C59: Cellphone✔

924 26 1
                                    

RED

Natigil na din sila sa kakatawa. Napagod na din si baby Jaicell at nagpakarga na kay Jacob. Di naman siya nagreklamong pagod siya at basta na lang natulog habang karga karga ni Jacob. Bumalik din ang walang emosyon na mukha niya, parang ewan lang, diba?

"Tulog na si baby Jaicell. Mamili na tayo." Sabi ko sa kanya.

"Okay." Simpleng sagot niya. Sinundan ko na lang siya.

Minsan nagtataka ako kung di ba nagtataka si Jacob na 'Jaicell' ang pangalan ng anak ko pero ang tatay daw ay si Verdell. Pero okay ng hindi niya pinapansin. Kung matalino sana si Jacob edi sana na-realize niyang anak niya si baby Jaicell kaya iyon ang pangalan niya, at kung bakit ganon ang edad ni Jaicell.

May feelings pa kasi ako kay Jacob nung pangalanan ko ang anak namin. Kaya nga kinuha ko ang Jaicell. Pero 'Red' na ang sinunod kong pangalan kasi naisip kong ang duga. Kapag lalaki Jacob Blue, may Jacob, may pangalan niya. Tapos kapag babae Jaicell Scarlet? Nasan na ang pangalan ko diba?

Binigyan ko lang ng hustisya. Iisa na nga lang ang pangalan ko di ko pa maibibigay sa anak ko.

"Dito lang pala." May bahid ng inis na sabi ko. Katabi lang kasi nung stall yung restaurant na kinainan namin kanina.

"I just don't wanna spoil the moment for Jaicell Red." Malamig niyang sabi.

Tiningnan ko siya na parang galing pa siya sa sumabog na Pluto at nagtataka ako kung paanong napunta siya dito dahil wala namang spaceship doon.

"Are you affected?" Malamig kong tanong. Nagulat siya at natulala saglit.

"O-of course not." Mariin niyang sabi sakin. Now it's my time to laugh. Pero di naman ako kasing OA niya, saglit lang ako tumawa. "What are you laughing at Lady?" Masunget niyang tanong nang matapos ang saglitan kong pagtawa.

Nawalan na lang ulit ako ng emosyon. Gustong gusto kong ngumuso kasi tinatawag niya akong 'Lady', dumagdag pa siya kay Fermine. Ugh.

"Ano bang pake mo?" Sagot ko na lang. "Alin ba yung candy na binili mo?" Tanong ko.

Muntikan pang mawala sa isip ko na nangako ako ngayon ng appointment kay Darwin. Wala pa naman akong number nun. Nasa Tan Co. pa rin kaya siya?

Tinuro naman iyon ni Jacob, dahil karga niya si baby Jaicell ay ako na ang nanguha ng mga candy. Naramdaman ko ang pagtambol ng puso ko dahil sa scenario namin ngayon. Nakatingin lang ako sa hawak kong candy nang makita kong may tumulong luha doon.

H-huh? Lumuha ako?

"Ay Ma'am! Good afternoon po. Masarap po yung candy na napili niyong mag-asawa. Mabenta po talaga sa mga bata yan." Wika nung saleslady.

[✔]

Agad akong napapunas ng luha na di ko alam kung saan ba galing. May kumausap kasi samin na echosera. Tiningala ko yung nagsalita.

"Maganda kasi taste ng anak ko kaya masarap talaga ang napipili niya." Mataray kong sabi. "Di ko nga pala asawa ang kasama ko Miss." I added.

Napasimangot siya dahil sa sinabi ko.

"Sayang, bagay pa naman po kayo." She said at tiningnan ang anak ko. "Kahawig pa po kayong dalawa ng anak niyo, Ma'am." Dagdag pa nito na kinalaki ng mata ko.

Red's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon