yata natatakot ka ngayon? Nung una kitang pinadukot matapang ka." He said.

"D-di ako takot." Sabi ko na para bang halatang di ako takot. Psh. Di talaga mahahalatang takot ako sa pananalita pa lang. Ugh.

"Don't lie." He said.

"Na sayo ba ang anak ko?" Nanghihina kong tanong. Kung nasa kanya, paano na lang malalaman ng anak ko kung sino ang tunay niyang ama? Hangga't maaari sana gusto ko ako ang makapagsabi sa kanya, o kahit si Fermine o kundi man ay sina Mom at Dad na lang.

"Oo." Nakangisi niyang sagot.

I sighed. Bago man lang ako mamatay sa kamay ni Kiel gusto kong maging totoo man lang.

"Pinagbubuntis ko noon si baby Jaicell. N-naglilihi ata ako noon at lumalabas ang k-kasungitan ko." Sabi ko sa kanya.

"At hindi mo pa kilala noon si Mr. Tan." Sabi niya sakin na halata namang nagdududa.

"What do you know about my daughter?" I asked.

"Kasi iyon ang hadlang para makuha kita mula sa Tan na iyon!" Galit niyang sigaw. Galit pero di ko naman makita sa mata niya yung galit. Niloloko niya ako. I'm sure of that, kahit natatakot ako nakikita ko iyon.

"That's because.."

"Because?"

"Papatayin mo ba ako, Kiel?" Malungkot kong tanong.

"Oo. Mas mabuti na yun kaysa mapunta ka sa iba." Sabi niya at nakikita ko na this time sa mga mata niya ang katotohanan sa sinasabi niya.

Napapikit ako ng mariin. Kung mamatay man ako, gusto kong malaman ng anak ko kung sino ang tunay niyang ama. Ayokong habang buhay na ipagkait sa kanya iyon. Lalo na at lumaki akong nasa piling ng tunay kong ama. Bago ako mamatay gusto kong maramdaman sa sarili ko na naging mabuti akong ina, naging mabuti akong tao.

"B-bago mo ako patayin.." Naluluha kong sabi. "Gusto kong malaman mong anak namin ni Jacob ang dinadala ko noon.. a-anak namin si Jaicell, kaya nga iyon ang pangalan niya diba? B-bago mo ako patayin.. gusto kong sabihin mo sa anak ko kung sino ang tunay niyang ama at huwag na h-huwag mo siyang gagalawin." I added.

Ngumisi siya sa akin bago takpan ang bibig ko para sa isang pangpatulog. Pero bago ako makatulog ay narinig ko ang malakas na pagkalabog ng pinto.

Jacob..

***

Red's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon