RED
"Dad.." Mahina kong tawag kay Dad pagpasok ko sa opisina niya.
Napabuntong hininga ako. Noon, sila ang may gustong maikasal ako, ngayon gusto kong makasal ako.
"Bakit, anak?" He asked to me at tinigil muna ang ginagawa niya.
"I want to have an arranged marriage with Verdell Tan. I want to be his wife. I want to be Mrs. Tan." I said.
"Bakit ikaw ang nagsasabi sakin, anak? Dapat si Verdell ang gumawa niyan." Seryosong tanong ni Dad.
"This is what I want Dad. Para malayo kay Jacob. At para narin kay baby Jaicell." I said.
"Pumayag na ba ang mga Tan?" Tanong sakin ni Dad.
"Yes."
"Di ka ba niya aakyatan man lang ng ligaw dito?" Tanong ni Dad na may himig ng pang-aasar. Ilang beses na din naman nilang nasabi na bagay kami ni Verdell. Nasasagwaan nga ako e, konting kembot lang kasi magiging 'Verde' na ang 'Verdell'. Ang sagwa diba? Red tapos Verde. Merry Christmas lang?
"Dad, nung ikasal ako kay Jacob di naman niya ako inakyatan ng ligaw." Sabi ko na lang na parang wala lang sakin yun kahit na nasasaktan ako tuwing naaalala ko yung mga nakaraan namin ng dragon na yun.
"But----"
"Matagal na po akong sinusuyo ni Verdell." Sabi ko which is true. Simula naman noong naging close ko si Verdell ay nagsimula na siyang magparamdam sakin. Parang multo lang, mas panget nga lang siya kaysa sa multo. Syempre, joke lang yun.
"Okay then. Makikipag-meet ako sa mga Tan. We'll arrange this." Sabi ni Dad. Napangiti ako tapos lumabas na rin, susunduin ko na muna si baby Jaicell sa school.
JACOB
Nag-iikot ako sa Bylntonn, gaya ng nakagawian ko. Gustong gusto ko lang na naglilibot. Maybe it's just completing something that is missing inside me.Napadaan ako sa may pre-school department.
Uwian na pero may bata pa ring nakaupo sa may tabi ng room niya siguro. Nakatitig lang ako sa bata.
She reminds me of someone I missed. Someone who's not alive anymore.
Lumapit ako sa bata.
"Hey." Bati ko. Tumingin sakin ang bata. She looks so innocent. Kamukhang kamukha niya si Red ang asawa k----- ang dati kong asawa.
"Wala ka pang sundo?" Tanong ko sa bata. Ang gaan ng loob ko sa batang ito.
Umiling siya.
"Samahan kitang maghintay?" Tanong ko.
"Sige po." Ngumiti siya. Hanggang sa boses at pagngiti, parang nag-reincarnate si Red at napunta sa batang ito.
I really misses her.
"What's your name?" I asked again.
"Jaicell Red-----"
"Young Lady!" Di na natapos pa sa sasabihin niya yung bata nang dumating ang sundo niya. Di na siya nagpaalam at tumakbo papunta sa sundo niya.
Nilingon ako ng bata at kumaway. Ngumiti ako at kumaway din.
Jaicell Red.
Kapareho na sana ng gusto ko noong ipangalan sa magiging baby namin ni Red. Too close. I don't know pero may tumulong luha sa mata ko. Those days with her, I still treasure them. The memories and feelings are still in my heart.
Jaicell Scarlet.
I just made a faint smile. Red was gone. Bumalik ako sa wisyo ng may tumawag.
Si Darline lang pala. Dalawang linggo na kasi akong hindi umuuwi sa bahay namin. She's not the one I need.
Sumakay na lang ako sa kotse ko at nag-drive kung saan sa tingin ko'y magiging payapa ang pag-iisip ko.
I just drive while looking at the road blankly hanggang sa huminto ako. Di ko agad narealize na nahinto pala ako sa bahay namin dati ni Red.
Apat na taon na din ang lumipas. Wala na ang dating buhay nito. Ayoko namang dito kami tumira ni Darline, masyado siyang madumi para tapakan ang tahanan na minsan nang tinirhan ng asawa ko, si Red.
She's my only wife. Hinding hindi iyon mapapalitan ni Darline, iyon na ang nasa puso ko, ang pangalan ni Red.
"I remember what you wore on the first day.." Kinanta ko ang kanta nung kinasal kami. Napasandal ako sa may pintuan ng kusina, parang buhay ang alaala noon at nakikita ko kung paano magluto si Red. Di pa siya kumakain ng almusal kung wala ako.
"You came into my life and I thought, hey.."
Ang ganda niya, yung mga ngiti niya, yung pagtingin niya at pagsimangot, lahat yun pinakita niya sakin. Yung pag-iyak niya, yung pagiging mahina niya minsan, di siya natakot na ipakita sakin yun. At kahit alin man doon, di ako magsasawang tingnan yun.
Gustong gusto ko siyang makita ulit. But I can't... I can't..
I miss her. I really, really, miss her.
"You know this could be something.."
Siguro kaya di kami tumakas noon sa arranged marriage, kasi magiging masaya pala kami sa isa't-isa. Pero bakit ganon? Wala naman akong hiniling na iba, ang gusto ko lang yung asawa ko, pero bakit pinagkait pa sakin?
"'Cause everthing you do and words you say,
You know that it all takes my breath away.
I'm finally now believing.." Kada lyrics, siya at siya lang din ang naaalala ko.
Dahil kay Red, naniwala akong kahit gago ako pwede akong mahalin. That somehow, I deserve all of her efforts, I deserve her love. I deserved to be happy. Pero wala na yung taong magpapasaya sakin, wala na yung magpaparamdam sakin nun. Wala na si Red, di na siya babalik.
"So maybe it's true,
That I can't live without you.
And maybe two is better than one.
But there's so much time,
To figure out the rest of my life.
And you've already got me coming undone,
I'm thinking two is better than one.." Tumulo na lang ang luha ko nang matapos ko ang kantang iyon. It really brings memories.
Ngayong wala na siya, it feels like I'm a broken man. It feels like I am dead but breathing. Dead but seeing. Dead but hurting.
Wala lang ako kung wala si Red. I'm better with her. We are better together. At hindi ko alam kung paano ko kinakaya na mabuhay kahit wala siya. Para akong pinaparusahan.. araw-araw..
Umakyat ako papunta sa kwarto namin at kinuha kong muli ang uniform niya noong mag-date kami. Kahit na madami ng alikabok ay di ako nag-alinlangan na humiga sa kama.
Inamoy ko ang dating unan ni Red. Pakiramdam ko hindi kumupas ang amoy noon. Parang nasa tabi ko lang si Red.
Komportable akong humiga doon habang yakap yakap ang uniform niya. Hanggang sa pumikit ako at makatulog.
"Be home Wife.. be home.." I whispered.
I am home. But she's not here.
***
BINABASA MO ANG
Red's Secret
Ficción GeneralBook II of Nerd's Secret. Nasira sa book I, magkaayos kaya sa book II? O wala talagang chance ang marriage contract nila sa sarili nilang istorya? Highest Rank: #191 in General Fiction Ranking by now: #806 in General Fiction