Masaya si Jeanna at iyon ang pinakasigurado sa kanya sa gabing iyon. Masaya siya pero...
These alien memories of how oddly familiar she is with Kieth are starting to fill her mind again. The way Kieth kissed her just a while ago was something spectacular. It was something she wanted. It filled her heart with happiness and yet it felt too painfully nostalgic. Hindi niya alam kung paano niya pa ipapaliwanag ang nararamdaman niya.
Paano niya maipapaliwanag ang mga memoryang hindi siya sigurado kung sa kanya nga ba? Iyon na nga ang pinakamahirap sa sitwasyon niya, alam niyang hindi sa kanya ang mga memoryang ito pero masyadong mabigat sa dibdib ang lahat. She calls them alien memories and yet her heart is owning them too well. Para bang sinasabi ng puso niyang kilala nito ang binata sa hindi niya maipaliwanag na paraan. Kakikilala niya lang sa binata...
Hindi niya dapat sirain ang gabi nila dahil lang dito pero hindi niya magawang kumalma.
"Are you okay?" Kieth whispers.
Nagsisimula na program kung saan nagbibigay na ng speech ang mga guest speakers. Tumango siya at ngumiti. "Yes, don't worry. Natutulala lang talaga ako sa nagsasalita sa stage."
Kieth chuckles and holds her hand a little tighter.
This is one of the reasons why she can't calm down one bit. Having Kieth this close feels very oddly familiar that it actually hurts her. It makes her chest feel really heavy.
Tinignan niya ang binata na ngayon ay sa stage lang nakatingin.
Kieth is too natural to be around with and it makes everything for her so easy and yet so hard at the same time. Lalo na ang mga nakaraang araw na hindi siya nag-usap pero nang ayain siya nito sa isang dinner, napatunayan niyang iba ang binata sa inaasahan niya.
Yes, she went to his office, tried to talk to him, and failed miserably because she ran away after the fiery kiss they shared. Bakit nga ba siya tumakbo noon? Hindi niya rin sigurado pero kabisado niya pa hanggang ngayon ang pakiramdam nang malakas na pagwawala ng puso niya ng araw na iyon. She literally chickened out that Kieth might hear her heart and she's scared of the possibilities that could have happened if he did. Hindi niya kayang harapin ang mga pwede nitong itanong o kahit sabihin man lang kung sakali.
Isa iyon sa mga pinag-usapan nila. Tinawanan lang siya ng binata sa dahilan niya. She didn't tell the same reason she had in mind, ang sinabi niya lang ay nahiya siya rito. Sinabi rin nito ang lahat ng mga nangyari kung bakit hindi ito ang gumawa ng paraan para makapag-usap sila. Gaya niya, hindi rin nito alam kung saan magsisimula.
Wala naman silang dapat pag-usapan. Yes, something happened between them, but it was supposed to be a one night thing between them. Sa pagkakaalam niya, hindi naman dapat pinag-uusapan iyon. Yet Kieth did insist for them to talk and they did over dinner.
Kieth doesn't want to set aside the fact that something happened between them, and that he wants to acknowledge it properly. He told her how much he enjoyed what they shared together and hoped that she did, too. Hindi niya alam kung anong sinabi niya sa binata pero heto naman na sila ngayon...
Maayos naman na ang lahat. Hindi na sila nangangapa sa mga susunod na gagawin pero...
Her heart hurts so much. It hurts badly and she can't even explain nor simply tell that to him.
Bumulong na siya sa binata na kailangan niya munang pumunta sa restroom. Dinala niya pati ang cellphone niya—wala naman siyang ibang maisip kung hindi tawagan ang bestfriend niyang si JL.
"Jeanna! May nangyari ba? Are you okay?"
Natawa pa siya nang iyon ang ibungad ni JL sa kanya; para nitong nabasa agad ang nasa isip niya. Calling her was the rightest thing because it immediately calmed her heart down. "Dapat ba mangyari agad kapag tumawag ako?"

BINABASA MO ANG
Owned by the Devil
General Fiction[UNDER REVISION] If fate has already been decided after Cinderella had her perfect shoes... there truly is no escaping the not-so-fairytale that comes next. * * * Jeanna De Lara is stuck to her past love. He was her first, at walang makasisisi sa k...