✓ Chapter Eleven: Sunset

34.9K 660 9
                                    

Hindi maiwasang mapatitig ni Jeanna kay Kieth na abalang nagsasakay ng mga gamit nila sa kotse. Nagprisinta na siyang tumulong pero umiling lang ito at sinabing huwag na. She couldn't argue further. Sa totoo lang ay masaya naman siyang panoorin lang ang binata.

Just like what she thought, kahit ano talagang suotin ng binata nito ay babagay dito. Especially that simple white shirt and summer shorts. It's refreshing for her seeing him in his most casual. Madalas kasi ay naka-office suit ang binata.

Bago pa papunta kung saan ang pagtitig niya sa binata, iniwas na niya ang tingin niya.

"All done." Nakangiting anunsyo ng binata at hinarap siya. "Let's go?"

Tumango naman siya at sumakay na rin.

Ngayon ang araw kung kailan sila pupunta sa family reunion ng mga Montelvaro. Ang buong pamilya ni Kieth ay nauna na, kasama ang kuya niyang si Jeno kasama na ang ate niya. Nahuli lang sila ni Kieth ng isang araw dahil nagkaroon ng konting problema sa isa sa mga branch ng restaurant nila.

Muntikan pa nga siyang huwag na lang sumama; pero nang magpaiwan na rin si Kieth para may kasabay siya, wala na siyang iba pang dahilan para hindi tumuloy.

Besides, she didn't want to tease Kieth further. Masaya sa kanyang makita itong parang batang nagtatampo pero hindi siya ganoong kasama.

"Music?" Tanong nito na tinanggihan niya. Napalingon naman sa kanya ang binata at naiiling na ngumisi. "Come on, spill it. I know you're planning to tell me something."

Natawa siya doon. Kabisado na nga yata talaga siya nitong si Kieth. "It's kind of weird and I don't want you to answer kung ayaw mo..."

"You know you can ask me anything."

Nahihiya siya pero wala namang mawawala. Ito lang din ang makakasagot sa mga tanong na meron siya. "Ex-girlfriends. How many were your exes?"

"Ex-girlfriends? Hmmm..." Nakatuon ang tingin ng binata sa daan pero saglit siya itong nilingon para ngisihan lang ulit. "None."

"'Di nga?" Kusang lumabas sa kanya na ikinatawa lang ng binata. Siya naman 'tong hindi pa rin naniniwala! "Hoy! Imposible naman 'yun! As if hindi mo gagamitin 'yang pagkagwapo mo!"

Napahalakhak lalo ang binata at tinignan ulit siya saglit. "I got used to being called handsome but it feels new when you say it. Gwapo pala ako sayo."

Nag-init ang buong mukha niya. Wala yata talaga siyang laban kapag ito ang mang-aasar! "H-Hindi lang ikaw 'no." Depensa niya agad. "Ang sabi ko 'kayo'. Kayong magpipinsan. Buong angkan niyo naman kasi biniyayaan sa good genes depertment."

Napailing na lang ang binata pero bakas pa rin ang pagkaaliw sa mga mata nito. "Kung girlfriends nga, wala pa. You're close to the Ashford family, right? Apollo, Marcus, and June are casanovas. We, the Montelvaros, are said to be casanovas, too. Mga babaero, gago, manloloko..." Saglit na huminto ang binata at iniliko ang kotse. Ganon-ganon lang ay malapit na sila sa airport. "Narinig ko na ang lahat ng pwedeng sabihin ng babaeng galit. Well, not to my face exactly, but to my cousins'. How would I argue with that when I know myself that they aren't girlfriends but merely flings? Those women know that to themselves, they just let their delusions get the best of them."

Minsan talaga namamangha na lang siya kapag dire-diretsong nagsasalita ang binata nang ganito. Nakakalimutan niyang ito nga pala ang pinakatahimik sa magpipinsang Montelvaro.

She was also reminded that Kieth was never photographed with a woman before. Sa kanya nga pala ang trono ss kauna-unshang scandal ng binata. Napangiwi siya doon.

She clears her throat. "Is it really the norm with men like yourself? I mean, being a ladies' man."

"Maybe. Maybe not." Nagkibit-balikat na ang binata. "Sex is fun, Jeanna, and money can offer you sex. You have the money, you'll have women who are more willing to open their legs wide for you. It's also not only about the money. It's a dangerous game people play especially when both parties are clear with what they want with each other."

Owned by the DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon