Epilogue

1.5K 34 29
                                    

RED

"I love you Mom.." Umiiyak kong sabi pagkalapag ko ng bulaklak sa puntod ni Mom. Magkakasama kami ngayon nila Jacob at Jaicell pati ni Dad.

"S-sorry.." Bulong naman ni Dad. Hinaplos ko na lang ang likod ni Dad para tumahan na siya. Kalalaking tao umiiyak. Psh.

Di naman siya ang pumatay kay Mom, gusto kong maging open minded, kaysa naman magalit ako at manghinayang sa mga masasayang na panahon. Maybe Dad supposed to die but Mom took the bullet for him, pareho lang yun, kung natamaan si Dad magluluksa din ako at hindi sisisihin si Mom. My point is, si Verdell ang kumalabit ng gatilyo ng baril, hindi si Mom o si Dad.

"Mama.." Bulong lang din ni Jacob. Inagawan niya na naman ako ng nanay. Ugh. Sabagay, Mama Yuna ang tawag ko sa nanay niya. Magpalit na lang kaya kami ng nanay? Para wala nang agawan. Psh.

"I know you're in heaven Lola." Sabi ng anak namin na umiiyak na din. My daughter is so innocent that I don't want to see her innocence hurting. Siguro, kulang ako sa alaga, kulang ang isang ina, kailangan niya rin ng ama simula pa lang pero pinagkait ko. Things are so fast for a young woman like me, pero ito kami ni Jacob, kakayaning punuin ang mga pagkukulang namin.

We are learning, and forever we will.

Ilang buwan na din ang lumipas. Malapit na akong manganak at malapit na din kaming ikasal ulit ni Jacob. Sabi ko nga pagkayari na nang pagpapanganak ko kaso excited na kasi siyang ikasal kami ulit. Feeling niya naman bride siya at siya ang bibihisan.

Ito talagang si Jacob, dalawa na ang anak namin at lahat, bakla pa rin. Syempre biro lang yun.

Umuwi din naman kami pagkayari namin doon.

.

.

.

.

The day of wedding..

FERMINE

Nakaayos na kaming lahat at sila Lady Red na lang ang hinihintay namin, si Don Jarred ang maghahatid sa kanya, nakakalungkot lang na wala si Madam Redverne para makita ang unica ija niyang ikakasal na ulit. Hindi na labag sa loob ni Lady, dahil sila pa mismo ni Master ang naghanda ng kasal.

Si Ma'am Yunaline naman ay kasama si Lady habang inaayusan. Iba na ang stylist ng mga Montavilla, wala na silang tauhan na mga Accordion dahil sa nangyari. Si Sir Jonathan naman ay kasama ni Master Yuno na naghihintay altar.

Ako naman, bridesmaid tapos ang best man ay si Kiel. Nagtatampo nga si Deuce e.

"Psh. Ako dapat ang best man." Nagngingitngit na bulong ni Deuce. "Ikaw. Niloko mo noon si Pareng Yuno, bakit ikaw pa?" Si Kiel naman ang binangga niya.

Nag-away pa. Para namang may best man noon si Master at bridesmaid si Lady noong una nilang kasal. That was an arranged marriage after all, who would effort for that?

Inakbayan naman ako ni Kiel, medyo nagulat pa ako. "Bakit? Ikaw ba ang boyfriend ni Claire?" He asked. Napangiti na lang ako dahil doon.

"Shut up." I just said.

"Psh. Ang bias, mga couple kasi." Bulong ni Deuce.

"Buti nga kasama ka pang rarampa sa altar e." Nakatawa kong sabi.

"Ugh." Deuce just reacted at nag-walk out sa amin ni Kiel. Parang kailan lang aso't pusa pa kami. Psh. Time. Time heals everything. Time changes everything. Time makes things perfect.

Red's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon