✓ Chapter Thirteen: Wedding

31K 631 5
                                    

Paano nga ba magkaroon ng isang Kieth Montelvaro bilang boyfriend? Simple lang—magiging sobrang masaya ka.

Sa mga hindi magandang nangyari noong mga nakaraang taong ikinukong niya ang sarili niya, hindi niya talaga aakalaing pwede pa pala siyang sumaya nang ganito. She appreciates all the help she recieved to be this fully and genuinely happy.

Nakatulong sa kanya nang malaki ang pagtatapon ng nga bagay na nagpapaalala sa kanya ng nakaraan. She's all focused on the present now and all she's keeping for nemories are her stilettos that started it all. Ibinalik sa kanya iyon ni Kieth at natatawang biniro siya ipa-musuem daw nila for safest keeping.

Wala na ang bakas ng nakaraan at masaya na lang siya.

Napangiti si Jeanna nang mag-notify ang cellphone niya sa text ng nobyo. Pinapatahan pa daw ng mga ito ang husband-to-be.

"Anong sabi?" Natatawang tanong ng wife-to-be na walang iba kung hindi ang mahal niyang bestfriend na si JL. "Jojombagin ko 'yang si Apollo ko kapag sinabi niyang ayaw na niya."

Natawa na lang siya. Kahit kailan talaga ay haragan itong bestfriend niya. "Ang OA naman. Paanong aayaw? Pinapatahan pa nga raw nila. Jusko, wala pa tayo sa simbahan, nagka-cry of joy na ang asawa mo!"

"Aba dapat lang! Ikakasal na siya sa'kin!"

Nagkatawanan na lang sila lalo kasama ang iba pang bridesmaids.

Kahit na hindi siya ang ikakasal, ramdam na ramdam niya sa paligid ang excitement at saya. Blooming na blooming ang bride na tagong-tago ang kaba.

"Ladies, tara na." Tawag ng coordinator sa labas.

Niyakap niya si JL. "Kahit anong mangyari, ngiti lang, okay? Kayang kaya mo 'to, Mrs. Ashford! 'Wag kakabahan!"

"Oh! Bestfriend, kinakabahan na nga ako!"

"Ngayon ka pa ba naman kakabahan? Ikaw kaya si Jean Lorianne Grey na ginawa na yata ang lahat ng kagagahan sa mundo para makuha ang lalaking matagal naman na siyang mahal!" Pagchi-cheer-up niya na nagpangiti na ulit dito. "We have to go, okay? I love you!"

Yumakap muna ulit nang mahigpit ang blushing bride bago siya tuluyang pinakawalan nito. Kung gaano kasaya ang bestfriend niya ngayon ay ganoon din ang saya niya dahil, finally, ikakasal na talaga ito sa lalaking mahal na mahal nito.

Sumakay na siya sa kotse kasama ang iba pang mga abay papunta sa simbahan kung saan gaganapin ang kasal. Dahil nga artista ang kanyang bestfriend, may mga ilang media ang nandoon lalo na at imibitado ang ilang kilalang personalidad.

"Ate Jeanna, here!" Tawag ni Kayelle—ang prinsesa ng mga Montelvaro—sa kanya. "Wow! You look gorgeous! Nakita ka na ba ni Kuya Kieth, ate?"

Umiling siya at nakipagbeso-beso sa dalaga. "Hindi pa. Nandyan na ba sila?"

"Opo, ate." Tinuro nito ang mga kalalakihan nagkumpulan sa altar. "Ewan ko ba kay Kuya Apollo! Iyak na ng iyak, wala pa nga si Ate JL."

Hindi na niya maitago ang ngiti nang makita rin si Kieth. Katabi nga nito ang kuya niyang tawa ng tawa.

"Hays! Kaya naman pala pati ikaw blooming na blooming, ate." Nakangising sabi ni Kayelle. "You really like Kuya Kieth that much, huh?"

"Oo naman. Sobra!" Natatawa na lang din siya sa bilis siyang sumagot.

Tinawag na sila ulit ng coordinator para ayusin. Sino pa nga ba ang partner niya, 'di ba? Daig pa niya ang batang kilig na kilig nang kunin ni Kieth ang kamay niya para ihawak sa braso nito. He even whispered how amazing she looks and that fluttered her heart even more.

Owned by the DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon