C60: Mastermind✔

887 28 0
                                    

RED

Lumipas ang dalawang araw at hindi ko na ulit nakita si Jacob. Di ko lang alam kung magkikita sila ngayon ni Jaicell. Di ko naman siya nami-miss kaya okay lang. I'm not even thinking about him.

Naayos ko naman yung cellphone pero di na ulit nakatawag si Verdell, nagtext na lang ako na nabagsak yung cellphone ko. Totoo naman e, di ko lang kinuwento yung buong nangyari.

Nandito ako ulit sa Tan Co., pinipirmahan ang mga papeles na dapat nagawa ko na noong sabado kaso panggulo si Jacob. Psh.

Halos maibato ko ang ballpen ko nang tumunog ang intercom. Sinagot ko naman iyon, si Deuce.

["Good morning Ma'am. You have a visitor who's insisting that he have an appointment with you today. Pero wala po siya sa schedule niyo Ma'am."] Wika ni Deuce sa kabilang linya. I sighed.

"Who's that?"

["Darwin Tyrone Cortes, Ma'am."]

"Papasukin mo." I said at agad tumayo sa swivel chair tsaka nagpunta sa sofa.

Deuce is too casual by the way he pronounces Darwin's name, parang hindi sila magkaibigan noon way back on our highschool days. Sabagay, di naman lahat ng happenings nung highschool ay masayang balikan. Some things are meant to be forgotten.

Maya maya ay bumukas ang pinto, si Darwin nga, kaya inaya ko siyang umupo sa may harap ko.

"Anong gusto mong kaini-----"

"No need, Red. Let's go straight to the point." He said. "Maikli na lang ang panahon ko para masabi ko sayo ang lahat." He added.

Wala sa sarili akong napatango kay Darwin. Naramdaman kong wala siya sa mood para mag-aksaya ng oras.

"Okay then." Sagot ko na lang.

He sighed.. deeply.

"Walang kinalaman ang mga Cortes sa nangyayari sa inyo Red." He said. "Mag-ayos na kayo ni Yuno dahil wala namang mamamatay kung sakali. Pareho lang kayong masasaktan at mahihirapan bandang huli kung di ka makikinig sakin." He added.

Umiwas ako ng tingin sa kanya at tiningnan ang mansanas na hindi mabulok bulok dito sa lamesa sa sala ng opisina ni Verdell. Di ko kayang makipag-ayos. Kaya naman sa halip na pansinin iyon ay iba ang sinagot ko.

Pareho na kaming nasaktan at nahirapan, kaya ano pang silbi ng pakikipagbati ko para di maranasan ang mga iyon? I've got too much, that's enough.

"Huwag mong pagtakpan ang mga magulang mong pasimuno nito." May galit kong sabi sa kanya. "Kahit sabihin mong half-brother kita, hindi kita sasantuhin." I added.

Hindi sila ang pasimuno? E sino pala? Si Ashong Salonga ba, dahil hari siya ng Tondo? Si Tita Charo ba, para may mapadalang sulat sa kanya sa MMK? Sinong sisihin ko kung hindi ang mga Cortes? Sarili ko? Si Jacob? Si Mom? Si Dad?

Wala din akong planong makipag-ayos kay Jacob dahil na-realize ko na lahat ng panloloko niya. Gising na gising na ako sa katotohanan, hindi nga lang ginising e, sinampal pa ako para magising. Sinong hindi sasaya sa ganon diba? Psh.

"Dad was forced to threaten Yuno. Leine Bueno is killed because she's too close on truth." He said. "Halos lahat inakalang patay ka na noong araw na iyon." He added.

Yung utak ko na naka-fix nang magalit kay Jacob ay nagulo. Bakit ba kasi putol putol na information ang sinasabi ni Darwin? Bakit di niya na lang diretsahin kung sino ang tinutukoy niyang may pakana?

Napasabunot ako sa sarili kong buhok, nakakapanot ang ganitong usapan. Psh. "Can you please.. just tell me the truth?" May inis sa boses kong tanong sa kanya.

"May nagbanta kay Dad na mamamatay si Darline kung di niya sasabihin kay Yuno na pakasalan ang kapatid ko. Nung mamatay ka noon, akala niya di ka na mabubuhay, who else would thought you'd survive, patay ka na noon. Pero nung malaman niyang buhay ka napagdesisyunan niyang ilayo ka kay Yuno." He stated.

"Sinong 'niya' ang tinutukoy mo?" Puno ng pagtataka kong tanong.

"Iyan ang hindi ko alam, Red." He said. "Pareho lang kayong biktima ni Jacob dito. You two must be working through it. Di dapat kayo nag-aaway, don't let yourself be filled with anger. Dahil una sa lahat, wala naman kayong kasalanan sa isa't-isa." He added.

Kaya ba di namatay noon ang mga magulang ko kahit na umalis na si Jacob at nakipag-annul kay Darline? Kasi hindi ang mga Cortes ang may gawa noon?  Walang nangyari kila Mom at Dad dahil magkahiwalay pa rin kami ni Jacob kahit nag-annul pa sila ni Darline. So it means there's someone else behind all this.

Someone who's more powerful than Blynt, Cortes and us.

Pero sino?

"Anong gagawin ko para malaman kung sino?" I asked to myself letting Darwin to hear it.

Sino naman ang pwedeng magkaroon ng galit sa mga Cortes para masiraan nila ang sarili nila sa mga Montavilla at Blynt? Sino naman din ang may ayaw sa amin ni Jacob magkasama, o kung sino ba ang may galit kay Jacob o sa mga magulang niya? O sino namang galit sakin, o sa mga magulang ko?

"Family history, Red." Nagsalita si Darwin. "Malakas ang kutob kong may kinalaman yun." He added.

May naalala akong itanong.

"Paano mo nalamang kapatid niyo ako sa ama?" I asked.

"Kay Mama. That was five years ago, bago ka madala sa hospital." He said. "Ngayon lang ako nagkaroon ng pagkakataong magsabi sayo." He added.

"Nasan ang Mama mo? Sa tingin ko masasagot niya ang mga question mark sa ulo natin." Sabi ko sa kanya.

"Namatay si Mama dalawang araw nang mabalitaan naming wala ka na." He answered.

"How? Dahil ba sa sakit?" I asked again.

Di ko alam kung saan ako magsisimula. Para akong naghahangad na mapunta sa finish line tapos di ko naman alam kung saan ang starting line. Ayoko din namang basta na lang makipagbati kay Jacob dahil di ko pa alam ang totoo. Malay ko ba kung siya pa pala ang mastermind diba?

"May pumatay kay M-mama." Pumiyok siya pagkasabi niya noon.

Nanlaki ang mata ko sa gulat. Kung pinatay siya maaaring may alam siya. Iyon lang naman ang magiging dahilan para patahimikin ang isang tao. Malaki ang tsansa na totoo ang mga sinasabi ni Darwin.

"Sino ang madalas na kasama ng Mama mo?" Tanong ko pa.

"Si Darline."

Napatayo ako. Dapat pala pinansin ko si Darline noon. Malay ko bang hindi pala tsismis ang sasabihin niya? Ugh. Di na dapat ako nagalit sa mga nagawa niya noon dahil una, hindi ko naman na mahal si Jacob. Pangalawa, iba na ang mahal ko.

"Nasan si Darline?" Desperada kong pagtatanong sa kanya. I have to work things alone kung gusto kong makilala ang may pakana nito ng hindi niya nalalaman. Sinabi na din ni Darwin na huwag akong magsasabi sa iba. For short, trust no one.

Everyone around me is suspected to be the mastermind. Even those who are closest to me. Hindi ko lang akalain na yung hindi ko ka-close na si Darline ang kailangan ko ngayon at mapagkakatiwalaan ko sa pagkakataong ito.

"I don't know. Matagal ko na siyang di nakikita." Malungkot na saad ni Darwin.

Damn. Di na nga sila nagkikita.

***

Red's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon