Prologue

110K 2K 19
                                    

"Kung ano man ang binabalak mo, pwede bang tumigil ka na? I don't like you, and I don't intend to ever like you."

Gustong nang maiyak ni Jeanna sa sarili niyang mga salita. Naghahalo na ang pagkapikon niya at ang asar niya sa binatang ngayon ay hindi man lang matinag ang ngisi. Standing proud and tall, this man has no plans on getting off her nerves. Heck, kung may ginagawa man ito ngayon, iyon ang siguraduhing nanunuot ang galit sa kanya.

His grin turned into a calculated smile. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig nang makita ang maamo nitong mukha na para bang napakainosente nito. Napamura siya. Ito ang dahilan kung bakit ayaw niyang kaharap ang binata ng mag-isa. Alam na alam nitong manipulahin ang sitwasyon. That smile looked almost genuine, but she would be a fool if she ever falls for that again.

Biglang umiling ang binata. "Jeanna, sweetheart..." The way his laugh filled the room next almost gave her goosebumps. Hindi nito tinuloy agad ang sasabihin hanggang sa nasiyahan ito sa pagtitig sa kanya. "You don't like me. You don't intend to like me either. Like ever."

Ano ba ang ginawa niya para maging deserving siya sa pang-aasar ng lalaking ito? Gusto na lang niyang umalis, mag-walk out, remove herself entirely out this narrative! Pero sino bang niloko niya? Kahit na yata umiyak pa siya ngayon ng dugo, hinding-hindi niya matatakasan ang binata.

As if hearing her thoughts loud and clear, he laughed again. Kung kanina ay parang malamig na tubig ang bumuhos sa kanya, ngayon naman ay para siyang inilagay sa apoy sa pag-iinit ng buong pagkatao niya. Hearing him laugh at her like that makes her feel so embarrassed for her own words.

Nahihilo na siya sa samu't saring emosyon na binibigay sa kanya ng lalaking ito.

Then the psycho was back to being the unemotional bastard once again. "Do you think I believe you, Jeanna?"

Kahit kailan ay hindi na yata siya masasanay sa paraan ng pagbigkas nito sa pangalan niya. Despite looking like all his emotions have vanished, the way he says her name felt utterly... soft. Nobody else has called her name in a way with such need for her full attention like this.

Hindi na rin niya maintindihan ang kanyang sarili. Kung nanunuot man ang galit niya para sa lalaking ito, kung punong-puno man ang isip niya sa asar at sa inis para dito—saan niya ba ilulugar ang maliit na bahagi ng pagkatao niyang gustong-gusto ang pagtawag nito sa kanya?

Siya na yata talaga ang nawawala sa kanyang sarili.

Humakbang ang binata papunta sa kanya, at, sa pagkakataong iyon, hindi siya humakbang paatras o palayo. Instead, called out his name in return. Pareho silang na-estatwa sa kinatatayuan nila.

Walang paliwanag sa isip niya kung paano niya nakilala ang sumunod na tingin sa kanya ng binata. Walang ding paliwanag at hindi niya mabigyan ng pangalan kung ano man ang emosyon na nakikita niya dito, pero isa lang ang sigurado niya. This man has a love-hate reaction to the way she called out his name just now.

Siya naman ang tumitig sa binata.

Whatever was the reason for them to clash like this in the first place will never shadow her admiration for his looks. Gusto niyang tawanan ang sarili niya gaya ng ginawa nito kanina—para naman niyang kinakain ang sarili niyang mga salita. But, as stubborn as she gets, she will justify that she only admires his masculine beauty. May mga mata pa rin naman siya, pang-ga-gaslight niya ng tuluyan sa sarili niya.

The hatred and the adrenaline died down too quickly that she almost physically felt her knees give up. Ang lahat-lahat ng emosyon niya ay napalitan na lamang ng pagod at kawalan ng lakas para makipagtalo pa sa lalaking ito.

Recognition further etches on his face as he realizes that she had just given up. Hindi na ito nagtangkang mas lumapit sa kanya. "This is the last time I will see you with another man, Jeanna. Remember this night and how you surrendered willingly—to me."

Iniwan siya ng binata at doon na talaga bumigay ang mga binti niya. Napaupo na lang siya sa sahig. Hindi man lang niya namalayang tumutulo na ang mga luha niya. Para saan? Dahil saan? Hindi na niya alam.

Is this what it felt like to unconsciously sign a deal with the devil?

Did she just agree to be owned by the devil?

Owned by the DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon