RED
Kung hindi ako nagkakamali, pang-isang buwan ko nang comatose ngayon. Isang linggo na din akong kumakain ng prutas nang palihim, at isang linggo na ding pinag-aawayan nila Fermine at Kiel kung sino ang kumakain non. Minsan gusto ko na lang na matawa sa kanila.
Nakadilat ako ngayon kasi ang hirap nung lagi kang nakapikit kahit gising ka na. Psh. E kung ngayon na lang kaya ako magpanggap na nagising? Tapos, iyon na, may amnesia ako.
Pumikit ako kaagad nung marinig kong may gumalaw ng door knob. Sino naman kayang pumasok?
"Miss Red." Narinig kong tawag sakin. Kanino nga pala ang boses na to? "Gumising ka na Miss Red." He said, tumawa pa siya ng mahina, yung malungkot na tawa. Ewan ko ba sa mga tao ngayon, malungkot na nga nakakatawa pa. Ang sarcastic nila sa sarili nila. Psh.
Hindi ako tuminag at nagtulug-tulugan pa din. Kapag comatose ba gigising agad kapag sinabi mong gumising ka na? Psh.
"Naalala ko pa noong tinawag mo kaming ninja turtle ni Pareng Yuno.." He stated, si Deuce to, siya lang naman ang kasama noon ni Jacob sa kalokohan nilang iyon. "Nagseselos kasi ang g*go kay Pareng Darwin." He added.
Di ko napigilang mapangiti pero saglitan lang. Nakita niya kaya? Kasi naman, nagkukwento pa ng ganon, nakakakilig kaya yun. Yung kinidnap ka kasi nagseselos. With costume and props pa.
"Ngumiti ka Miss Red?" May gulat sa tono ng pananalita niya. Di na siya ulit nagsalita, siguro ay naupo na siya.
Maya maya ay bumukas na ang pinto.
"O, bakit para kang nakakita ng multo?" Boses ni Ferms. Ibig sabihin natakot si Deuce. Sayang di ako makatawa at di ko makita.
"Ngumiti si Miss Red, Quins. Nakita ko yun." Seryosong sabi ni Deuce.
"Ha? May tumutulong luha sa kanila, oo. Pero yung ngingiti?" Sabi ni Ferms at tinawanan si Deuce. "Imagination mo lang yun. Baka minumulto ka lang ni Lady." She added.
Tinakot pa yung tao. Hays. Iba tong si Ferms e, kung makasabi ng nagmumulto ako para namang patay na ako.
"Buhay pa si Miss Red kaya paano ako mumultuhin? Baka ngumiti lang talaga si Miss Red." Sagot naman ni Deuce. Buti naman naisip niya yun. Baka matuluyan pa ako dito sa pinag-iisip ni Ferms.
"Pagala gala kaya ang mga kaluluwa ng mga comatose." Sabi pa ni Fermine.
"You still believe such things?" Seryoso ang boses ng pagtatanong ni Deuce.
Di ko na napigilan at napangiti ako ulit. Kaso saglit lang. Natatawa kasi ako. Pati kaluluwa ng mga comatose nadamay pa. Hays. Ito talagang si Fermine ang lawak ng imagination.
"N-ngumiti s-siya.." Nanginginig ang boses ni Ferms.
"U-ulit?" Si Deuce naman. Damn, ang shunga nila. Di man lang nila naisip na baka gising na ako.
Siguro tumango si Fermine kaya wala na ulit nagsalita. Maya maya ay bumukas sara na naman ang pinto. Sino naman kayang pumasok ngayon?
"What's with the serious faces?" Boses ni Kiel.
"Ngumiti si Lady, Kiel." Nagsalita si Fermine. Siguro sa ngayon, seryoso na talaga si Deuce.
"O baka pati yan ibibintang mo sakin?" Tanong ni Kiel.
BINABASA MO ANG
Red's Secret
General FictionBook II of Nerd's Secret. Nasira sa book I, magkaayos kaya sa book II? O wala talagang chance ang marriage contract nila sa sarili nilang istorya? Highest Rank: #191 in General Fiction Ranking by now: #806 in General Fiction