Final Special Chapter

25.2K 406 14
                                    

SCIII: Kien and Keanna

----------

"Oh my God, Kien! 'Wag mo na kasing pinapansin 'yang mga girl fans mo! They are so annoying!"

Napailing na lang ako at hindi pinansin si Keanna. Wala naman akong ginagawa sa mga sinasabi niyang fans ko kaya bakit pa ako magko-komento? It was those girls' decisions to do whatever they want.

Ipinikit ko na lang ang mga mata ko at sumandal ng maayos. Pati siguro ang driver namin ay pagod na sa sandamakmak na reklamo niya.

"Buti na lang at pupunta sila Mamita ngayon..."

Hindi ko namalayan ay nakatulog pala ako hanggang sa gisingin na lang nila ako na nasa bahay na pala kami. Nag-inat-inat ako nang makalabas ako ng kotse. Tumakbo naman agad si Keanna sa loob.

"Mommy! Kien's harem was so annoying this afternoon! They've been making papansin to Kien like there's no tomorrow!"

Iyon ang naabutan kong sumbong niya kay mommy. Napailing na lang na naman ako at lumapit na lang kay mommy. I kissed her cheek.

"Is this true, Kien?"

I shrug. "I didn't care about them."

Natawa si mommy at pinisil ang pisngi ko. "Binatang-binata ka na talaga. You're dad was just like that according to your mamita."

Nakwento na rin sa'kin 'to ni mamita. She said that I was just exactly like dad when he was young.  I don't know exactly what they mean about that but according to dad himself, I'll realize what they mean soon enough.

Nagpaalam ako at sinabi kong sa kwarto muna ako.

Agad kong binagsak ang sarili ko sa kama. Wala naman kaming masyadong ginawa pero napagod ako.

Isa rin daw ito sa pinagkapareho ko kay dad noon. Mamita said that dad's body has the laziest bones over things. Hindi daw gaya nila Tito Dylan na saksakan ng pagkababaero, si dad daw ang pinakatamad para mamansin pa ng kahit sinong babae.

I could say I am like that. Napabuntong hininga ako. Paano kaya kung kay mommy ako nagmana?

~ ~ ~

"Bakit ba hindi mo ako tinatawag na ate?! I'm three years older than you!" Inis na inis na tanong ko kay Kien.

Nandito kami ngayon sa kusina kasi sabi ni mamita kami ang in-charge sa pagliligpit ng pinagkainan. Not that I mind but my annoying brother is really being annoying! Ayaw niya talaga akong tawaging ate!

Tinignan niya ako kaya naman nakipagsukatan din ako ng tingin sa kanya. He really looks like dad. Pinakitana sa amin ni mamita ang mga baby pictures ni dad at pati na rin 'yung teenage days. Kamukha nga niya si dad pero annoying pa din siya!

"I'm three inches taller than you."

"Ugh!"

Naiinis ako sa pananaw niya sa buhay! Sabi ba naman kasi niya ay dahil mas matangkad siya, parang siya na rin ang mas matanda sa aming dalawa. Baliw talaga kainis.

Hindi ko na lang siya kinibo at pinagpatuloy na lang ang paghuhugas ng pinagkainan.

Bigla tuloy akong napaisip. Kanino ba ako nagmana?

I mean si Kien kasi natural born spitting image ni dad. Ako naman... well, malayong malayo ako kay dad at ganoon din kay mommy. Wala naman kasing bipolar sa kanilang pareho.

Yup. 'Yun na nga. Bipolar ako at maya-maya lang ay nafi-feel ko ng hindi ko sila papansining lahat. Kahit ayoko naman kasi, nagagawa ko na unconsciously. Siraulo din pala ang utak ko at hindi lang si Kien.

Pagkatapos ng mga ginawa namin ay dumiretso ako sa kwarto ko dahil ayaw ko na silang makita lahat.

Ibinagsak ko ang sarili ko at agad na ipinalangin na tumigil na sana ang mga babae na mabaliw sa siraulo kong kapatid dahil pati ako, napipirwisyo.

Bigla rin akong napadilat. Ano kaya kung nagmana ako sa isa sa mga magulang ko? What if lang. What if lang naman e. What if.

Owned by the DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon