C67: Forgiveness✔

987 28 0
                                    

RED

"Jacob, katatawag lang ni Verdell at babalik na siya dito sa Pilipinas in three days." Natataranta kong sabi.

"Sh*t." He cussed.

"Di ko alam kung bakit biglaan. Pero, dapat sa isang buwan pa siya makakabalik." I explained. Di ko alam kung bakit ba ako naiirita.

"Call Fermine Claire." He commanded.

Sumunod naman ako at pinapunta nga si Fermine dito sa bahay namin dati. Sabi niya on the way na siya. Something's really about to happen, I can sense it. Agad akong nagpunta kung saan natutulog si Jaicell, well sa kwarto din naman namin ni Jacob. Kapag natutulog kami nasa pagitan namin si baby Jaicell.

"Good morning Mommy." Bati ng anak ko na halatang bagong gising. Nakakaramdam ako ng takot, pakiramdam ko mamamatay ako. Yinakap ko ng mahigpit si baby Jaicell.

"Why Mommy?" Takang tanong ng anak ko.

Nawala lahat ng takot sa puso ko nang maramdaman kong nakayakap sakin si Jacob, sumunod pala siya sakin.

"I love you, baby." Bulong ko sa anak ko.

"You'll be safe in my arms, always.." Bulong sakin ni Jacob at sigurado akong ako lang ang nakarinig noon.

Nawala lang ang mini family hug namin nang dumating si Fermine. Yumuko siya samin.

"Lady Red." Tawag niya sakin at nag-bow. "Young Lady Red." Kay baby Jaicell naman. "Sir Yuno." Kay Jacob naman siya humarap.

"Tita Ferms?" Nagtataka si baby Jaicell kay Fermine. I think we are about to talk something serious kaya ganon ang tawag niya sa amin.

"Drop the formality, Ferms." I said at binibigyan siya ng tingin na baka magtaka lalo si Jaicell. She just sighed.

"Nalaman na lahat ni Don Jarred." Tiningnan niya ako bago si Jacob. "But they didn't know where you barricade. You are safe." She added.

Ngayon naman ay nadamay si Dad sa usapan?

Napahawak ako sa ulo ko.

"Somebody, please tell me what's really happening." I said.

Tumingin ako kay baby Jaicell na ngayon ay nagtataka na rin sa nangyayari. Di ko maramdamang nagtatago kami rito para maging ligtas, dahil pakiramdam ko nilalandi lang ako ni Jacob. Pero ayoko maging assuming. Psh.

"Mommy, don't you get it? Nandito tayo para magkaroon ng quality time kay Daddy. He's leaving soon, right?" Nagsalita ang anak ko.

Aalis si Jacob? Saan naman siya pupunta? Ano namang mangyayari ngayon sa 'you'll be safe in my arms' niya? Ugh. Diba ito ang gusto mo Red? Ang lumayo siya sayo?

"You're leaving." I said. That was not a question or a confirmation, I am was stating.

"Bakit ngayon pa Sir Yuno?" Singit ni Fermine.

"N-no---" napailing si Jacob. "Let's talk somewhere." He added.

Tumingin lang ako kay Jaicell then I smiled.

"Baby, magpa-plano lang kami ni Daddy para sa quality time natin ah?" Pagsisinungaling ko.

Si Jacob naman ay yinakap ako sa bewang at nakisama sa pag-acting ko. Psh. Feel na feel niyang chansingan ako. Nakakainis siya.

Red's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon