This chapter is dedicated to my ever double-chinned sister who says I'm always lazy to post an update -- Megan Nicole. (Tamad na kung tamad mas maganda pa rin ako hahahaha!) I love you, sis, try Wattpad so you will be able to read this. <3
- - - - - - - - - -
Tinignan ni Jeanna ang kabuuan ng restaurant. Parang pamilyar sa kanya ang lugar na iyon pero hindi pa siya sigurado. Mula sa mga decorations hanggang sa mukha ng mga staff, hindi niya maalalang mabuti pero nagkakaroon siya ng ilang ideya sa lugar.
"Mula noong umalis ka, ang assistant mo na ang in-appoint kong mag-manage dito. Maayos naman na ang naging takbo kahit noong una ay malaking adjustments ang nangyari dahil wala ka."
Inabala niya ang sarili sa pagtingin sa iba pang bahagi ng restaurant habang nakikinig sa Kuya Jeno niya. Sinabi na rin sa kanya nitong matagal na pala siya nitong gustong dalin kaya lang wala siyang oras. Alam din naman kasi ng binatang may tatlong resto pa siyang mina-manage.
Hindi niya alam kung paano pero para bang alam ng katawan niya kung saan pupunta o kung anong cabinet ang bubuksan. Tuwing lilingunin niya ang kuya niya ay nakangiti lang ito at sasagutin ang mga tanong niya.
Habang tumatagal ang paglilibot niya sa dating resto ay mas naging excited siyang makita at makilala ulit ang mga naging staff niya. Maagang nagsara ang resto ngayon dahil Linggo kaya naman ng dumating sila ay wala ng staff maliban sa kanilang janitor at guard. May bukas pa naman daw kaya ayos lang.
"So, basically, I was working here since I graduated? Sorry, kuya, may mga naaalala ako noon pero hindi masyadong detailed." Napakagat siya sa ibabang labi niya. Pang-ilang tanong na niya ba 'to?
Ginulo ni Jeno ang buhok niya at inakbayan siya. "No need to say sorry, baby, and that's a yes to our question. This was my gift to you when you graduated."
Hanggang ngayon ay naninibago pa rin siya sa mga bagay tungkol sa kanya dati. Noong una ay sa buhay niya sa college huminto ang mga naaalala niya. Ngayon ay may pailan-ilan na siyang naaalala maliban sa mga pinaka-recent memories niya o kung ano man 'yung mga nangyari isang taon na ang nakakalipas o sa mas madaling salita, bago siya maaksidente.
Bago sila sumakay sa mga kotse nila ay nagbilin muna ang kuya niya sa janitor na nandoon. Huminga siya ng malalim. Sana... Sana maalala na niya lahat.
"Saan mo ba gustong kumain?" Tanong ni Jeno pagbalik nito.
Napangiti siya at napailing. "Hindi ko alam. Saan ba masarap?"
"Well, I really miss my dear sister. Tara mag-isaw?"
"Isaw?" Lalong lumuwang ang ngiti niya. "I've never eaten that in forever! Tara!"
Napahalakhak na lang ang binata at sumakay na nga sa kotse. Ganoon din ang ginawa niya at nagmanehong nakasunod sa kuya niya. Gamit niya ngayon ang isa sa mga koleksyon ng kuya niya. It is the newest model of a Lamborghini so could say no, right?
Nauwi sila sa tapat ng isang school at hindi na niya kailangang tanungin dahil naaalala niyang doon sila nag-high school na magkapatid. Hindi na rin siya nagulat ng makilala din siya ng tinderang nag-iihaw.
"Napakagandang bata talaga." Masayang sabi nito sa kanya. "Alam mo ba 'yang kuya mo ay may dala-dala ring magandang babae dito minsan. Mukhang sosyalin din gaya niyo pero ang daming nakaing isaw at sumubok pa ng paa ng manok!"
Tinignan niya ang kanyang kuya. "Si ate?"
Ngumisi naman ang binata. "Sabi niya nagugutom niya at gusto niya daw sa lugar na mabubusog siya kaya dinala ko siya dito. It was her first time and damn, she's cute while eating!"
BINABASA MO ANG
Owned by the Devil
General Fiction[UNDER REVISION] If fate has already been decided after Cinderella had her perfect shoes... there truly is no escaping the not-so-fairytale that comes next. * * * Jeanna De Lara is stuck to her past love. He was her first, at walang makasisisi sa k...