C42: Family Day✔

1.3K 32 0
                                    

RED

Lumipas ang apat na taon ng di ko namamalayan. I home study hanggang sa makuha ko ang master's degree. Meron din akong diploma, natutunan ko na ring patakbuhin ang mga negosyo namin.

Di ko na kailangan ng ka-merge sa negosyo para lumaki iyon, dahil napalaki ko na iyon, ng mag-isa.. walang Jacob, walang mga Blynt.. walang tulong niya.

I also started using colorless contact lens para di na ako magsalamin.

"Ang ganda mo talaga tingnan kapag ganyan." Sabi ni Fermine na kadarating lang.

Nasa kusina ako at pinaghahanda si Jaicell ng meryenda.

"Shut up." Sabi ko na lang. Ayoko sabi ng pinupuri. Psh. Ang kulet lang? Malay ko ba kung gusto niya lang magpalibre? Maarte pa naman tong babaeng to. Baka mamaya ang gusto niya pala ay libreng restaurant, edi nalagasan pa ako ng isang resto?

"Anyways, bilisan mo namang gumawa ng meryenda diyan! Nagugutom na yung pamangkin ko!" Hiyaw sa akin ng napaka-ingay na si Ferms. Akala mo kung sino makapag-utos, parang siya yung nanay at ako yung babysitter. Ibang klase. Psh.

"Nakakahiya naman sayo ano?" Pagtataray ko. "Ikaw kaya lutuin ko dito? Pinritong bunganga ni Fermine." Nakairap kong sabi.

"E kung isisig ko ang anak mo?" Sagot niya naman.

"Isisisig mo ang pamangkin mo?" Nakangisi kong tanong.

"Yung foods kasi nasan na?" Pag-iiba ni Fermine ng topic kaya tumawa ako. Para pa siyang batang nagrereklamo, akala niya siguro cute siya don. Maling akala lang pala.

"Isisig mo muna yung pamangkin mo." I said na may himig nang pang-aasar, mahal na mahal niya kasi si baby Jaicell, feeling niya talaga pamangkin niya, di ko naman siya kapatid. Hays.

"Ugh! Shut up Red. Shut up." Inis niyang sabi.

Kinuha ko na din sa oven ang mga cookies, baka tuluyan nang mapikon si Fermine at layasan kami, paborito pa naman siya ni Jaicell. Sakto naman ding dumating si baby Jaicell na medyo putikan dahil naglaro na naman ata siya sa may garden kasama si Thundress na parang di babae, pinapag-obstacle kasi si baby Jaicell. Psh.

Well, okay na yun. Para di siya magaya sakin na nagkasakit sa puso dahil tago sa bahay at lumaking mahina ang pisikal.

"Mommy!" Malambing ako nitong tinawag. Lumapit siya sakin at pilit akong inabot, pandak kasi. "Are you going to office again?" Inosenteng tanong ng anak ko.

Pinantayan ko naman ang naglalambing kong anak. I kissed her on her forehead. "Yes baby." Bulong ko.

"Can we have some bonding moment, Mommy?"

"Of course. We can do it on weekends." I said. Ngumiti si baby Jaicell at tumango. Napatayo na ako habang nakangiting nakamasid sa anak ko.

"Tita Fermine, you'll go with us, right?" Nagtanong din si Jaicell kay Fermine habang hinahatak pa ang laylayan ng damit ni Ferms.

"Kahit huwag mo nang isama si Tita." Nakangisi kong sabi, sasagot na kasi sana si Fermine e.

"Baby Jaicell, o, inaaway ako ni Mommy mo." Sumbong naman ni Ferms, kaya napatawa na lang ako.

Red's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon