C80: Last Chapter✔

1.1K 27 5
                                    

RED

Halos lahat sila kanina lumabas para tumawag ng doctor. Ang OA nila, para namang pinapakain ko sila at nagutom sila ng isang buwan dahil tulog ako. Ngayon nasa harap ko na naman sila, kalalabas lang ng doctor at sinabing ayos na ako. May amnesia nga daw ako dahil tinanong niya ako ng kung anu ano at lagi kong pinaparating na wala akong naaalala.

"Sino kayo?" Tanong ko ulit. Ito yung naudlot kong tanong e.

"Wala ka ba talagang maalala Wife?" Si Jacob ang nagtanong habang may namumuong luha.

"Anong Wife?" Tanong ko naman. "Di ako magtatanong kung may naaalala ako." I added. Ako lang ata ang may amnesia na tinatarayan ang mga tinatanong niya. Psh. That simple damn thing, di nila napansin.

"Ako ang asawa mo." Pakilala ni Jacob.

"Hi Asawa." Bati ko sa kanya. Kung ganito magpakilala sana nung orientation ko nung first of day school nung highschool ay 'hi! Ako nga pala ang classmate niyo. Hi classmates.', tipong ganon.

Napasabunot sa sarili niyang buhok si Jacob. Mamaya nito kalbo na ang asawa ko. Kawawa naman ang mga baby namin, merong tatay na maagang nakalbo dahil sinasabunutan ang sarili niya.

"Jacob." Tila nauubusan ng pasensya niyang pakilala. "Jacob Yuno Blynt. Jacob ang tawag mo sakin Wife." He said.

"So.." Sabi ko habang kunwari nangangapa. "Ako nga si Wife?" Tanong ko pa.

Napalingon ako kay Fermine, Deuce at Kiel nung tumawa sila. Tila nagpipigil naman ang iba.

"Mommy naman e!" Sumingit si baby Jaicell na nangingilid na ang luha. Konting tiis lang anak, konting amnesia lang naman to.

"Ako din si Mommy?" Tanong ko pa. "So ako si Wife Mommy, anong apilido ko?" Kunwaring pagko-confirm ko.

"Red.." Nagsalita ulit si Jacob. "Red ang pang----" di ko na siya pinatapos, pinagti-trip-an ko nga siya e.

"So I'm Wife Mommy Red." I said. "Ikaw? Sino ka?" Tinuro ko ang anak namin.

Kinalabit naman siya ni Jacob at tiningnan na nagsasabing.. 'pangalan mo sabihin mo.'

"Jaicell Red po." Sagot ng anak ko.

"Kapatid pala kita." Sabi ko na lang. "Ikaw sino ka?" Tanong ko kay Dad. Sila kasi nila Jacob, Jaicell at nila Tito at Tita ang nasa tabi ko. Sa may paanan ko sila Fermine, Kiel at Deuce na nagpipigil ng tawa. Lagot kayo sakin mamaya.

"Jarred." Pakilala ni Dad. Tumango na lang ako.

"Ikaw po?" Tanong ko sa tatay ni Jacob. Nakasimangot si Jacob at Jaicell. Ang cute nilang mag-ama. Naiinis sa nanay nilang kunwaring may amnesia pero di nila alam, tapos mga umiiyak pa. Hahaha.

"Jonathan." Sagot nung papa ni Jacob. Tumango na lang ulit ako.

"Kayo po?" Tanong ko sa nanay ni Jacob. Alanganin siyang nakangiti, siguro dahil sa sitwasyon ko ngayon. Para nga ding maiiyak e.

"Yunaline." Pakilala niya.

"Ahhh." Sagot ko lang. Bumaling naman ako sa may paanan ko.

Red's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon