RED
"Nang-babae na si Jacob." Nakasimangot kong sabi. Halos kakaalis lang ni Jacob. Sakto rin namang dumating tong si Deuce na nakabantay samin ni Jaicell.
"What do you mean Mommy?" Tanong ng anak ko.
"Your Daddy----"
"Your Mommy means na may gagawin lang si Daddy mo." Singit ni Deuce. Kailan ko pa siya binigyan ng karapatang sumabat sa usapan namin? Pinagtakpan pa si Jacob. Psh.
"Kamusta na kaya sila?" Seryoso kong tanong. Napapikit na lang ako at napadasal. I hope things will be fine.
I'd love to always see Jacob and Jaicell laughing while playing.
"They will be fine Lady." Sagot sakin ni Deuce. Napatango na lang ako sa kanya at tipid na ngumiti. Kailan pa kaya naging manghuhula si Deuce? May ginawa ba siyang ritwal noong kabilugan ng buwan?
"What do you want to eat, Jaicell?" I asked in a soft voice. Kailangan kong alagaan ang anak ko kahit na gaano ako katakot sa mga mangyayari. May tiwala ako kay Jacob, nangako akong magtitiwala ako sa kanya.
"Anything Mommy." Sagot ng anak ko.
"Nilagang Barbie?" I asked. Ayoko talagang may nagsasabi sakin ng 'kahit ano' gusto nila.
"Lady." Banggit lang sakin ni Deuce. Aish. Kung anu ano na namang sinasabi ko. "Kung anu anong nalalaman ng bata." Bulong niya sakin. Naalala ko tuloy noon si Fermine.
"Why are we silent?" Basag ng anak ko sa katahimikan.
"Ewan ko sa kanila, anak. Nawala na ata ang mga dila niyan." Sabi ko naman.
"Watch your words, Lady." Biglang nagsalita si Fermine. "Kung anu-anong pinaparinig mo sa pamangkin ko." She added, wow ha? Nagalit pa sakin.
I just smiled after reminiscing those. Tiningnan ko lang si Deuce.
"Bagay kayo." ni Fermine. I said at masayang naglakad papaalis ng kwarto. "Bantayan mo si Jaicell!" Bilin ko bago pa ako makalayo.
Nag-prepare lang ako ng omelet at kumain na din kaming tatlo.
.
.
.
.
"Mommy."
"Why baby?"
Nandito kaming tatlo ni Deuce sa library. Mas maganda daw kung nandito kami. Ni-lock niya din yung pinto. Kamusta na kaya si Jacob? Nag-aalala ako sa kanya, syempre pati din kay Fermine.
"Paano po kayo nagkakilala ni Daddy?" Tanong ng anak namin.
Napatikhim si Deuce at parang nagpipigil ng tawa nung tingnan ko. Ako naman ay napangiti, sisimulan ko na siguro doon sa parte na nahuli kong naninigarilyo ang Daddy niya.
FERMINE
"Master, we'll arrive in one minute. Exactly advance five minutes before Verdell Tan will arrive." Anunsyo ko.
Si Mendeja ang nagda-drive, ako naman ay nasa shot gun seat at si Master naman ay nasa passenger seat.
"Okay. Magpunta na kayo sa mga pwesto niyo." Utos niya kaya napatango kami ni Mendeja.
BINABASA MO ANG
Red's Secret
General FictionBook II of Nerd's Secret. Nasira sa book I, magkaayos kaya sa book II? O wala talagang chance ang marriage contract nila sa sarili nilang istorya? Highest Rank: #191 in General Fiction Ranking by now: #806 in General Fiction