C44: Smiles✔

1.2K 29 0
                                    

RED

"Sino yun Mommy?" Tanong ni baby Jaicell pagkababa na pagkababa ni Verdell ng tawag. Natameme ako at hindi ko alam ang isasagot ko. Sasabihin ko bang..

.. 'Daddy mo yun, anak. Kaso may asawa ng iba kaya wala na tayong lugar sa kanya.'

Ang harsh diba? Ugh! Anak ko na ang nagtatanong. Anong isasagot ko? Bandang huli ay tiningnan ko lang ang anak ko at alanganing ngumiti. Di ako kinakabahan sa ganito, pero kapag si Jaicell na ang pinag-uusapan nanghihina ako.

Nanghihina sa katotohanang pinagpalit siya ng ama niya para sa negosyo na kayang ibigay ng mga Cortes, sa pag-aakalang patay na ako at wala na silang mapapala samin, sa mga Montavilla.

"Baby, that's a wrong number. Tsaka mukhang lasing ang tumawag." Si Verdell ang nagsalita.

Tama, halata nga sa boses ni Jacob na lasing siya. Ang aga aga nag-iinom, sa tingin ba niya ikakalusog niya yun? Kung gusto niya ng mamatay barilin niya na lang yung sarili niyang ulo, di yung papaunti-unti pa siya sa pag-inom ng alak.

I'm not concern, I just know the basics. Psh. Or maybe he better choose to live than killing himself, slowly. Ugh. Why would he think of that, anyway? Baka masaya siya ngayon sa piling ni Darline.

"And he knows Mommy?" Nagtanong pa ang anak ko.

Sa dinami dami naman kasi ng maling pwedeng numero na matawagan niya, bakit numero ko pa? Ano yun, destiny ganon? Ayoko na, nakakagalit na yun kung ganon.

Namula pa ako nang maalala ko yung sinabi ni Verdell sa tawag..

"Sino to? Why are you calling my Wife?"

Wife.

Am I missing those? But no, I moved on.

"Alam mo ba kung paano ko nakilala ang Mommy mo, baby?" Malayo sa tanong ni Jaicell ang sinagot ni Verdell. Feel na feel naman niyang asawa niya ako. Psh. Buti walang alam sa marriage ring ang anak ko at di niya na mapapansin yun.

Nakita ko naman ang pagtataka sa mukha ni Fermine. Ako naman, napangiti ng maalala ko iyon.

•••

"Nasan yung boss niyo?!"

Papunta pa lang ako sa office ko ng may marinig akong sumisigaw, siguro mga dalawang dipa ang layo mula sa likod ko, lalaki e.

Ang lakas hanapin yung boss ng mga empleyado ko, e kung palabasin ko kaya siya? Ginagalit ako. Psh. Di naman din mukhang lasing.

"Hoy ikaw Red!" Nagulat ako ng konti ng tawagin ako ng boses ng lalaking iyon. He knows me? Humarap naman ako.

Red's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon